Nang matapos ako manood nagpaalam ako kay boss na lalabas muna, pumayag naman ito kaya lumabas na ako. Gagalain ko lang ang paligid, hindi ko pa kasi hindi pa ako gano‘n nakakagala rito. Habang naglalakad tingin tingin ako sa paligid, ang tahimik. “Hi baby!” “Anak ka ng tipaklong!” gulat na sigaw ko. Nakakainis ‘pag may nangugulat sayo out of nowhere e. “Ilang beses ko bang sasabihin na, anak ako ng nanay ko!” inirapan ko ito. Nandito na naman s‘ya. “Ano‘ng ginagawa mo na naman dito? Tsaka puwede ba sa susunod ‘wag kang mangugulat aatakihin ako sa puso sayo e!” mataray na tanong ko, to yare ako ‘pag nalaman ni boss na nakikipagkita ako sa kaniya. “Wala gusto lang kita makita...” “Paano mo nalaman na nandito ako?” “Dito lamg rin kaya ako nakatira!” “What?” nakakagulat naman, wala

