BERNADETTE Nang magising ako ay puting kulay ng pintura ang nabungaran ng mata ko. Matagal kong tinitigan ang puting kisame dahil iniisip kong ano'ng nangyari. Nang luminaw ang paningin ko ay naalala kong nawalan ako ng malay tao. Bumangon ako bigla. Bababa na sana ako sa kama nang maramdaman ang sakit sa ibabang bahagi ng katawan ko. Nakita ko ang kamay kong may nakalagay na suwero. Naalala ko ang anak ko. Ang anak ko. Diyos ko wala naman po sanang nangyari sa kanya. Taimtim kong dasal habang nakapikit. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nagmulat ako ng mata. Pumasok ang doktor at nurse. “Dok, kumusta po ang baby ko?” tanong ko agad nang makalapit ang doktor. Lumapit ang nurse sa tabi ko at inayos ang nakakabit na swero sa kamay ko. Kinunan niya ako ng blood pressure. “Dok,” ulit ko

