Jezer
"Mom! I changed my mind, ayoko po siya maging kuya. He's always so rude and mean to me. At wala po siyang galang sayo." Reklamo ko kay Mom dahil hindi naman talaga kagusto-gusto ang pagsagot nito sa kaniya. Ako nga ay hindi sinasagaot nang ganon si Mommy, tapos siya gaganunin niya lang?
Ngumiti si Mom sa akin ngunit kita sa mga mata niya ang kalungkutan.
"I'm sorry about my son, Leah. It's just that, he's been like that ever since Daniela died. He loves his mother so much and he's still grieving. Sana maintindihan niyo ang inasal niya." Bumalik si Tito Seker sa tabi ni Mom at pinatong ang kamay niya sa balikat nito.
"Naiitindihan ko, Sek. My princess right here was the same. I guess he just loves his mom so much that it's hard for him to let go and move on." Hinahangaan ko si Mommy dahil halos lahat ng bagay ay iniintindi niya, hindi siya iyong tipong sumasabog agad sa galit.
She cleared her throat. "Pero ikaw nga na-in love sa akin dahil sa luto ko, ang anak mo pa kaya? I'm sure mana siya sayo." Hinalikan niya si Tito sa pisnge, bumaling siya sa akin kapagkuwan at binigyan ako ng tipid na ngiti. "At ikaw naman, Jez. Dapat naiintindihan mo siya dahil gan'yan ka rin naman dati nung una mong nakilala ang Tito mo. Why don't you follow him?"
Ngumuso ako at gustong magmatigas, pero paano ako makakatanggi kay Mommy? Masyado ko siyang mahal para tanggihan ko ang gusto niya.
"I think that's not a good idea." Tito commented, grimacing in disapproval.
"Why not?" Mom looked at him. "They seem close? Did you see how he looks at my daughter like she's some kind of a lost puppy?"
Huminga ako ng malalim at tinignan ang nilabasan ni Kuya Kosovar.
Sige na nga, tinulungan niya naman ako kanina. Tapos na kaya siya sa paggawa ng mga homeworks ng mga classmates ko?
Tama nga siguro si Mommy, kaylangan siyang intindihin dahil napagdaanan ko na rin ang pinagdadaanan niya ngayon. Dapat ako ang mas nakakaintindi sa sitwasyon niya dahil parehas lang kami ng pinagdaanan.
I excused myself and followed Kuya Kosovar outside. Nahuli ko siyang nakaupo sa hood ng isang magarang kotse habang naninigarilyo.
Doesn't he know that smoking is bad for his health?
Badboy nga talaga siya. Kung kumbinsihin ko kaya siya ngayon na isali na ako sa kinabibilangan niyang gang? Pero sigurado namang hindi siya papayag dahil madamot siya. Kakausapin ko na lang siya at babawiin sa kaniya ang mga assignments kung tapos niya na ito.
Lumapit ako sa kaniya habang nakanguso, pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib at tumikhim para kuhanin ang atensyon niya ngunit hindi siya nakibo na tila malalim ang iniisip.
"Kuya!" Mahina kong hinampas ang hood ng sasakyan, sa wakas ay naalis ang atensyon niya sa kung ano mang tinitignan niya at bumaling sa akin.
"What the hell are you doing here?"
He sure loves to swear a lot.
"Sinundan kita, obvious naman 'diba? Oh my god! Don't tell me bulag ka?" Nagbiro ako pero base sa ekspresyon ng mukha niya ay hindi siya mukhang natuwa. "Hindi ka naman mabiro, Kuya Kosovar. Dapat maging mabait ka sa akin kasi little sister mo na ako ngayon."
"Little sister? Never." He shook his head and exhaled a thick smoke from his mouth.
"You have to accept it, hindi lang naman ikaw ang nahihirapan." I looked at the stars in the sky.
I have lost someone I love, too. Dad's gone and he will never come back. I already accepted that fact.
"You look normal tonight, what happened to your craziness?"
