Jezer
Matapos akong pagalitan ng mga classmates kong babae na nagpagawa sa akin ng assignments ay dumiretso ako sa cafeteria. Umupo ako sa table ng mga kaibigan ko at sinubsob ang mukha sa lamesa upang magmukmok.
Bakit kung sigawan nila ako, parang sinadya ko na iwala ang mga notebooks nila?
"Jez, are you okay?" Sinuntok-suntok ni Bryan ang likod ko, nakakapagtaka kung bakit ang sakit niyang manuntok kahit na ang payat-payat ng braso niya.
"Do I look okay, Bry!?" I met her gaze while pointing at myself. "Hindi ko naman sinasadya eh! Bakit ganon sila makasigaw!?"
Apat lang ang mga kaibigan ko. Si Bryan, which is ang stick kong bestfriend pero maganda siya, but I won't tell her that. Ang isa pa sa pinakamalapit kong kaibigan ay si Ryan na kambal na lalaki si Bryan. Sunod ay si Clarise na kaugali ni Bryan ngunit mas harsh.
"Ano na naman, Jez? Inatake ka na naman ng kaengutan at katangahan mo?" Taas kilay na tanong ni Clarise. "Kasalanan mo kasi pinaubaya mo sa badboy na 'yon ang assignments nila, sino bang tanga ang gagawa non? Kapag nakita kitang lumapit sa kriminal na 'yon, babatukan talaga kita!"
Si Clarise itong feeling nanay sa aming apat, sa aming apat ay siya dapat ang palaging nasusunod, salungat ang ugali niya sa itsura niya. Isang tingin mo sa kaniya, akala mo ay siya itong tahimik at mahinhin, pero katulad lang sila ni Bryan ng ugali.
She got this bright hazel eyes, normal nose, round face and thin lips. She looked innocent and I was fooled once because of her look.
"Seriously, P-bear. Don't get close to him just because you want to be a gangster." Ryan smiled at me sweetly, his dark brown eyes glistening as he look at me. He calls me by that weird nickname kasi noong una kaming nagkakilala ay mukha raw akong panda dahil sa laki ng eyebags ko. Ang sama niya 'diba? Wala yata sa mga pinakamalapit kong kaibigan ang hindi ako nilalait. Pero kung papipiliin ako sa tatlo, mas okay pa si Ryan.
Ngunit nakakapagtaka kung bakit pinapalayo nila ako kay Kuya Kosovar. Hindi niya naman ako sinasaktan. Ang totoo nga niyan ay baka ako pa ang nananakit sa kaniya dahil biglaan ko na lang siyang tinatalunan sa likod para pumasan.
"He's rude but he's okay. Hindi niya ako sinasaktan, ano lang kasi, nagpatulong 'yong mga classmates natin sa assignments pero sabi ni Kuya Kosovar ay siya na lang ang gagawa, pero tinapon niya lang pala sa basurahan mga notebooks nila. Tuloy nagalit sa akin ang mga girls."
"Oh my gosh, he did that!? Girl, he's a keeper!" Tini ni Bryan at niyugyog pa ako.
"No, he's not! The guy went to jail last week because he murdered someone. Lumayo ka sa kaniya, Jez." She said to me after glaring at Bryan.
"How did he went to jail last week? Halos araw-araw ko siyang nakikita sa school." I folded my arms over my chest while pouting.
"But the other rumors, Jez! We can't risk that! Baka kung anong gawin niya sayo!"
Bryan frowned, she looked at me and It was obvious that she's siding me this time. Of course, she will, Clarise is making no sense at all.
"Just stick with us, lalo na kay Ryan. Siya lang naman ang kayang tiisin ang katangahan mo eh. Kaya bagay na bagay siya sayo eh!" Sanay na ako sa mga panlalait nila sa akin, pero aaminin kong natatamaan ako sa bawat panlalait nila.
"Una sa lahat, Clarise, hindi bagay si Ryan saka hindi ako tanga!"
"Ikaw talaga, hanggang ngayon hindi ka nagiging mature. Ang ibig sabihin ko ay para kayo ni Ryan sa isa't isa."
That doesn't make sense!
"I don't like Ryan and I'm sure he doesn't like me that way, too. We're bestfriends, 'diba, Ryan?" Bumaling ako kay Ryan, ngumiti siya sa akin at bumangon.
"Sandali lang ako." He excused himself and left the cafeteria.
May nasabi ba 'kong mali?
"Hindi ka lang tanga, Jezer, manhid ka pa." Inirapan ako ni Clarise.
"Hindi ako manhid, ikaw siguro. Sayo may gusto si Ryan, hindi sa akin." I pointed my finger at her.
Her lips parted open, she looked shocked and couldn't believe what I pointed out. Pero nakuha si Kosovar ang atensyon ko na kakapasaok lang sa cafeteria, siguro ay para bumili ng lunch.
Kahit na hindi ko nakikita ang sariling mukha ay alam kong nagliliwanag ang mga mata ko. Hindi ko man lang namalayan ang sariling tumayo at kumilos ang mga paa patungo sa kaniya.
"Kuya Kosovar!" Tinawag ko ang atensyon niya, pero bago pa siya makaharap sa akin ay tinalunan ko na siya sa likod. Natumba kaming dalawa sa salig, nakadapa siya habang ako ay nasa likod niya habang tumatawa.
"Jezer, what the hell is your problem?" He pushed himself up, shoving me off his back by his elbow but supported my body by his free arm to prevent me from hitting the floor.
Nauna siyang tumayo at sinamaan ako ng tingin, tulad ng inaasahan ko.
Biglang dumating ang mga kaibigan ko, kahit si Ryan. Tinulungan nila akong makatayo, sasabihin ko sanang okay lang ako ngunit biglaan akong hinila ni Clarise sa likod niya, dinuro niya si Kuya Kosovar na nakahoodie at tinatago ang mukha.
"Anong ginawa mo sa kaibigan namin!?" She accused.
"Clar, wala naman s'yang ginawa sa akin. Ako 'yung may ginawa sa kaniya, nagpiggyback ride ako sa kaniya." Ngumuso ako habang nakatingin kay Kuya Kosovar.
Bigla na lang siyang naninisi, hindi man lang inalam kung anong tunay na nangyari. Kahit na ayoko ay nakaramdam ako ng konting inis sa kaniya, alam kong nag-aalala lang siya para sa akin pero hindi ko mapigilan ang inis ko.
"Eh bakit ba kasi nilapitan mo ang kriminal na 'yan, Jezer? Ang tanga mo talaga kahit kaylan, hindi ka nag-iisip!" She turned her gaze to me with flaring eyes.
Hindi ako makasagot, hindi ko man lang mapagtanggol ang sarili ko at si Kuya Kosovar.
"What a good friend you are." Kuya Kosovar told Clarise before turning his heels and walking away from us.
"He have done nothing to me." Bulong ko sa sarili ko, marahas kong pinilig ang ulo ko at sinundan si Kuya Kosovar. Hinawakan ko ang kamay niya, bumaling siya sa akin at kahit hindi ko naaninig ang mukha niya ay alam kong nagtataka siya.
"I'm coming with you, Kuya." I whispered, holding his hand tightly.
"Jez!" Bryan held my free hand "Sasama ka sa kaniya?"
"Yeah, why not?" Ngumiti ako sa kaniya. "Hindi naman siya masama."
"Jezer." Ryan tried walking towards me but I shook my head and settled myself behind Kuya Kosovar.
"Okay lang ako, Ry. Kaya ko siya, hindi niya 'ko sasaktan." I tugged Kuya Kosovar's shirt, he moved his gaze from my friend to me. "Let's go, sasamahan kitang mag-lunch, Kuya."
"Fine, do whatever you want, just let go of my hand."
Nginitian ko siya, tumango ako't binitawan na ang kamay niya. Nagtungo ako sa counter para bumili ng pagkain namin ni Kuya Kosovar, pasimple akong sumulyap kung saan naroon ang mga kaibigan ko. Clarise is saying something to my stepbrother, I'm guessing she's not yet done judging him.
I'm angry at them for judging him so easily. Paano nila nasabing kriminal si Kuya Kosovar at bakit pinapalayo ako nila sa kaniya? He's not dangerous, I'm sure of that. Hindi pa nga nila kilala ang tao, kung ano-ano na ang pinagsasasabi nila rito.
Bumalik ako sa kanila pagkatapos kong bumili, inabot ko muli ang kamay ni Kuya at pinakita sa kaniya ang binili kong mga pagkain na nasa plastik. Hula ko ay iniirapan niya ako ngayon, hinila niya ang kamay niya pero hindi ko ito binitawan, I heard him groaned quietly and pulled me with him to the exit.
"Jezer!" Called Ryan who looked worried.
"I'll be fine, guys. I'll catch up later!" Kumaway ako sa kanila, nang makalabas na kami sa cafeteria ay binitawan ko na ang kamay ni Kuya.
Narinig ko siyang bumuntong hininga, inalis niya ang hoodie niya at tinignan ako ng masama.
"Leaving your friends to annoy me, I see?"
I frowned in confusion, because he doesn't look annoyed though.
"Let's have lunch away from toxic people, what about the school garden?"
"Wherever, let's go." He walked away, leaving me behind.
I ran to catch up to him, I jumped on his back and wrapped my arms around his nape. He let out a huff in surprise, but this time, we didn't fall to the floor.
...
"Did I meantion that you're annoying?" Kuya Kosovar asked, the third time around.
I pouted because of his rudeness. Hindi ko na lang siya pinansin, kumagat ako sa sandwich ko at pinanood ang mga kalalakihang nagsa-soccer sa field. I noticed na ito ang favorite hang out place ni Hunter, dito ko siya madalas nakikita na mag-isa. Sisiguraduhin kong magbabago na 'yon ngayon dahil sisiguraduhin kong sasamahan ko siya palagi.
I'm not a fond of football, so I shifted my gaze to Kuya Kosovar who's enjoying the hamburger I bought for him. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mukha niya ngayong hindi niya na suot ang hoodie niya. The short curled hair sticking out on his forehead looked so cute.
"Stop staring, it's creepy." He glanced at me.
"I'm not creepy!"
"Yeah, you are."
"Si Kuya naman eh."
Pinilig niya ang ulo niya sa akin, bumaba ang tingin niya sa dibdib ko kung saan makikita mo ang peklat dito.
"Oh, this?" I caressed the healed scar. "Nakuha ko dati nung nalaglag ako sa puno. Bumagsak sa akin 'yong malaking sanga, nawalan ako ng balanse sa pag-akyat. Buti na lang ay nanduon si Daddy para sagipin ako." Kwento ko habang nakangiti, napagtatanto na kahit pala ang mga sugat o peklat natin ay may maganda ring ala-ala.
I miss Daddy so much, madami siyang tinurong kabutihan sa akin ngunit nung nawala siya ay nagbago ako. Naging masama ako sa mga tao, natutunan kong mang-bully, magyosi at uminom. Kaya tinakpan ko ang ilong ko nang manigarilyo si Kuya Kosovar ay dahil ayokong maakit. I was just 15 years old when I learned all those things, can you imagine?
Iyon ang mga sikreto ko na si Mommy at si Tito lang ang nakakaalam. The reason why I cherish and love Tito Seker so much is because he's the reason why I changed for the better. Hindi niya ire-replace si Daddy sa buhay ko, magiging pangalawang ama ko lang siya pero hindi ibig sabihin ay papalitan niya ang role ni Daddy sa buhay ko.
"And you're replacing him?" He asked with disbelief in his voice.
"I'm not replacing him, I could never. Tito Seker will be my second Dad. My real Dad and him have a different roles in my life. Tito's always there when I need him."
"And he's not always there whenever I need him." He chuckled bitteryly, playing with the straw od his drink. "Kinukuha niya lang tiwala mo kasi pakakasalan niya ang nanay mo."
Kumunot ang noo ko, hindi ko inalis ang mga mata ko sa kaniya. Somehow, it felt comfortable making eye contact with him for long, my heart felt light and good.
"Tito cares for you, really. Remember when he bought you a gigantic toy truck on your 9th birthday? Remember when you spend the whole day with him in the amusement park? When he rushed you to the hospital because you ate a peanut butter, not knowing you're allergic to peanuts?"
"H-how..." he looked confused, surprised even.
I smiled at him, I put my hand on his own that's sitting on his lap. "Palagi kang kinekwento sa akin ni Tito, kinekwento niya nga rin sa akin 'yong mama mo-"
"Don't talk about her." May diin niyang sabi, hinawi niya ang kamay ko at nag-iwas ng tingin sa akin. His hand on his lap turned into fist, his jaw clenching and his eyes shutting close.
Kinagat ko ang ibaba kong labi, tinitigan ko ang juice ko bago pagdesisyonang inumin ito para itulak ang kung ano mang nasa lalamunan kong pumipigil sa aking magsalita.
"What gang are you in?" I changed the subject to something more intense.
"What?" He asked, his brows furrowing, his gaze ahifting to me too quickly.
"Emmanuel's?"
"How the hell-"
"I was one of them once." I shook my head. "Surprising, right? Inisip mo sigurong masyaso akong inosente, 'no? Did you know that I almost lost my virginity there?"
He shifted from his seat, a sign that he's interested to know.
"Yeah, I got into a relationship with Emmanuel." I cleared my throat, staring at my hands in shame. "I almost gave myself to him, good thing the police came in the right timing, interrupting what suppose to happen. I was only 15, for goodness sake. How stupid am I, right?"
"So... you're just... acting?" He wasn't sure.
"I'm not pretending, I'm actually dumb and crazy, and maybe a bit innocent, too. Kaya siguro napaikot ako ni Emmanuel sa palad niya." Ngumuso ako, hindi pa rin tumitingin sa mga mata niya. Ayokong husgahan niya ako.
"I'm finding this quite hard to believe."
"Bring me with you kung may gathering kayo, kilala nila ako."
"You were almost r***d by him!" He pointed out, his brows furrowing more and I pitied the burger he's crushing with his dominant hand.
"Oh iyon naman pala, pinapaniwalaan mo naman pala ako. Joke lang ang kanina, Kuya, ah? Huwag mo kong isama duon. Ayoko na duon." Ngumiti ako at sumandal sa bench, sumunod siya habang nakatitig sa burger na napipi niya na.
"Pero gusto mong sumali sa gang."
"Malay ko bang duon ka kabilang! Hindi ko alam, no! Pero gusto ko nga talaga maging gangster, nakakainggit mga binabasa ko sa libro, baka duon ko pa mahanap love life ko. Nakakainggit kaya 'yong mga main characters na babae, mai-inlove sa kanila ang isang badboy tapos magbabago 'yong badboy dahil sa kaniya sa ending. Gusto kong ma-experience 'yon."
That dream is so cliche, but I want it!
"You're so weird." He commented while chuckling. Napangiti ako nang marinig ang mahina at sandali niyang pagtawa.
"Alam mo, 'yong dad mo ang tumulong sa'kin mag-start ng bagong buhay. Nakakulong ako sa kwarto, handa na para tapusin 'yong buhay ko. I hated Mom that time kasi akala ko ire-replace niya si Dad, I hated my life and I was really, really depressed, I just wanted to end my life there, but your dad saved me. Your dad's a hero, Kuya."
"He's not for me though." Huminga siya ng malalim, inubos niya ang burger niya kahit na napipi na ito at inubos ang inumin niya. "Go to your class, Jezer, you'll be late.
"Kuya-"
"Jezer." He gave me a warning look.
"Fine, magkita tayo sa bahay, ha? I will visit your room."
"Do whatever you want, it's not like I can stop you."
Nginisian ko siya, inubos ko agad ang pagkain ko. "Bye, Kuya!" Tumakbo ako pabalik sa main building habang kumakaway sa kaniya bilang pamamaalam. Dahil sa katangahan ko ay nadapa pa ako, may tumulong sa aking mga estudyante na makatayo at nahihiya akong nag-thank you sa kanila.
Bumaling ako sa gawi ni Kuya Kosovar, saktong pagtingin ko ay nagsusuot na siya ng hoodie pero nakita ko ang malaking ngiti sa labi niya, iyong ngiti na kita ang ngipin.
I guess he saw my clumsiness.