Chapter 9

1015 Words
UNANG umaga ni Chantalle sa tahanan ng mga Bautista nang magpasya ang mag-asawa na iuwi at sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling ng anak. Nagtungo ako sa kusina bandang alas singko ng umaga dahil naisipan kong ipagluto ng almusal ang buong pamilya. Marami-rami silang pagsilbihan ko dahil pansamantalang nakikitira ang kapatid ni sir Darius. Inaayos pa umano ang kanilang bahay na nasa kabilang kanto lamang. Pagdating ko ng kusina ay nahirapan ako maghanap ng kanilang lutuan. Halos lahat ng sulok ay malinis. Nakasalansan ng maayos ang lahat ng gamit. Napakamot ako sa ulo kung paano magluluto kung wala akong makitang kalan. Naghanap ako ng maaaring magamit para magsiga, ngunit napakunot ang noo ko kung saan ako magsiga dahil napakaganda at malinis ng kusina. Binuksan ko ang pinto sa likod na konektado sa kusina. Sinilip ko kung maaari akong nakapagluto sa labas. Nakakita ako ng pwedeng pagpwestuhan ng kalan na nais kong gawin. Naghanap ako ng tatlong katamtamang laki na bato. Napatanong ako sa sarili kung paano sila nagluluto sa kanilang kusina na walang kalan. Sa aming probinsiya ay nakatambak ang kahoy sa ilalim ng aming dapugan. Iyon ang aming ginagamit para makapagluto ng pagkain, kailangan lamang ng kaunting pagtitiyaga sa pagsiga dahil minsan ay hindi agad umaapoy. Matapos kong mailapag ang tatlong bato na pa-trayangulo ang anyo ay naghanap ako ng kahoy na magagatong sa paligid. Sa likod ng bahay ay nakakita ako ng mga patpat at kahoy na magagamit. Ang problema ko sa bandang huli ay wala akong makitang lighter. Naghanap ako sa mga drawers sa kusina ngunit wala pa rin akong makita. Napaangat ako ng tingin sa kalangitan dahil paliwanag na ang buong paligid at hindi pa ako nakapagluto. Saka ko naisip ang kakayahan na lumikha ng apoy na gamit ang tuyong kahoy at mga pira-pirasong papel. Sinimulan kong kuskusin ang mga ito hanggang sa uminit ang bawat bagay. Kaagad kong tinambakan ng mga papel para hindi mamatay ang maliit na apoy. Sinalansan ko ng maigi ang mga maliliit na patpat na aking nakuha sa likod ng bahay para makapagsimula na akong makasaing. Inuuna ko muna ang ang magpa-init ng tubig para makapagkape ako habang nagluluto. Muli ay hinanap ko ang mga kagamitan sa bahay at tinatago yata ng mga ito. Marahil ay hindi sila nagluluto sa bahay dahil wala silang lutuan. Pilit ko na lang inuunawa ang buhay mayaman. Wala din silang katulong dito sa bahay so, paano nila napapanatili ang kalinisan dito? NAGISING si Jhona ng umagang iyon na may naamoy na kakaiba. Nagtataka siya kung bakit amoy usok ang kanilang silid. Bumangon siya para suriin ang paligid at baka may nasusunog na kawad ng kuryente sa kanilang tahanan. Nagtungo muna siya sa banyo ng ilang sandali. Kahit sa banyo ay naamoy niya ang sunog na bagay. Doon siya lalong kinakabahan at baka nasusunog ang kanilang bahay. Nagmadali siyang lumabas sa kanilang silid at sinuri isa-isa ang silid ng kanyang mga anak sa pag-alakalang nakalimutan ng mga ito ang nakasaksak na gadget. Nang wala siyang makita ay bumaba siya para tingnan ang ibabang bahagi ng bahay. Sa kanyang pagbaba ay nakita niya ang makapal na usok sa kusina. Nataranta siya sa kapal ng usok kaya naman nagsisigaw ito ng sunog. Dahil sa walang malabasan ang usok ay umiikot lamang ito sa loob ng bahay. "Sunog! Sunog!" Nagtatakbo palabas si Jhona para humingi ng tulong. Binuksan niya ang kanilang main door para madali lang sa kanila ang makalabas ng bahay lalo at kailangan pa nilang akayin si Jave. Umakyat siyang muli sa ikalawang palapag para gisingin ang mga anak at asawa gano’n na rin ang pamilya ng kanyang bayaw. "Gumising kayong lahat!" sigaw niya. Aligaga naman itong si Jimmy na bumangon kahit inaantok pa. Pinuntahan nito ang nakakatandang kapatid para buhatin dahil hindi pa ito nakakalakad. "Ma, sina Charm, Tito at Tita!" paikot-ikot na sambit ni Jimmy. Sumaglit ito sa silid ng pinsan at tiyuhin para gisingin ang mga ito saka niya binalikan ang Kuya Jave. Sa bigat ni Jave ay hindi ininda ni Jimmy maibaba lamang ang Kuya. At ang lahat sa mga oras na iyon ay walang ibang naiisip ay ang makalabas. Ngunit nang makababa sila ay napansin ni Jimmy na hindi naman ganoon ka kapal ng usok. "Jimmy, ilagay mo ako sa stretcher dali para hindi ka mahirapan sa pagbuhat sa akin," ani Jave. "Yes Kuya." "Ako na ang magtulak sa kanya palabas, tingin mo na lang si Chantalle at baka hindi no'n alam," utos ng kanyang ama. Matapos mailapag ni Jimmy ang Kuya ay ang ama na ang nagtulak palabas. Ngunit na-curious si Jimmy at sinilip ang kusina. Doon niya napansin si Chantalle na abala sa kusina. Napamaywang siyang pinagmasdan ang dalaga na pawis na pawis. Ngunit ang hindi niya inaasahan na makita ang usok na nagmula sa labas ng pintuan. "What the hell, are you doing?" galit na tanong ni Jimmy. Dahil sa abalang inabot sa buong pamilya ay hindi maiwasang magalit ni Jimmy. Ito ang unang pangyayari sa kanilang tahanan. Tiningnan niya sa labas ng pinto at doon niya nakita ang pinaglulutuan ni Chantalle. Napatingin siya sa dalaga na may bahid pa ng uling ang mukha. Nagtataka naman si Chantalle sa naging reaksyon ni Jimmy. Sa kanya ay wala naman masama ang magluto siya para sa mga ito. "Sir Jimmy, bakit ka nagagalit?" inosenteng tanong ni Chantalle. "Punyemas ka! Hindi mo ba alam na halos mamatay kami sa takot!" bulyaw ni Jimmy. Hindi mapigilan ng binata ang pagalitan ito dahil sa perwesyong inabot nila. Biglang nakalimot si Jimmy sa sarili at lumabas ang pagkamainitin ng kanyang ulo. Bigla niyang hinatak ang dalaga palabas ng bahay para ipakita dito ang gulong nilikha. "Sir... Sir, saan mo ako dadalhin?" gulat na tanong ni Chantalle. Nagpupumiglas siya sa paghawak ni Jimmy ngunit mahigpit siyang himawakan ng binata sa braso. Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod na tangayin siya. Alam niyang masasaktan lamang siya kung tututol ito dahil malakas ang pagkahila sa kanya ng binata. "Sir, huwag mo akong saktan!" pagmamakaawa niya. Itinulak siya ni Jimmy nang makarating sa labas. Ngunit kinabahan siya sa mga matang nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD