Episode 1
Gumising ako ng maaga para makapag handa sa pag punta school, para sakin normal lang naman ang araw na ito kagaya lang ng mga nagdaang araw.
Bumaba na ako para makapagluto ng agahan ko pagkatapos ko kumain ng umagahan ay naligo nako at nag asikaso ng aking sarili.
Paalis nako ng bahay at akmang isasara na ang aking pinto ng may gumulat sa akin.
"thea" ay palaka.
"Ano kaba cyrel pabigla bigla ka naman buti di kita nasipa dyan." tumawala lang ito sa akin at sinabing.
"Hindi ka naman makakasipa naka palda ka kaya".
umismid lang ako sa kanya.
Btw si cyrel ay kateam ko sa taekwondo, matagal na kaming magkakilala since 2015 palang ay nag tataekwondo na kami kaya nman close na close kami ni cyrel. Naging crush ko siya pero di ako naglakas loob na umamin dahil malabong maging kami dahil bawal sa team namin ang jowain ang kateam (sad diba) pero okey lang ang mahalaga close kami at di niya ako nilalayoan HAHAHa yon din kasi ang kinakatakot ko ang layoan niya ako dahil gusto ko siya..
Sabay kami palagi pumapasok minsan nililibre niya ako nang pamasahe pero nagpapalibre din siya sa akin nag magkain no.
Dumating kami sa campus ng school namin at doon nag kita kita na kami ng iba pa namin kateam at sabay sabay na kaming aakyat sa room. Oo classmate lang namin ang mga kateam namin sa taekwondo ganun kasi ang rules ng paaralan namin kapag may sports ka lahat ng kateam mo ay magiging kaklase mo lang pero by grade level naman.
Normal lang naman ang lahat sa araw na ito nakatapos kami ng 2 subject sususnod na ang pangatlo pero ang pangatlong subject teacher namin ay wala kaya naman kwentohan lang ang naganap sa room, habang nag hahantay kami na matapos ang oras sumilip ako sa benta at napansin ko sa labas ng campus namin ang mga taong nagtatakbuhan na para bang gustong pumasok sa school namin, pero nakasara ang gate ng school. habang tinitignan ko ang nangyayari sa labas ay may bila akong narinig na bulog sa tenga ko.
"Anong tinitignan mo dyan ms. thea?" di ako nakagalaw ng hawakan niya ang balikat ko. si markcyrel.
"Bitawan mo nga ako". naglakad ako sa aking upoan.
"Galit ka kaagad nagtatanong lang ako!!".
"Hindi mo ba napansin yong mga taong nagtatakbuhan salabas ng school natin?" tinitigan ko siya, habang yong mukha niya naman ay parang nagtataka.
"Baka may shoting lang dyan sa labas, recess na kumain na tayo ililibre mo pa ako!!". palakad na sana siya ng lingunin niya ako ulit. Hinawakan niya ang kamay ko para hilain na ako, ako naman ay nakatingin sa bintana. "Wag muna masyado isipin yon" bulong nito saakin.
Lumabas kami ng room na hawak hawak niya ang kamay ko, wala siyang pakialam sa mga makakakita sa amin. "Bitawan muna ako". Sabi ko sa kanya. Tumingin ito sa akin at hindi kumibo pero hindi niya pa din binibitawan ang kamay ko. Hinayaan ko nalang siya.
[Markcyrel Pov.]
"Ano kaya ang problema ng babaeng ito, nakakita ang ng mga taong nagtatakbuhan sa labas ay ang dami na agad iniisip may saltik ata ito" sabi ko sa aking isip.
Maraming nag tatanong sa akin kung bakit hindi nalang si thea ang maging girlfriend ko, gusto ko din naman siya pero natatakot ako na wala akong level sa kanya at baka sabihin niya lang na kaibigan lang turing niya sa akin o di kaya naman parang kuya na kita jusko di ko ata kakayanin eon. Gusto kuna nga siya ipabelbourd.
Pero may gf ako at hindi alam yon ni thea, hindi ko siya sinabihan kasi baka iwasan o kaya layoan niya ko. Ayon talga ang pinakaayaw kong mang-yari.
"Hoy kupal anong iniisip mo dyan pumili kana ng pagkain mo baka mag bago pa isip ko di kita ilibre dyan". bumalik ako sa ulirat ng hampasin niya ako sa braso. "Ha a-asige pipili nako" napakamot ako sa ulo ko.
Nang matapos kaming mag recess umakyat na kami ni thea, ng makasalubong naming ang campus crush niya daw na sinasabi niya sa akin. Tinignan ko siya kung anong magiging react niya pero wala naman akong nakitang kahit anong bakas sa mukha niya na kinikilig siya baka hindi naman talaga niya crush ang lalakeng nag ngangalang paolo.
"Kinikilig ka?". Tanong ko sa kanya, tumingin ito sa akin at umismid sabay sabing. "Mas may dating ka don no". Ang gaga binubola pako. " Cheee.."' Sabi ko sabay nag lakas ng mabilis papasok sa room.
"Hoy hintayin moko."
[Thea Pov]
"Anong problema ng kupal na yon nagseselos ba siya, hindi thea malabong mangyari yon". pag kausap ko sa aking sarili, "Hindi ko siya kakausapin". tumakbo ako papunta sa room pero pag dating ko doon ay wala si cyrel, saan na kaya ang loko na yon, umopo nlang ako sa upoan ko.
"Thea, nakita muna ba ang gf ni cyrel?". napa sandal ako sa sandalan ng upoan ko. "Ha? may gf siya?". pag tatanong ko kay bethany,. "Ha!! hindi mo alam, hindi ba sinabi sayo ni cyrel?". Saad nito. "Hi-hindi eh". napalunok ako ng laway ng sabihin ni bethany na "Alam kaya ng buong campus natin".
Nakakadurog ng mundo, kaibigan niya ako pero ako pa ata ang huling maakaalam na may gf siya, g*g* ang sakit be parang gusto konalang na lamunin ako ng lupa ngayon..
Lumipas ang isang subject namin ay hindi ko siya kinikibuan hindi na din ako tumitingin sa kanya, sama nalang ng loob ang meron ako ngayon sa kanya nakikita kung sumusulyap ito sa akin.
Kakapasok palang ng next sub teacher namin ng mapansin namin na nagtatakbuhan ang mga studyante sa labas ng room namin. Lumabas si maam at tinatnong kung bakit sila nag tatakbuhan. "May mga zombie pong nakapasok sa campus". saad ng studyante at tumakbo na uli, napatulala ako ng marinig ko ang sinabi ng lalake,
tumingin ako sa benta at nakita ko nga ang mga taong nagtatakbuhan at kinakagat na ng zombie ang iba,. Napa atras ako ng bigla akong bumangga sa matigas na dibdib ni cyrel, nagulat ako at tinignan siya,.
"Wag kang matakot andito ako poprotectahan kita hanggat kaya ko". Umopo lang ako sa upoan ko at hindi kumibo.. "Class isarado ang pinto at mga benta na takpan ng mga pepel walang lalabas mananatili tayo dito". Saad ng aming guro ang iba naming mga ka team ay umiiyak na at yong iba nman ay ginagawa ang sinabi ng aming guro, ako naman ay nanatiling nakaupo sa aking upoan, litong lito ako diko alam ang gagawin ko.
Matapos ang dalawang oras wala na kaming nakikitang mga taong tumatakbo sa labas ng room namin, sumilip din kami sa bentana kung saan makikita ang labas ng campus mangiyak ngiyak ang mga kateam ko ng makita ang nangyari sa paglipas ng dalawang oras,. Sobrang nakakalungkot dapat sana ay nakauwi na kami sa aming mga bahay ng ganitong oras ngunit andito kami sa room nag tatago at hindi alam ang gagawin.
Napansin ko si cyrel na halos nanginginig ang mata habang nakatingin sa labas ng bentana, sinundan ko ang tingin niya nakita ko ang isang babaeng istudyante din ng aming school mejo malas ang babaeng ito dahil nakagat siya ng zombie. "Siya maharil ang iyong gf?". Pag tatanong ko sa kanya, agad niyang pinunasan ang kanyang mata at tumingin sa akin, tinitigan ko din siya tumango ito sa akin umopo uli ako sa aking upoan. Sinundan niya ako at tumabi sa akin.
"Bat sa iba ko pa malalaman cy? at bakit ako pa ang huling makakaalam? ano mo ba ako?". pagtatanong ko sa kanya habang galit ang boses. Hinawakan niya ang kamay ko ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. Ang kaninang nararamdaman kung galit at sama ng loob sa kanya ay nawala kaibigan niyako kailangan ko siyang damayan ayukong dumagdag pa sa sakit na nararamdaman niya.
"Hindi naman ako magagalit sayo cy, susupportahan pa kita basta para sa ikakasaya mo pero dapat naging patas ka dapat sinabihan mo ako". wala akong ibang narinig na lumabas sa bibig niya kung hindi pag hingi ng tawad niyakap ko siya at inalo hanggang makatulog sa lamesa ng upoan namin., napansin ko si reviron na nakatingin sa bentana namin sa classroom malapit sa pintuan,. nakita ko ang tinitignan niya kilala ko ang girlfriend niyang si kc napaluha ako ng makita kong nagkakaganyan ang mga ka team ko,.
Btw si reviron ay kaibigan ko din close ko din siya sa team pero mas close ko lang si cyrel. Close ko naman lahat ng kateam namin babae pero mas masarap tropa ang lalaki walang plastic.
Mag gagabi na pero hindi namin alam kung saan kami kukuha ng kakainin namin ngayong gabi, nag lakas loob mag salita si jenica at kausapin ang aming guro,.
"Maam tutunganga lang ba tayo dito wala ba tayong gagawin magugutom tayo dito". Saad nito sa aming guro. "Okey mag handa tayo hindi talaga pwede na tutunganga lang tayo dito dapat talaga ay gumawa tayo ng paraan". saad ng aming guro.
"Tama, ang mga armor natin". napatingin kaming lahat kay naivelyn,. "Pwede natin gamitin iyon para hindi tayo makagat ng mga zombie". sumangayon kaming lahat sa idea ni naivelyn tama naman siya lahat kami completo ang armor may mga taekwondo protective gear. isinuot namin lahat kahit mejo mabigat sa katawan. nag suot din kami ng headgear.
"Kailangan pa ba talaga ng head gear?". Tanong ni sophia, tumango lang si maam sa kanya. "Mag handa kayo sa pag lipat natin ng room at syempre sa pagpunta sa canteen". tumingin sa akin si cyrel. sabay sabing. "Wag kang hihiwalay sakin, naiintindihan mo ba?". Tumango lang ako sa kanya.
"Rev?". Tinawag ko si reviron, lumingon ito sa akin.
"Mag ingat ka". Sabi ko sa kanya, tumango lang ito sa akin.
Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa amin pag labas namin sa room, wag naman sanang mangyari sa amin ang nangyari sa ( All of us are dead ) na nag ka hiwa-hiwalay sila, tska don't worry guys walang emortal na zombie dito.