"Bakit ganyan kang makatingin?" Nagising ako na naabutan kong nakatitig sa akin si Jayson. Ang ganda ng pagkakatitig niya kaya hindi ko maiwasang kiligin at mapangiti. Pabiro akong nagtabing sa kumot na mabilis niya namang tinanggal. Pumatong siya sa akin at muli akong kinulong sa mga bisig niya. "I love you," sabi ko sabay kiss sa labi niya. Hindi ko tinanggal ang ngiti ko dahil totoong masaya ko. "Alam mo? Hindi ko na imagine na magiging masaya ulit tayong dalawa sa kabila ng lahat ng nangyari. Hindi mo lang alam pero sobrang saya ko." "Sorry kung na late ako." Ngumiti siya saka hinalikan ang noo ko. "Para saan 'yon? Puro ka sorry. Dapat I love you too na lang." Nag-pout ako na hinalikan niya rin. "Kasi na late ako na pasayahin ka araw-araw." "Araw-araw? Hmm.." Pabiro akong tuman

