"Matagal na kitang tinatanong kung bakit gano'n ang reaksyon mo noong nakita mo si Alex pero hindi ka sumasagot. Lagi kitang tinatanong, Lisa. Pero anong nakuha ko? Silent treatment." Napahinto ako at naghilamos ng mukha sa inis. "Tapos makikita ko kayong magkahawak kamay at nagtititigan ng malagkit dito mismo sa restaurant mo?" "Kaya nga magpapaliwanag ako ngayon. Pakinggan mo muna ko bago ka magselos." Mas lalo akong nainis nang makisabay ang text mula sa nurse na nag-aalaga sa lola ni Kassandra. Mali man pero ginamit ko ang nangyari para makaalis agad at makapunta sa hospital nang wala akong dapat ipaliwanag kay Lisa. Kitang-kita ko ang paghabol sa akin ni Lisa mula sa side mirror pero hinayaan ko muna siya. Tutal, may nililihim din pala siya sa akin. From: Lisa Jayson naman magpap

