"Naiintindihan ko, ma. Alam kong matatagalan pa bago tanggapin ulit ni Papa ang asawa ko, pero hindi ba unfair na hindi natin siya isasama sa outing? Si Alex nga kasama tapos si Jayson iiwan?" Hindi ako kumbinsido sa desisyon nila. Napahilot ako ng sintido habang umiinom ng mainit na gatas. "Gusto niya lang maka-bonding tayo," sagot naman ni Mama na naka-videocall sa akin. "Oo nga, ma. Sagot nga ni Alex pero paano naman ang asawa ko? There is no reason why we should not include him," reklamo ko. "Sige na, 'nak. Pagbigyan mo na ang papa mo at si Alex. Gusto lang nilang bumalik tayo sa dati." "Ma, hindi na tayo mababalik sa dati." Huminto ako at nagbuntong hininga. "Mababalik lang nila tayo sa dati kung ibabalik nila 'yung oras. 'Yung oras na hindi ko pa alam na hindi natin siya kapitbah

