First Night with Him

1340 Words
Malayo-layo rin ang mansiyon mula sa tinitirhan ni Kim. Nasa kilalang subdivision iyon at puro mayayaman ang mga nakatira. Kalahating oras na nagmamaneho si Jay at malapit na sila. Namangha si Kim sa mga malalaking bahay na nakikita niya ng nakapasok na sila sa Subdivision. Hanggang huminto na ang sasakyan sa isang malaking Gate nag busina lang si Jay tapos ay nagbukas na iyon. Pumasok na ang kotse sa loob. At agad na pansin ni Kim ang malawak na bakuran. Natatanaw na niya ang maganda at malaking bahay sa di kalayuan. Kahit gabi ay alam niyang maganda ang paligid at tanawin dito. Dumiritso na sa loob ng garahi ang kotse ni Jay. “We’re here!” anas ni Jay. “Grabi ang laki ng bahay niyo Jay, mas malaki ito kaysa sa doon sa probinsiya!”, buong paghangang komento ni Kim. “Oo mas malaki ito, dito talaga kami lumaki ni Jenny, Noon ay marami pang nakatira dito”, wika ni Jay. Tumango-tango na lamang si Kim. Naglakad na sila papasok sa mansiyon. Pasado alas 11 na pala ng makita ni Kim ang grand father clock doon. Malawak at may modernong interior design naman pala ang mansiyon sa loob. May malaking hagdanan patungong ikalawang palapag. Kinuha ng katiwala ang bag na hawak ni Jay. At binigyan ng instruction iyon. “Let’s grab some snacks before heading to your room”, At iginiya ni Jay si Kim sa kusina. Napahanga si Kim sa binata dahil hindi pala-utos sa mga kasambahay. Marahil ay tulog na o di kaya’y nagpapahinga na ang mga kapitbahay kaya ito na mismo ang naghanap ng makakain sa kusina. May nakita siyang Lasagna sa ref kaya ito ang kinuha ng binata at ininit sa microwave. Nag timpla din ito ng gatas para sa kanya. Doon na sila kumin sa maliit na mesa sa kusina, hindi doon sa marangyang malaking mesa sa dining area. “Thank you Jay! Iwan ko kung wala ka ngayon, hindi ko maimagine kung anong mangyayari sa akin, naalala ko noon, ikaw din iyong nagligtas sa akin nung mahulog ako sa patubigan sa farm!”, salaysay ni Kim. Ngumiti si Jay sa kanya. At mabilis na pinindot ang ilong niyang nag sisimulang mamula dahil maiiyak na naman siya. “Walang anuman iyon, baka ipinanganak ako to be your knight in shining armour!”, Proud nitong wika at ipina-show off ang Biceps. Natawa naman si Kim dito. “Si Don Franco alam na ba niya na narito ako?” tanong ng dalaga. “Yep! tinawagan ko na kanina kaya alam na nito ang sitwasyon mo”, sagot ni Jay. At tumango-tango muli si Kim. “Matutuwa iyon, makita ka dito sa bahay!”, dagdag pa ng binata. Nag kwentuhan pa sila habang kumakain. “Lumalalim na ang gabi Jay, may pasok pa tayo bukas”, anas ni Kim. “You’re excuse tomorrow Kim. I already had Ken informed your head manager that you’ll be on leave bukas!” anas pa ng binata. “Naku! salamat ulit Jay, dahil feeling ko ay hindi ako makakapag concentrate sa work bukas!” anas ng dalaga. “Magpahinga ka buong araw bukas!”, “Yan talaga ang gagawin ko!” napangiti na na wika ng dalaga. “Tara na, akyat na tayo!”, wika ng binata. “Wait.. Jay, saan nga pala ako matutulog?”, tanong ni Kim sa lalaki, midyo kinabahan. “pinahanda ko na kay Nanay Luz ang guestroom katabi lang ng silid ko”. Lihim naman na nagpapasalamat si Kim. “Sige! tara na at ng makapagpahinga ka na rin!” anas niya sa binata. Inihatid ni Jay si Kim sa silid nito. Pero bago pa mabuksan ni Kim ang pintuan ay papalabas naman ang lolo niya sa kwarto kaya naman ay madaling hinawakan ni Jay ang kamay ni Kim at hinila palapit sa katawan. “Palabas si Lolo!”, bulong nito sa babae. At paglingon nga ni Kim sa