MAKALIPAS ang tatlong araw ay official ng nakalipat ang mag-anak sa kanilang tahanan matapos itong maiayos. Handa na rin si Chantalle na harapin ang gawaing bahay na mag-isa, kahit na ikinalungkot niya ang paghihiwalay nila ni Charm. Nangako naman si Charm na dadalaw paminsan-minsan sa mga pinsan habang wala pa siyang pasok sa eskwela. Nang umaga iyon ay dumating ang doctor para tanggalin ang bindahe sa paa ni Jave. Sa pagmamadali ni Chantalle ay agad siyang pumasok sa silid ni Jave. Wala siyang ibang naiisip ay ang maipabatid sa binata na nariyan ang doctor para sa kanyang home checkup. Agad niyang binuksan ang silid ni Jave sa sobrang excitement, tuwang-tuwa pa siya na ibabalita sana sa binata ngunit tila nalusaw ang kanyang ngiti nang magsalita si Jave. “What the heck! Knock the door

