INAAYOS ni Jimmy ang kanyang mga gadgets for making his video. Hindi niya pinansin ang panay-panay ang ilaw ng kanyang cellphone. Minamadali niyang matapos para maiayos ang kinuhang video. Abala naman sa kakabasa ng libro si Jave na nasa sala. Siya muna ang kasama ng kapatid habang hindi pa bumabalik si Chantalle sa bahay. Panay naman ang sulyap ni Jave sa orasan dahil isang oras na ang nakalipas ay hindi pa bumabalik si Chantalle. Ang paalam lang nito ay mayroon lamang bibilhin pero inabot na ng ilang oras. “Jimmy! Jimmy…” Hindi mapigilan ni Jave na abalahin ang kapatid dahil sa pag-aalala kay Chantalle. Kinakabahan siya na baka naligaw na naman ito. “Kuya, bakit?” “Hindi pa bumabalik si Chantalle, hanapin mo nga sa labasan at baka naligaw na naman iyon!” utos niya sa kapatid. “An

