"Ako na lang ulit ang mahalin mo.." Taas kilay akong napalingon kay Lisa. Naabutan ko siyang nakanguso habang nakayuko sa hapagkainan. "Sige," wala sa loob kong bigkas kaya nataranta ko nang bumalik siya ng tingin sa akin. Ni hindi ko na marinig kung ano ang sinasabi ni Kassandra. Basta agad akong umiwas at tumalikod. Pagkatapos kumain, siya ang naghugas ng mga pinagkainan. Hinayaan ko na lang dahil kanina pa siya tahimik at mukhang naiinip. Umupo na lang ako sa sala at nanuod kunyari ng TV kahit pa ang totoo ay pinakikiramdaman ko siya. "Jayson, uwi na ko," biglang paalam niya na mabilis kong nilingon. Nakasukbit na ang bag niya sa balikat at nakasapatos na rin kaya napatayo ako. "Sorry talaga kung dito pa ko nakatulog." "Ba't ang bilis?" "Ha?" "Ha?" gulat kong balik. Ayokong um