UNANG ARAW nang makita ni Charm ang magandang baybayin ay binalak na niyang balikan ito kahit binawalan siya ng ama na pumunta sa baybayin na mag-isa. Hindi naman ito ang pakay niya sa umagang ito dahil jogging naman ang priority niya. Nagkataon lang na napadaan siya at nais lamang niya sulyapan ng sandali ang baybayin. Naupo siya sa mabatong bahagi ng dalampasigan at pinagmasdan ang pagtaas ng araw. Ni hindi niya ito nagawa sa kanyang buhay doon sa Amerika kaya naman sabik siyang mapag-isa. Ngunit sa kanyang pananatili ay hindi niya alintana ang oras. Bigla siyang napakislot nang may narinig na isang boses na nagtatawag sa kanyang pangalan. Noong una ay hindi pa niya tiyak kung siya nga ba ang tinatawag dahil basag ang boses ng babae. Ngunit tumayo siya at hinagilap ang boses na may ka

