"ANO BA, BITAWAN MO NGA KAMI!” Nagpupumiglas ako nang damputin kami ng mga kalalakihan sa labas ng bahay na aming tinatanaw. Ang hindi namin inaasahan ay magiging ganito ang kahihinatnan ng aming paghahanap sa address na nakuha ko mula sa lalaki. “Manahimik ka kung ayaw mong busalan ko ‘yang bibig mo!” galit na saad ng isa sa mga lalaki. “Bakit ba ayaw niyong maniwala na hindi kami ang mga babaeng hinihintay niyo. Nagkataon lang na may hinahanap kaming bahay sa katabi niyo lamang,” sabat naman ni Charm. Marahil ay mga babae silang hinintay at kami ang napagkamalan. Basta-basta na lang kami kinaladkad papasok sa gate nang tumanggi kami sa kanila. “Aha! Baka mga spy kayo ng mga pulis at nagpapanggap na mga inosente. Hoy…tanga huwag niyo ng bilugin ang mga ulo namin dahil bilog na ito.