likuran ay papalabas nga ng kwarto ang matandang Don. Tumayo na siya ng matuwid at humarap sa Don na ngayon lang don napansin ang dalawa. “Magandang gabi, Lolo!”, bati niya sa matanda. “Oh! iha!! mabuti at narito ka! nabalitaan kong nangyari sa bahay mo. Mas mabuti ngang dito ka na mamalagi, total ay ikakasal na naman kayo ni Jay, mas safe ka dito iha! lalo na’t nariyan si Jay, makakampanti din ako!”, anas ng lolo. “O-opo Lolo, napagdesisyonan nga namin na dito na muna ako!” anas ni Kim. “Huwag ka ng bumalik doon sa bahay mo, delikado na doon. Kunin mo ng mga gamit mo doon at dito ka na tumira!”, wika ng matanda. “Baka sa susunod lolo, kukunin na namin ang mga gamit ni Kim, on going pa kasi ang imbestigasyon doon”, wika naman ni Jay. “O hala sige! magpahinga na kayo. Kukuha lang ako ng tubig”. Anas ng matanda na naglakad na pababa ng hagdan. “Goodnight po lolo!” anas pa ni Kim. Akmang bubuksan na ni Kim ang pinto ng guest room pero pinigilan siya ni Jay. “Dito ka muna sa kwarto ko, baka hanapin ka ni lolo sa akin tapos wala ka dito.” “Ha? pero..” Hinila na siya ni Jay papasok sa kwarto nito bago pa siya makaprotesta. “Kunin ko lang ang bag mo”, anas ng lalaki at nagmadaling lumabas. Hindi na nakapag reklamo si Kim. Nilibot niya ng tingin ang kabuoan ng silid ni Jay. Malaki naman ang silid nito may king size na bed. “Mabuti naman at malaki ang higaan”, wala sa sarili na nasabi niya. “Wait! no! sa sahig na lamang ako or sa sofa!”, anas na naman niya sa sarili. Naglibot pa siya. May adjacent room at walk-in closet pala iyon, wardrobe closet ng mga damit at gamit ng binata. Napakalaki rin ng banyo, kasing laki ata ng buong unit niya. May sariling Jacuzzi pa. “Wow! parang nasa Five star hotel lang din”. anas niya sa sarili. Matapos ang maikling tour ay bumalik na siya, naroon na din si Jay at ang bag niya. “Ahm.. doon na muna ako sa study room. You can use all the utilities here, okay?” Tumango si Kim. “Okay, thanks!”, maikling sagot niya dito. Lumabas na rin si Jay. Dali-dali namang kinuha ni Kim ang bag niya. Wari’y nataranta, ano bang unang gawin niya?. ‘Hoy! makikitulog ka lang naman. Hindi first night niyo!’, saway niya sa sarili. Oo naman. Bakit natataranta siya. Kaya naman ay kumuha na lamang siya ng pambahay na pamalit. Puro pa naman shorts ang pambahay niya. Bahala na. At pumasok na sa banyo at maliligo na siya. Ang dalang mga essentials ay nilagay na rin niya sa counter ng banyo. Bahala na sila doon, makikitira din ang mga boti ng essentials niya dito. Inuna niya ang mag sipilyo, maging ang toothbrush niya ay makikitira din doon, nilagay na lamang niya iyon, katabi ng kay Jay. Pagkatapos ay napili ni Kim ang warm shower. At hindi nga siya nagkakamali. Nawala lahat ng pagod sa katawan niya ng bumuhos na sa hubad niyang katawan ang maligamgam na tubig. Hindi niya alam, ilang minuto siyang naglagi sa shower, basta’t ang alam niya’y nag enjoy siya doon. Lumabas na siya ng banyo, at nakasuot na ng pambahay. Wala pa si Jay. Naupo na muna siya sa vanity mirror ng binata habang pinapatuyo ang buhok. Kinuha na rin niya ang kanyang mga skin care essentials at naglagay na. Sinipat niya ang relo sa pader. Mag aala-una na pala. Nasaan na ba yong Jay na iyon? Baka nakatulog na ito sa study nito. Nang natuyo na ang buhok ay naupo na muna siya sa sofa, hihintayin na muna niya si Jay bago matulog. Kinuha niya ang cellphone at nag bukas ng social media app at nag scroll. Hindi na niya namalayan ang oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD