The Truth Prevails

943 Words
Pinatawag na ni Jay ang lahat ng mga empleyado sa Accounting and Finance dept.ng eskwelahan sa opisina niya. Naroon pa rin si Kim sa opisina ng binata ng magsidatingn ang mga ito. May tumaas ang kilay sa nakita. Nang nasa loob na ang lahat ay nag simulang magsalita ang binata. “I have the copy of the CCTV footage. And I already asked Miss Dela Cruz about it and she still denied it”, pagsisimula ng binata. “Gusto niyong makita ang video?” tanong niya sa mga ito. “Opo sir! “, halos magkasabay pang sagot ng mga ito, ang iba ay tumango lang. At kinuha na ni Jay ang laptop na nasa mesa at iniharap sa mga ito at pinindot ang play button. “Sabi na nga ba eh, nag dedeny pa na kitang-kita naman sa cctv!”, ani Mrs Fernandez na inis pa rin sa babae, tiningnan pa si Kim pailalim. “And for the benefit of the doubt dahil, mahigpit talaga ang pag dedeny ni Ms Dela Cruz at sabi naman niya na ng mga oras na iyan ay nasa labas na siya ng building, kung napapansin niyo ang oras ng video ay pasado alas sais na ng gabi iyan , nag shred pa rin si Ms Perez. Kaya naman I also requested the footage outside the campus, but unfortunately ay walang kuha doon dahil sira ang CCTV” Pero ay kinontak ko ang kabilang tindahan sa tapat ng school at luckily they have it. Nanlaki ang mga mata ni Kim. Kailan pa na kontak ni Jay ang katapat na pharmacy eh, she’s with him the whole time and he didnot make any phone call o mention it to her. At may pinindot si Jay sa laptop at nag play nga galing sa email niya ang isang video. Kuha sa katapat na pharmacy iyon, at kuhang kuha ang mga taong labas-masok sa campus. at sa bandang 6:05 ay nakita nga nilang nasa labas na si Kim at naghihintay ng masasakyan. Habang ang sa video kanina ay nag shred pa ito sa ganyang oras. Natahimik ang lahat. “Nakakalito ano? may dalawang Ms Dela Cruz?tinanong ko naman si Ms Dela Cruz kong may kakambal siya at sabi naman niya’y wala. Kaya nag imbita na ako ng IT expert na kakilala ko, at ito nga ang orig na video ang sabi niya.”, at may pinindot na naman si Jay at nag play ang kaparehang video kanina ngunit hindi na si Kim iyong nakikita nila. Ibang babae na ang may bitbit na kahon at nag shred ng mga papel. Bumuhos ang bulong-bulongan sa loob. Hindi makapaniwala ang lahat. Bistado na ang may pakana pero wala pang gustong umamin. “Sa nakikita niyo ay edited ang video, may gustong pagtakpan ang kung ano mang masamang gawain ninyo sa inyong departamento at friname-up niyo pa ang walang kamalay-malay na tao!”, may diin na ang mga salita ng binata. Halatang nag titimpi na sa galit. “If you will confess now, I will think of forgiving you. If not lahat kayo sisanti, pati mga anak niyong scholar ay ipapaexpelled ko!” “Huwag po sir! aamin na po ako!”, pagmamakaawa ng Mrs Fernandez na ang kaninang pinagduldolan ay si Kim. “You can all leave now! hintayin niyo ang emails ko kung anong desisyon ko sa inyo! Stay Mrs Fernandez, kakausapin pa kita!”, pigil niya sa babae na akmang aalis na din. “O-opo Sir!” nanginginig na sagot ng babae. Lumabas na din si Kim at bumalik sa kanyang mesa. Pinagtitinginan siya ng mga kaopisina pero hindi niya pinansin iyon. Wala siyang ginawang masama bakit siya matatakot o mahihiya sa mga ito. Wala pang isang oras at dumating din ang mga taga COA sa kanilang office at magcoconduct ng auditing. Pinapalabas silang lahat. Pinabuksan lahat ng computer nila at mga folders. Wala ng nagawa ang mga kasama ni Kim, bawal sila magdala ng mga gamit nila sa labas pati bag nila ay nasa loob ng office. Ito na nga ang sinasabi ni Jay na surprise audit sa tanggapan. Sa opisina ni Jay ay tinutuligsa naman ng binata ang May edad na ring si Mrs Fernandez. “Mrs Fernandez, may nasa mataas ba na posisyon ang kasabwatan mo sa mga korupsiyon dito? Kung aaminin mong lahat mga pangalan nila ay bibigyan kita ng protection sampu ng pamilya mo”, anas pa ng binata. Umiiyak na ngayon ang Ginang. “Meron po sir, pati sa Hr and IT dept alam ko po kung sino-sino sila”. pag-aamin ng ginang. Napabuntong hininga na lamang ang Binata. Secretong kinuha ang recorder bago isawalat ng Ginang ang mga pangalan ng mga kasabwat. At isa-isa ngang pinapangalanan ng babae ang mga tauhan sa Departamento nito, sa HR, sa It department at sa wakas kung sino ang nasa mataas na posisyon ang nagbigay hintulot sa mga malalaking perang nilustay sa pansarili lamang imbis na para sa kaayusan at kaunlaran ng paaralan. Nagulat si Jay dahil hindi inasahan iyon. Si Jose Perez, ang 2nd cousin ng Ama niya, na tinatawag pa niyang uncle Joe, ama ng malapit niyang pinsan na si Jack! Parang nanghina tuloy si Jay sa narinig. Sariling kapamilya lang pala ang traydor. Puro dapat ay may ibedinsiya sila. May nabuong plano si Jay. This time ay kinuntsaba naman niya ang Ginang kapalit ng pagpapatawad, protection at trabaho pa rin, pero balak niyang iassign ito sa malayo kasama ng buong pamilya pero sa ngayon ay gagamitin muna niya ang babae para lumikom ng mga ebidensiya. Pagkatapos ng interrogation niya sa Ginang ay pinakawalan na niya ito. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD