"Hindi rin ako sasama dito nalang din ako, mas mahihirapan tayo kung marami tayo si jenica lang naman ang pupuntahan". sabi ni reviron nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ni reviron dahil mas kampanti ako kung andito siya lalo na kung andito si cyrel at aubrey, si rev lang ang nag papagaan nang loob kapag nasasaktan ako.,
Napatingin sa kanya si cyrel, {anong ginagawa nang lalaking ito >cyrel} bulong sa kanyang sarili, {sinosubokan niya bang kuhain ang loob ni thea? naloko na hindi ako papayag}
"Sabagay kung madami tayo ay hindi talaga tayo makakakilos nang maayos pwede namang dalawa o tatlo lang tayo". sabi ni christian.
ang mga sumama ay si Christian,jerico,tan tan silang tgatlo lang ang umalis para puntahan si jenica, ang mga babaeng lovers nila ay hindi mapakali ngayon kabi dahil sa pag alis nang tatlo,.
"Tsk. nakakainis naman ano bang meron dyan kay jenica, kailangan pang sumama ni jerico". naiiritang tanong ni erich.
"Ewan ko ba dyan, siya naman ang may gustong umalis diba". sabi ni naivelyn
Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin nalang ako sa bentana para makita kung nag pa apoy ba uli si jenica, kaso wala akong nakita kinakabahan ako hindi ko kasi alam kung buhay paba si jenica,
"Thea". tawag sa akin ni cyrel.
"H-ha?
"Okey kalang ba?". tanong nito sa akin habang papalapit.
" A-ah okey lang ako bakit?". pag sagot at pag tatanong ko.
"Wala bang masakit sayo? hindi kaba nasaktan nong tinulak ka ni paolo?". pag-aalalang tanong niya.
"Ah wala naman, wala namang masakit sakin (alam mo yong masakit? yong nakalimutan moko oo) tska humingi naman siya nang sorry sa akin kanina". pag ngiti ko sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun al....". may sasabihin pa sana siya pero tinawag ako ni reviron.
"Thea". habang nag lalakad palapit.
"Ah sige mamaya nalang thea". sabi ni cyrel.
"Uy pre aalis kana?". tanong ni reviron kay cyrel.
"Ah oo, sige pre". sagot ni cyrel tska umalis.
"Gege". sagot uli ni reviron.
Lumipas pa ang ilang oras bumalik na yong tatlo at kasama si jenica na walang malay.
"Pakihanda ng higaan". sigaw ni christian
umilos na agad ang iba para pahigain si jenica.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko.
"Nawalan siya nang malay, saktong dumating na kami dahil siguro sa gutom". sabi ni tantan
"Pagpahingain namin siya at mag handa nang pagkain". sabi ni ingo.
bibantayan ko si jenica at pinunasan ang kanyan mukha, namumutla ang kanyang mga labi inalagaan ko siya hanggang magising siya.
Nang magising si jenica pinakain kuna siya agad para naman magkaroon siya nang lakas.
"Salamat thea ah, buti kapa". sabi ni jenica
"Wag muna isipin yon ang mahalaga ngayon ay ligtas kana at bumawi kana nang pagkain ok". sabi ko habang nakangisi sa kanya.
"Nga pala sino ang mga nag ligtas sa akin?". tanong nito sa akin.
"Si christian,tantan,jerico. nakita kita sa rooftop nang building A sinabi ko sa kanila, natuwa sila pero may iba ding hindi natuwa lalo na si erich". sabi ko sa kanya.
"Ang babaeng iyon, galit na galit siya sa akin anong problema niya hindi wala akong maalalang inapi ko siya". sabi ni jenica.
"Jen, alam mo naman ang ugali niya dapat ay masanay na tayo sa kanya". sabi ko
"sampid lang siya sa team natin, wag niya ako ganunin". sabi ni jenica.
Yes sampid siya sa team namin dahil hindi naman namin siya totoong ka team may iba siyang team bago niya kami makilala nakikitraining lang siya sa amin dahil close niya ang coach namin.
Matapos ang pag-uusap na iyon biglang pumasok si erich, napatingin kami ni jenica sa kanya.
"Ahahaha akala ko naman pinag-fiestahan kana nang zombie, hindi pa pala!!". sabi ni erich.
"Ang laki nang problema mo sa akin erich, halatang na iinggit ka sakin". sabi ni jenica.
"Ah erich ano bang nagawa sayo ni jenica bakit kaba galit na galit sa kanya". sabi ko kay erich.
"Akala mo ba nakalimutan kuna ang pag-agaw mo sa fin weight category". sabi ni erich na may halong galit.
"Uulitin ko lang erich ako talaga ang tunay na may hawak nang position nang fin weight category, kaya lang naman nag fin weight si jenica dahil hindi ako pwede lumaban". sabi ko sa kanya.
" Sana naman erich na iintindihan muna". sabi ni jenica.
"Wag nyuko pag tulongan". sabi ni erich, tumakbo si erich akmang sisigaw na sana siya ng makita niya si cyrel sa pinto napahinto siya.
"Anong binabalak mong isigaw erich?". Tanong ni cyrel.
{isisigaw sana ni erich pinagtutulongan namin siya na parang inaapi para kami ang mag mukhang masama kaso lang andyan si cyrel at may tistigo kami}
"Wala". sagot niya at tumakbo.
Matapos ang nangyaring iyon, lumabas na ako dahil andoon si cryel, ayaw ko na siya makausap simula nong malaman kung sila na ni aubrey. Nasasaktan ako ng sobra hanggang ngayon, Matalik na kaibigan ko din si aubrey tawagan panga naming dalawa ay bal/kambal pero simula nong naging close kami ni cyrel ay nag bago siya sinimulan niyakong gawing katunggali niya kay cyrel hanggang sukdulan ang kagalit niya sa akin dahil ginagawan niya ako ng issue kay cyrel, pero mukhang di natitinag si cyrel sa mga sinasabi ni aubrey sa kanya dahil kahit anong paninira ni aubrey sa akin ay hindi niya ako nilalayuan, oh diba haba ng hair ko mag mano ka. HAHAHAHA
Pag labas ko hindi ko inaakala na nakasunod pala sa akin ni cyrel.
"Thea?". Tawag nito sa akin, nagulat naman ako at muntik nang mapatalon.
"Ayy!!!!!!".
"Ako lang to bat gulat na gulat ka ata?". pagtatanong niya.
"Eh kasi naman, diko alam na nakasunod ka pala sa akin akaa ko andoon ka sa loob ng kwarto at kinakausap si jenica". sabi ko sa kanya.
"Gusto niya daw ag pahinga eh, kaya iniwan ko umuna". sagot nito sa akin.
"Ah ok". tugon ko din sa kanya, aalis na sana ako pero.
"Wait thea?". lumingon ako uli sa kanya.
"Bkit cy?". tanong ko sa kanya.
"Ahm nakakahiya man pero, may nakapag sabi kasi sa akin na kayong dalawa ni aubrey ay matalik na magkaibigan, am gusto ko sana mag patulong sa inyo, kung okey lang". sabit niya sa akin, natigilan ako nang marinig eon. [ouch be ang sakit magpapatulong siya sa akin para kay aubrey parang gusto kuna lamunin ako nang lupa ngayon din]
"A-ah para saan?" tanong ko sa kanya. Naiiyak nako g*g* bat ganun siya,
"Sa mga fav niya sana, ikaw lang kasi ang nakakalam tungkol doon". sagot niya sa akin,
"Seryuso ka?". Bulong kalang, pero maysademonyo nga pala siya kaya narinig niya,.
"Ah?". tanong niya sa akin.
bumalik ako sa ulirat.
"A-ah wala, psensya na pero matagal na kaming di close kaya baka bago na din ang mga gusto niya tanong mo nalamang siya". Sagot ko sabay takbo.
Nag tago ako sa gilid at doon ako umiyak ng sobra dahil sa sobrang sakit nang nararamdaman ko, gusto ko sana humagolgol kaso baka may makarinig sa akim .
[Cyrel's pov]
"Iniiwasan niya ba ako?, kung oo bakit? dail ba kay reviron? ang tanga tanga ko naman bat pa kasi ako nang panggap na nag ka-amisya ang bobo ko literal,. Nasaktan ko siya, oo tama nasaktan ko siya inaakala niya ba na gusto ko si aubrey? lintik na buhay to oh, ano na naman kaya ang pinagsasabi ni aubrey sa kanya malamang gumawa na naman nang kwento ang kupal na babaeng iyon malalagot siya sa akin, hindi ko siya gusto bweset". Bulong ko sa aking sarili. Naglakad na ako papunta sa lobby kung saan andoon silang lahat.
Napansin kong nauusap ang mga kababaehan kasama si aubrey at talagang masayang masaya pa siya habang nag kikwento pero diko marinig kung anong pinag uusapan nila tinawag kolang siya.
"Aubrey, pwede ba tayong mag-usap?". Tawag ko sa kanya.
"Ah sige, wait lang guys ah". Sagot at pag-papaalam niya sa iba.
Sumunod naman agad ito sa akin, huminto ako.
"Ano na naman pinag kakalat mo, pinagkakalat mo bang tayo na?". tanong ko sa kanya.
"Bakit hindi ba cy?". sagot at tanong ni aubrey sa akin.
"Ikaw lang ang nag-aassume hindi naman kita gusto at mas lalong di kita gugustohin, kung meron man akung gutso si thea lang yon wala nang iba, naiintindihan mo ba ako?". Sabi ko sa kanya habang hawak ang braso niya.
"Bitawan moko cyrel, nasasaktan ako. Oo inaamin ko pinagkalat ko na tayo na, Dahil sa mga pinaparamdam mo sa akin nag assume ako na tayo na, pero pakitang tao lang pala lahat nang yon, pero wala akong paki-alam may hawak akong alas laban sayo sa oras na sabihin mo sa lahat na hindi tayo sasabihin ko ang sikreto mo kay thea". pananakot nito sa akin.
"Sikretong ano?". tanong ko sa kanya
"Na hindi ka talaga nag ka-amisya". Nagulantang ako sa mga narinig ko, parang gusto kung pumatay nang tao ngayon ah.
"Hindi ako natatakot aubrey, HAHAHA di mo ako madadala sa ganyan, kapag ginawa mo yon, pinapatunayan mo lang sa akin na hindi ka talaga karapat dapat sa akin". Sabi ko sa kanya. Inis itong tumakbo palayo..