MALUNGKOT na pumasok sa silid si Chantalle matapos mawala sa kanya ang numero na kontak niya sa ina sa probinsiya. Bitbit niya ang cellphone na ayaw na rin gumana, wala naman siyang galit kay Jimmy nang sabihin ng binata na napag-iwanan na ang cellphone niya. Para makalimutan ang lungkot ay kinuha na lamang niya si Serapin jr. sa silid ni Jave para muling linisin ang bahay-bahayan nito. Sa kanyang pagpasok ay tahimik na natutulog si Jave kaya dahan-dahan na lang siya sa kanyang kilos. Napaupo siya sa silya na hinarap si Serapin, tinitigan niya ang pagong na nag-iisa sa lungga nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na maglabas ng saloobin sa hayop na walang kamuwang-muwang. “Alam mo ba Serapin nalulungkot ako kasi pakiramdam ko nilalayo pa sa akin ng tadhana ang mga bagay na gusto ko. Ng

