Tinuloy namin ni Hero ang pagpapanggap, kahit alam naming mali. Si boss naman wala pang alam sa nangyayari. Pero kinakabahan pa rin ako na baka malaman n'ya. "Babae!" "Yes boss?" "Coffee..." aniya at tuloy pa rin sa pagtitipa sa laptop n'ya nandito kami ngayon sa office n'ya. "Okey po!" tumayo na ako at bumili ng kape. Paano naubusan na ng kape sa office n'ya ginagawang tubig ba naman ang kape. Maya maya nagkakape s'ya. "Hi miss!" napataas ang kilay ko ng makita ang isang babae. "Hi..." "Puwede bang pakiabot ito kay boss..." nahihiyang aniya. "Ano ito?" "Ano... ah.." halata namang nahihiya ito. "Ikaw na mag abot kung 'di mo sasabihin, hindi kasi tumatanggap si boss ng kung ano anong sulat..." "Love letter..." napanganga ako panandali sa sinabi n'ya. "Ikaw mag abot." Ani ko at

