“JIMMY?” Nagulat si Charm nang makita si Jimmy ang nasa labas ng kanilang gate. Hindi niya inaasahan ang pinsan na puntahan siya ng ganoon kaaga dahil madalas naman itong nagpapadala ng mensahe kapag may kailangan o sasabihin. “Ang tindi mo naman kung magulat, para naman akong multo sa reaksiyon mo,” may pagtatampong wika ni Jimmy. “Naku hindi ah, ikaw nga ang pinaka-pogi kong pinsan! Nagulat lang talaga dahil ang aga mong pumunta dito. Halika sa loob at doon tayo mag-usap!” aya ni Charm sa pinsan. Pagpasok ng dalawa ay naupo sila sa sala para doon mag-usap. Batid ni Charm na mayroon itong kailangan sa kanya. “Ang aga mong naparito, may kailangan ka ba?” malumanay na tanong ni Charm. “Magpasama sana ako sayo sa mall. May bibilhin lang ako para sa isang babae.” “Girlfriend mo?” kin

