"Anong ginawa mo? Ano bang problema mo, Kassandra?" Galit kong tingin sa kanya nang sampalin ako ni Lisa. Tinulak niya ko palabas ng elevator habang umiiyak. "Bakit ba tinitiis mo ko Jayson?" Kanina niya pang pangungulit sa akin. Kaya naman nairita na ko at lumapit sa kanya para sampalin din sana siya pero nakapagpigil ako. Hindi ako nananakit ng babae. "Alam kong gusto mo pa rin ako. Sinabi ko na sa'yo hindi ko alam 'yung nangyari kay Lisa!—" "Ano ba?! Magpapaulit-ulit na lang ba tayo dito? Ilang beses ko bang uulitin sa'yo na napaikot mo lang ako! Hindi ikaw ang mahal ko! Si Lisa! At alam kong ikaw ang dahilan kaya kami naaksidente pagkatapos naming ikasal! Kayo ang may pakana no'n! Paano mo nasabing mahal mo ko? Kung handa mo kong patayin para lang-ano?! Para maging sa'yo ako?" Irita

