CHAPTER 15 - LISA POINT OF VIEW

1109 Words

"Okay, tama na. Pagod na kong dalhin ka. Humiga ka na lang muna diyan." Hingal na hingal kong bitiw kay Robi nang magpumilit siyang humiga sa sahig sa labas ng bar. Aba, noong inaya niya ko pumayag ako dahil hindi ko naman alam na magpapakalasing siya nang ganyan. "Jusko, hindi ko na maramdaman ang mga braso ko." "Lisa, tayo na lang kasi," wika ulit ni Robi. Napabuntong hininga ko dahil sa sinabi niya. Paulit-ulit na lang siya at minsan ay sinisigaw niya pa 'yon. "Lisa..." Bigla naman nanlaki ang mata ko nang makita ko si Jayson. Bakit siya nandito? Kalalabas niya lang ng hospital tapos umiinom na siya?! "B-bakit? Ay! Anak ng kabayo!" agad na hiyaw ko nang bumagsak siya sa balikat ko. Teka, ano ba gagawin ko?! Isa nga lang hindi ko na mabuhat tapos dalawa pa ngayon?! "Lasing ka rin?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD