“BILISAN NIYO DALI!” Bumalik si Ate Dalia na nagmamadali at balisa ang mukha. Hindi ko naman nakalimutan ang bilin niya sa amin ngunit hindi ko alam kung ano ba ang nais niyang gawin. “Ate Dalia, ano po ba ang gagawin natin?” pagtataka kong tanong. “Huwag na kayong magtanong pa at kailangan niyo nang makatakas!” Halos itulak niya kami palabas ng silid ngunit hindi namin alam kung paano tatakas. Natatakot kami na baka saktan ng mga lalaki na nakabantay sa amin. Sa pagdungaw ko sa pintuan ay nagtatakbo na ang ibang kababaihan palabas ng silid. “Doon kayo dumaan sa likod at may hinanda akong lubid na makakabitan niyo paibaba doon sa pade.” Mahigpit kong hinawakan si Charm sa kamay at inalalayan sa pagtakbo. Anuman ang mangyayari sa amin ay pinapasa Diyos ko na lang ang lahat. “Ate Chan