Mahina akong natawa. "Masanay ka na sa ugali ko, ganito na talaga ako simula nung bata pa, I have a very weird mood swings." Inangat ko ang sarili at umupo sa hood ng kotse sa tabi niya. "Smoking is bad, you know."
"I know."
"Bakit mo pa rin ginagawa kung alam mong masama?"
"It's none of your business, brat."
"Bakit ayaw mo 'kong maging kapatid?" Mahina kong tanong habang pinaglalaruan ang mga daliri.
Nakakalungkot kasi na palagi niyang sinasabi na hindi niya ako kapatid at ayaw niya 'kong maging kapatid. Gustong-gusto kong magkaroon ng kuya ngunit siya naman ay hindi ako gusto. Dahil ba kay Mommy o dahil ayaw niya lang talaga sa akin?
Matiim ko siyang tinitigan, pinapanood kung paano niya suklayin ang buhok niya palikod gamit ang mga daliri niya pero bumabalik pa rin ang cute niyang curls sa noo niya. Hindi na siya naka-hoodie kaya malaya kong napagmamasdan ang mukha niya.
Tinapon niya ang sigarilyo niya at inapakan ito para patayin ang apoy.
"You can uncover your nose now." He suddenly said.
Napakurap-kurap ako at tinanggal ang daliri kong nakatakip sa butas ng ilong ko. Hindi ko man lang namalayan dahil abala ako sa pagmasid sa kaniya.
Tumayo siya habang tinutulak ang mga kamay papasok sa bulsa niya. Sandali siyang lumingon sa akin at saka naglakad din palayo sa bahay.
"Kuya, saan ka pupunta?" Pahabol kong tanong sa kaniya.
"Somewhere I belong." He muttered, I don't know if I imagined it, but he sounded sad.
Pakiramdam niya siguro ay out of place siya sa sarili niyang tahanan. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Ayokong maramdaman niya iyon, ayokong isipin niya na inaagaw namin si Tito Seker mula sa kaniya. Ang gusto kong ay iyong maging komportable siya sa akin.
...
Pagkagising ko ay agad kong hinanap si Mommy, ngunit hindi ko siya nakita sa tabi ko at saka ko lang naalala na nakalipat na pala kami sa bahay ni Tito at may sarili na akong kwarto. Nanibago ako at nakaramdam ng konting takot, nagpuyat pa ako dahil hindi ako makatulog.
Malay mo naman ay biglang sumulpot si Sadako. May malaking flat screen pa naman ang kwarto ko, which is so cool. Sana nga lang ay walang Sadako sa loob.
Just like my request, most of the things in my bedroom are color purple. My bedsheet and pillow case, my curtains, the small bed bench and more. Everything's clean and in place, I have this books in my shelves and some things that I didn't even ask for like a laptop and make ups.
Bumangon na ako at ginawa ang morning rituals ko, pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako ng kwarto. Natigilan ako nang makaharap ko ang stepbrother ko na kakalabas lang din ng kwarto at natigilan din tulad ko. Then I remembered Tito telling me na magkatapat lang ang kwarto namin.
"Kuya, hi!" I smiled at him widely. "Good morning!"
Pinasok niya sa bulsa ang cellphone na hawak niya at tumaas ang kilay sa akin. Akala ko ay babatiin niya ako pabalik nang bumukas ang bibig niya ngunit tinanong niya lang pala ako.
"All purple?"
Buti naman ay napansin niya ang cute na outfit ko kaya papalampasin ko ang hindi niya pagbati sa akin.
"Yeah!" I responded happily. "Binili sa akin ni Tito, he knows na favorite na color ko ang purple. Ang ganda ng dress na binigay niya 'diba?" Umikot pa ako para makita niya ng maayos.
"My Dad bought you that? Doesn't seem like him." He shrugged.
"Hindi mo man lang ako babatiin ng 'good morning' o kaya naman iko-compliment ako, 'no?" I huffed, crossing my arms over my chest. "Oo nga pala, kuya, ang mga assignments ng mga classmates ko?"
Tumaas ang sulok ng labi niya. "Tinapon ko?"
My jaw loosened and my hand flew to cover my mouth.
"What!?"
Sinarado niya ang pinto ng kwarto niya ar umalis sa harapan ko. Natulala ako sa pintong ito habang nakanganga pa rin.
Baka magalit sa akin ang mga classmates ko dahil hindi ko nagawa ang homeworks nila, wala pa akong maibabalik na notebook sa kanila. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko! Paano ko sasabihin na pinaubaya ko sa iba ang assignments nila at tinapon nito ang mga ito?
Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko at sumunod kay Kuya Kosovar na nasa baba na ng hagdanan. Nang maabutan ko siya ay tumalon ako't pumasan sa likod niya.
"What the-!" We both stumbled on the floor, I laughed because of his reaction. He looked annoyed but didn't scolded me, instead, he sat on the floor and just glared at me like he always does.
"Do you realize that you look like a monkey whenever you do that?"
I giggled, standing up and offering my hand to him. "Anong masama sa monkey? They are cute, and also, science said na galing daw tayo sa mga apes dati. Pero hindi ako naniniwala duon kasi sabi ni Mommy gawa tayo ni Lord."
He chuckled bitterly, not wanting to accept my hand. "You actually believe in him? He's not real."
Natameme ako dahil sa sinabi niya.
"He's real, God's real. How can you say that?"
"If he's real, then why the hell does he lets us suffer? What kind of god is that?" He pulled his hoodie over his head and stood up. He waited for my answer but I stayed silent, looking at the ground. Narinig ko siyang bumuntong hininga at naglakad palabas pero bago pa siya tuluyang mawala sa paningin ko ay nagsalita na ako.
"You actually believe that lies?" I asked in a low voice, but he heard it and stopped midway to the door. "I know that a lot of us suffer, I'm completely aware of that. But that's not God's fault, he never wanted us to suffer. He's not cruel and evil, he doesn't test us and takes our love one's lives. God hasn't stopped bad things from happening but he never makes them happen."
"It's up to you kung maniniwala ka sa sakin. May sari-sarili naman tayong paniniwala, so I'll try to respect yours."
But in the end, Kosovar just ignored me and left. I should have expected that to happen.
Hindi ko talaga gets ang mga taong nag-i-insist na nagbibigay ng mga pagsubok ang Diyos? The bible said that God is love, why would he test us if God is love? When people say that, it's almost like they are blaming him for their problems.
Hindi naman ang Diyos ang kumikilos para sa atin, he gave us a body and mind of our own. Kapag naging tanga ako, lumabas ng gabi at napagsamantalahan, masasabi ko bang pagsubok 'yon? It's not like God wanted it to happen and planned it to happen, ako ang kumilos at ako nagdesisyon. Kasalanan ko 'yon.
My shoulders fell in disappointment but when I heard footsteps from the stairs, my mood lit up.
"Tito!" I smiled at Tito Seker, lumapit ako sa kaniya at binati siya ng yakap. "Good morning po. Si Mommy?"
"She's still asleep in our room." He messed my hair. "Okay ka lang ba rito? Komportable ka ba sa kwarto mo?"
"I'll get use na hindi katabi si Mommy eventually." Ngumuso ako.
He chuckled. "Pwede ka namang tumabi sa amin ng Mommy mo. We won't mind."
"No, ayokong pong maging abala sa inyo. Alam ko pong gusto mong masolo si Mommy." I teased him while poking his arm. "Right?"
"No, seriously, Jez. You can sleep with us if you're not comfortable in your room. I will love to spend more time with you, you're my daughter now."
My heart melted, my eyes actually watered when he called me his daughter.
"Jez, sweety, you can ask for my help. I know you're going through a lot, hindi biro ang sakit mo. I can help-"
"I don't want you to waste money for me, it's no use. My condition's already at its worse and I just want to enjoy my life." I cut him off but he still doesn't look convinced. I exhaled a shaky breath and gave him a genuine smile. "Tito, don't worry about me. I'm completely fine and happy."