HALOS matunaw sa kahihiyan si Chantalle sa harap ng lahat. Ngunit hindi niya mapigilan ang umiyak nang magsalita ang ina ng taong aalagaan niya. "Pack your things! Bumalik ka sa lunggang pinanggalingan mo," galit na turan ni Jhona. "Ma'am, parang awa mo na, bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon!" pagmamakaawa ni Chantalle. "No, una pa lang ay tutol na ako at isa pa binalaan kita na aayusin mo ang trabaho," mariing tugon ni Jhona. "Hon, hayaan na muna natin siyang ipakita ang kanyang kakayahan, marahin ay kailangan niyang turuan sa mga bagay na mayroon tayo dahil nanggaling siya sa mahirap na pamilya. Lahat naman tayo nagsimula sa walang alam ngunit natututo na lang sa mga taong nagturo sa atin. Nakikita ko naman ang kanyang pagpupursigi kaya hayaan nating manatili siya rito," mahabang

