Ang mga sumunod na araw ay inilaan ko sa pag titinda parin. Tulad ng dati kahit anung pag iingat ang gawin ko pag tatago ng pera ay nakukuha at nakukuha parin ni tita Marisol.Mag kaganon pa man ay patuloy lang ako sa aking ginagawa. Nag tatabi na lamang kahit pakonti konti. Mabuti na din iyon. Hindi man matuloy ang balak kong pag-aaral sa sunod na pasukan ay ma's mainam parin na may naitatabi akong pera.
"Yvonne,mag titinda ka ba ulit?''
tanong ng kasalubong kong si Sally habang patungo ako sa palengke. Ngumiti ako at saka tumango. Napairap ito sa akin dahil sa isinagot ko.
"Wala ka talagang kadala dala no,?Eh wala naman nangyayari diyan sa pag titinda mo. Alam mo, kahit anung sikap na gawin mo,kung may madrasta ka na katulad ni aling Marisol kun'di ang ilahad nang ilahad ang palad sayo,hindi ka makakaipon.''
ingos nito sa akin. Si Sally ay kababata at isa sa mga kaibigan ko na nag titinda din sa palengke. Ang kaibahan nga lang ang tinitinda niya ay mga gulay na mismong ani ng kanilang pamilya.Kumpara sa akin na kailangan ko pang makiusap sa mga mangingisda upang itinda ang mga huli nilang isda. Malalim akong napabuga ng hangin. Totoo naman ang sinabi niya. Ngunit anung magagawa ko. Mas lalo lamang ako pag-iinitan ni tyang kung nasa bahay lang ako.
"Ayus lang,Sally. May naitatabi pa naman ako kahit kaunti."
Sabi ko. Napailing at napairap ito sa akin.
"Hanggang kaylan ka mag titiis sa pamilya ng tatay mo?Alam mo?Masyado kang mabait,pumapayag kang winahalanghiya niyan madrasta mo. Kung ako itong nasa sitwasyon mo,kung anung gawin sa akin ng Mirasol na yan,ganuon din ang gagawin ko sa kanya."
nakangusong pag kakasabi nito sa akin. Siguro nga kung si Sally ang nasa kalagayan ko ay ,hindi malayong mangyari ang sinasabi nito.Alam kong may taglay itong katarayan at kilala din sa pagiging palaban. Ngunit hindi naman kasi ako si Sally. Isa pa ayaw ko din naman na inaapi api at sinasaktan ako ni tita Marisol.Ngunit anung magagawa ko?Kapag pinatulan ko si tita Marisol,alam kung kakampihan sya ni tatay.Ako lang din ang masasaktan sa huli. Kaya hangga't kaya kong tiisin ang mga ginagawa sa akin ni tita Marisol ay titiisin ko na lamang. Alam ko na makakawala din ako sa poder ni tatay. Hindi man ngayon,pero soon.
Matapos ang pag uusap namin ni Sally ay agad na dumiretso ako sa pier,upang kumuha sana ako ng maititinda. Ngunit ganoon na lamang ang aking lungkot ng sabihin sa akin ni Mang Kanor na pinakyaw lahat ng iyon ni Nimnia. Si Mimnia na ka-kumpetinsya ko sa pag titinda. Kahit anung pakiusap ko kay mang Kanor na maari kong itinda ay wala na talaga itong maibigay sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang bumalik na lamang sa palengke ng walang kadala dala na paninda. Wala na naman akong kikitain nito. Habang nag lalakad ako papasok sa looban ng palengke ng matapat ako sa pwesto nina Mimnia Busy na busy ito sa mga bumibili. Napasimangot ako dahil inubos nito ang dapat sana ay may maitinda pa ako.
Marahil ay naramdaman nito ang presinsya ko kaya naman ay napatingin ito sa gawi ko. Napataas ang kilay nito ng makita ang pag titig ko sa kanya. Maya-maya ay umirap ito sa akin. Na akala mo naman ay ikinaganda niya. Eh nag mumukhang bisugo naman.Kaysa tumambay pa ako at tingnan ito ay naisipan ko na lamang ang umuwi.Mag lalaba na lamang ako ng marurumi kong mga damit.
Habang naglalakad,nang mapadaan naman ako sa pwesto ni Sally. Busy ito sa mga customer. Mag kaganoon pa man ay nakita naman ako nitong muli. Nangunot pa ang kanyang noo ng makita ako. Ibinigay nito ang mga gulay sa huling customer pag katapos ay lumapit ito sa kanya.
"Oh,akala ko ba mag titinda ka?Bakit wala kang dala na mga isda?"
tanung nito sa akin. Sabay silip sa dala kong timba. Napakamot ako sa aking ulo. Saka napabuga ng hangin.
"Ubos na. Pinakyaw ng lahat ni Nimnia."ani ko at malungkot na nag baba ng tingin..Napailing ito pag katapos ay tumanaw sa bandang kaliwa na akala mo ay tanaw buhat roon si Nimnia.
"Sana inagahan mo..Alam mo naman ang babaeng yun. Ang tingin sayo ka-kumpetinsya."
sabi sa sa akin ni Sally. Alam ko naman iyon. Hindi naman ako manhid upang hindi ko maramdaman na ayaw sa akin ni Nimnia. Hindi ko nga din alam kung bakit. Hindi ko naman din itinuturing na isa syang ka-kumpetinsya. Lalo pa at sila ay may tamang pwesto. Samantalang ako,ay tamang nasa gilid lang ng bangketa doon nakikintinda.
"Di bale...sa sunod na lang ako mag titinda.Uuwi na muna ako sa amin."
"Anu naman gagawin mo 'don?Utusan ka lang doon ni donya Marisol."
mapanuya nitong pag kakasabi sa akin. Talagang kahit sa pananalita ay hindi gusto ni Sally si tita Marisol.
"Mag lalaba na lamang ako,Sally. Mag lilinis na din ako ng bahay. Parating na din kasi si tatay sa makalawa. "
nakangiti kong turan. Napaismid naman sa akin si Sally.Tila hindi nito nagustuhan ang aking sinabi.
"Kaya ginagawa kang alila ng madrasta mo,Yvonne,masyado kang masipag. Hayaan mo kaya maging makalat ang pamamahay nyo,or di kaya wag ka muna mag pakita diyan sa madrasta mo. Sa'min ka muna. Total naman hindi naman maganda pakikitungo sayo ni Marisol."
dagdag pa nito na ikinailing ko. Matagal na akong gusto kunin ni Aling Helga. Ang nanay ni Sally,ngunit hindi ko iyon matanggap tanggap dahil baka ang mga ito naman ang guluhin ni tita Marisol.Hinila ako ni Sally papasok sa stall nila.
"Total din lang naman,wala kang paninda isda ngayon,bakit hindi mo na lang kami samahan ni nanay dito. Mag tinda ka na lang ngayon dito sa'min. Bibigyan ka na lang namin ni nanay,di'ba po nay?"
tanung pa nito kay aling Helga na busy sa kabilang dulo ng stall.
"Ay oo naman nak,wala naman problema. Matagal ko na nga gusto kunin iyan si Yvonne,ayaw nga lamang ng batang iyan."
pag sang-ayon naman ni aling Helga kay Sally. Wala na akong nagawa pa,nag tinda na lamang ako sa pwesto nina Sally. At least kahit paano may kikitain din naman ako.
Sunod-sunod ang pag dating ng mga mamimili. Kaya naman ay naging abala kami ni Sally sa mga customer na maya't maya na bumibili ng sariwang gulay Halos hindi na namin namalayan ang pag lipas ng oras.
"Mamaya n'yo na ayusin yan,kumain muna tayo. "
saway ni aling Helga sa amin ni Sally. Napatingin ako sa mumurahin kong pambisig relo. Napamulaga pa ako ng makita ko kung anung oras na. Past one na. Ibinaba namin ni Sally ang mga labit namin gulay at saka nag hugas kami ng mga kamay.
"Oh,kain lang ng kain Yvonne,nang mag kalaman ka naman."
sabi sa akin ni Sally na panay ang bigay sa akin ng kanin at ulam. Napangiti ako saka marahan na tumango sa aking kaibigan.Patapos na kami sa pag kain ng matanaw ko si ma'am Elise. May mga dala-dala itong iba't ibang klase ng mga plastic.
"Kaya pala hindi kita nakita doon sa gilid,nandito ka pala."
sabi nito ng makalapit sa stall namin. Ngumiti ako saka marahan na tumango.
"Opo ma'am,wala po kasi ako ngayon maitinda."
ani ko at tinulingan ito sa pag baba ng iba pang plastic. Lumapit ito sa mga gulay at namili doon.
"Bigyan mo nga ako Sally,ng pang lahok sa gagawin kong pansit bukas."
baling nito kay Sally sabay turo sa karot,bagyo beans at iba pang sangkap na gulay para sa pag luluto ng pansit.
"Ay bakit naman?Wala bang huli ngayon si Kanor?"
Bago pa man ako nakasagot ay inunahan na ako ni Sally.
"Pinakyaw po lahat ni Nimnia."
nakangusong sagot ni Sally Kay ma'am Elise.
"Huh.?Hindi ba at banye-banyera ang kinukuha nila. Eh wala naman ganuon karaming huling isda si Kanor."
napasimangot si Sally habang kumukuha ng plastic na pag lalagyan sa mga biniling gulay ni ma'am Elise.
"Wala ho...Pero siyempre po,si Nimnia po yun ma'am,may pagka inggitera palaka yun kay Yvonne.Sa gilid-gilid na nga lang nag titinda itong kaibigan ko,eh naiinggit pa..Palibhasa---"
mabilis kong siniko sa tagiliran si Sally. Hindi tama na pag tsismisan pa namin kung anu man ang nangyari kanina.Negosyo iyon,kahit sino naman pwede maging ka-kumpitensya. Napailing si ma'am Elise.
"Hayaan n'yo na. Mayroon pa naman ibang araw."
sabi nito kay Sally. Kinuha nito ang mga pinamilimg gulay at saka isinama iyon sa iba pang mga plastic na dala nito.
"Ang dami po niyan, ma'am,kaya po ba ninyong dalhin ang mga iyan?"
tanung ko.Mukha pa naman kay bibigat ng mga pinamili nito.
"Oo nga,Yvonne. Para iyan mamayang hapon.Sa bahay kasi kakain yung mga doctor at nurse na nasa medical mission Susunduin naman ako ni
Henry diyan sa labasan."
sabi pa nito sa akin. Oo nga pala,ngayon araw yung libreng check up dito sa among bayan.
"Nakapag pa check up na ba ang tatay mo?"
usisa pa sa akin ni ma'am Elise. Malungkot ako ngumiti at umiling. Hanggang ngayon ay di pa rin kasi umuuwi si tatay. Isang linggo na din siya namamalagi sa bundok dahil sa mga tanim niya doon.
"Nasa bundok pa po si tatay,ma'am. Isang linggo na po siya doon."
sagot ko na ikinatango na lamang nito. Matapos makapag bayad ay nag paalam na din ito. Marami pa daw siya gagawin sa bahay nila. Lalo na ang pag hahanda para sa mga doctor. Bigla kong naalala si dok Daniel. Buhat nuon hinatid niya ako dito sa palengke ay hindi ko na sya muli pang nakita. Marahil ay busy ito sa mga pasyente ngayon. Ano kayang hitsura niya kapag nakasuot ng medical coat. Siguro ay mas naging gwapo pa sya kapag suot niya ang unipormeng iyon.Malalim akong bumuga ng hangin. Hindi ko maintindihan ang aking sarili sa t'wing nakikita or naiisip ko si dok. Bigla na lang kasi bumibilis sa pag t***k itong puso ko. Parang may mga kabayo nag kakarera sa loob nuon.
Pakiramdam ko tuloy may sakit na ako. Mag pa check up na din kaya ako?Muli akong bumuga ng mainit na hangin.
At bumalik muli sa pag titinda.
Halos mag agaw dilim na ng matapos kami sa pag titinda. Matapos ibigay sa akin ni aling Helga ang bayad sa pag titinda ay agad na din ako nag paalam sa mga ito. Dumaan muna ako sa bakery at bumili ng tinapay na ma-ipapasalubong ko kay Junior. Binabaybay ko ang daan patungo sa amin ng may tumigil na puting raptor sa aking unahan.
Nagulat pa ako ng sumakto nasa tapat na ako ay bumukas ang pinto nuon. At ganuon na lamang ang aking gulat ng makilala kung sino ang sakay nuon. Muli ko na naman naramdaman ang mabilis na pag t***k ng puso ko. Tila may nag kakarera na naman kabayo sa loob nuon.
"Hi.Pauwi kana ba?"
si dok Miller na nakasuot pa ito ng medical coat.Kung kanina lamang ay iniisip ko kung anu ang hitsura nito,ngayon ay alam at kitang kita ko pa.Apaka gwapo niya. Para siyang isang modelo na nahahawig kay Chris Evans.Hindi ko agad magawang kumibo mula sa aking pag kakatayo kaya naman ay bumaba ito ng kanyang sasakyan. Napaawang pa ang labi ko ng mag inat-inat pa ito habang papalapit sa akin.
"Pauwi kana ba?"
muli ay ulit na tanung nito sa akin. Napakurap kurap ako,saka alanganin na tumango dito.
"O-opo dok,"
alinlangan kong sagot.Halos hindi ako makahinga ng tuluyan na itong makalapit at tumayo sa tabi ko.Sandali pa nitong pinagmasdan ang malangis at nan lalagkit kong mukha.Kaya naman ay bigla akong nahiya sa ayus ko.Hindi man ako tumingin sa salamin,ay alam ko na madungis ang hitsura ko.Kaya naman wala sa sarili na pinunasan ko ang aking pisngi gamit ang kanan kamay ko.
Nangunot pa ang noo ko ng mariin nito kinagat ang pang ibabang labi.Maya-maya ay ngumiti ito sa sakin.Mas lalo pa nga bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa pag ngiti niyang iyon sa akin.
"Sumabay kana sa akin. Pauwi na din ako."
hindi ko inaasahan na presenta pa nito sa'kin.Napatingin ako sa nakabukas nitong sasakyan. Kay kintab nuon at malinis. Naamoy ko rin ang mabangong amoy na nanggagaling sa loob ng sasakyan.Humaba ang aking leeg at pa-simpleng sinilip ang loob noon. Bigla akong nahiya ng makita ko kung gaano kalinis iyon.Nakakahiya sumakay doon ang isang tulad ko. Lalo pa nga at galing ako sa palengke,mag hapon sa gulayan. Baka malagyan ko lamang iyon ng amoy pawis ko.