Chapter 30

1537 Words

“TOTOO ANG LAHAT NG AKING SINASABI!” giit ni Ate Dalia. "Pssst...hinaan niyo lang ang boses niyo at baka marinig tayo ng mga tauhan ni sir Baldo," aniya. Siya ang isa sa mga babaeng nag-ayos sa amin. Pati sila ay naloko at pinangakuang makapagtrabaho sa isang night club at kumita ng malaki. Ang kalalabasan ay sila ang mawawalan dahil ni piso ay hindi sila mabibigyan. Lahat sila ay galing ng probinsiya o mga lumuwas sa Maynila na hindi agad nakahanap ng mapapasukan. Ngunit nag-iisa siyang tagapag-ayos sa lahat ng mga babaeng dinadala dito. Hawak siya sa leeg ng pinuno ng grupo at ginawa siyang kasapi ng mga ito kapalit ng kanyang buhay. Hindi siya sinama sa mga babaeng binibinta ngunit para siyang bilanggo sa bahay na ito. Wala siyang kalayaan na lumabas o umuwi sa kanilang probinsiya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD