CHAPTER 37 - LISA POINT OF VIEW

3043 Words

Huminto ako sa paghigop sa hawak kong baso ng beer nang maalala ko ang itsura ni Jayson. Kusa akong napakuskos ng kaliwang kamay ko na tumama sa pisngi niya. Hindi ko 'yon sinasadya, I swear. Dahil lang sa alak ang lahat ng kinilos ko. Hindi ako nag-iisip. "Ayos ka lang ba?" Napansin ako ni Migs kaya natauhan ako at agad akong napalingon sa kanya. "Oo naman." Sinubukan kong ngumiti. "Sorry sa nangyari kanina ha? Hindi ko namalayang naparami na ko. Dapat hindi ako nakisali sa gulo," nahihiyang sabi ko kay Migs. Lumipat kami sa maliit na bar dahil sa nangyari. Gabi dapat 'to ni Migs dahil na-promote siya sa trabaho, pero dahil kay Jayson, nasira ito. Hiyang-hiya talaga ko. Hindi ako makatingin sa kanya ngayon habang nakangiti siya at alam kong nagpapanggap na okay lang sa kanya ang lahat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD