Hindi ko malaman kong sasabay ba ako or hindi na lamang. Sa huli ay napailing ako. "H-hindi na po dok. Medyo malapit lapit na rin naman po ang sa amin." pag tanggi ko. Sabay iwas ng tingin ko sa kanya.Hindi ko alam,pero parang sasabog ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nuon. "Sumabay kana sa'kin,para mapabilis ang pag uwi mo." pag pupumilit pa nito sa akin.Wala na akong nagawa ng pag buksan ako nito ng pinto. Sa front seat ako nito pinaupo. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig na nag mumula sa aircon ng sasakyan. Pa-simple kong tiningnan muli ang sasakyan ni dok.Halatang alaga nito ang sasakyan dahil sa malinis at kay bango ng amoy nito. Halos manigas ang katawan ko ng pumasok na si dok at naupo sya sa driver set. Lihim akong napalunok at napabuga ng hangin.Hindi ko kasi

