"Buhay pa pala siya, himala wala ngang imortal na zombie pero imortal na tao naman meron". Sabi ni erich,
napatingin kaming lahat kay erich nang sabihin niya iyon,.
"Nagkaroon ba kayo ng pagtatalo girl's nitong mga nakaraang dalawang araw na lumipas?". pag tatanong ni reviron. walang sumagot wala talagang sasagot dahil nang lumipat kami dito ay nag paiwan si maam kasi hahanapin niya daw yong babaeng hinahabol ng mga zombie magbabakasakali na kung buhay pa ba ito, hindi na kami tumutol sa kagustohan ni maam dahil kilala namin siya malakas si maam dahil naging karate girl siya dati at nagtuturo pa din siya hanggang ngayon pero iba ang coach namin.
"Wala bang sasagot sa tanong ko?". pag tatanong uli ni reviron.
"Oo nag karoon nangsagutan nong mga nakaraang araw nang dahil kay jenica, pinagtulongan namin siya naiinis kami sa kanya dahil nag hihisterical siya, pero di naman namin alam na aalis siya bigla siyang nag desisyon na hahanapin niya kayo pag bukas niya nang pinto may isang zombie na lalake sa pintuan sasakmalin sana siya buti nalang andyan si maam pero tumakbo siya sa hallway". Saad ni sophia.
"Siya ang may gustong lumabas, kung andito lang si maam ay sasabihin niya din eon". sagot ni erich.
"Girl's umalis siya kasi pinag tulongan niyo siya". sabi ni cyrel, tumahimik kaming lahat,
Matapos ang sagutan, sumilip ako sa bentana para tignan si jenica pero hindi kuna siya makita doon, pero hindi nako nagsalita baka mag karoon na naman ng bangayan.
Sa mga panahon na ito tahimik lang talaga ako wala akong masabi wala akong magawa, feeling ko wala akong silbi bilang president hinayaan ko nalang sila mag desisyon blanko talaga ang utak ko ngayon, andami kong iniisip ng mga nakaraang araw minsan nga ay naiisip ko nalang tumalon sa bentana,.
Tapos dumagdag pa to si cyrel na hindi na ako maalala, puno nang lungkot ang buhay ko ngayon sobra na talaga ang parusa,.
Ang mga magulang ko!! bigla kung naisip ang aking mga magulang tinignan ko ang aking cellphone na malapit nang malowbatt. Gusto ko sanang itry na tawagan sila magbabakasakali lang kung sila ba ay nakaligtas sa sakuna na ito. Tumingin ako sa loob ng classroom lahat sila naka upo sa kawalan. Tumingin ako uli sa bandang kaliwa nakita ko si paolo, Gusto ko sana siya kausapin pero andito ang mga tegree nakakainis sa tuwing gusto kong lapitan si paolo hindi ko magawa.
Campus crush ko din naman talaga siya pero hindi ako ganoon nahuhumaling sa kanya kay cyrel talaga ako.
kaso si cyrel ay ka team ko,.
Binaling ko ang aking mata kay cyrel, naiiyak ako kapag nag-aalala ang mga nangyari bago ang sakuna.
Sumilip uli ako sa benta ng mapansin ko si reviron na nakatingin sa akin, maya maya pa ay nakaramdam ako ng init ng hininga sa tenga ko,.
"Tigilan muna pag-papantasya mo kay cyrel, wag mong hayaan masaktan ka dahil sa kanya sila na ni aubrey". natigilan ako ng marinig ko ang sinabi ni reviron, tumingin ako sa kanya!!.
"Anong sinasabi mo rev?". Tanong ko sa kanya, umuko siya at tinitigan ang aking mata sabay sabing.
"Narinig ko sila ni naivelyn at richelle na nag uusap tungkol kay aubrey at cyrel at sinabi ni naivelyn na sila nga". sabi ni reviron sa akin. Natulala ako nang marinig ang sinabi ni rev,. "Panong nangyari eon hindi ba bawal sa team natin yon?". Pag tatanong ko kay rev, umiling siya. "Iba na ang panahon ngayon, hindi na tayo lumalaban para sa gold medal, lumalaban na tayo para sa ating buhay, at ang buhay na pinaglalaban natin ay kailangan ng katuwan". sabay kurot sa pisngi ko. Ako na hindi matanggap ang sinabi ni reviron nakatulala patulo na ang luha ko. Bigla niya ako niyakap at sabay sabing.
"Umiyak kalang andito lang ako". sa mga oras na ito si reviron lang ang naging kakampi ko, pero ayuko mag assum na gusto niya ako ayuko nang masaktan hihintayin ko na siya mismo mag sabi sa akin na gusto niya ako,.
Lumipas ang ilang oras binabantayan ko lang ang kilos nong dalawa humahanap ako ng tiyempo na makausap si paolo, Dati kasi nagagalit sila kapag sakin kapag tinititigan ko si paolo o kaya naman kapag kinikilig at binabanggit ko sa harapan nila si paolo kahit sino sa kanilang dalawa ang kasama ko, kahit may jowa si reviron ay ganun niyako itrato close naman kami ni kc kya wala sa kanya ang ganung mga biroan namin nila reviron, nakakalungkot lang na hindi siya nakaligtas sa mga zombie.
Nang mapansin ko na busy ang dalawa sa pag-aasikaso ng mga lulutoin para makakain kaming lahat, nag-karoon ako nang pagkakataon na kausapin si paolo na nakatingin sa bentana, lumapit ako sa kanya,.
"Hi paolo, kamusta ka?'. pagtatanong ko sa kanya, kinabahan ako nang makita ko ang masama niyang tingin at sabay sabing. "Wala akong panahon sayo!!". sabay tulak sa akin, natumba ako sa lapag, agad tumakbo yong dalawa.
"Anong problema mo boy?". Tanong ni reviron kay paolo,
"Anong nangyari". Cyrel "okey kalang jea?". anong uli ni cyrel.
"Wala akong problema, walang problema sa akin, siya ang lumapit sakin". sagot ni paolo.
tumakbo ako sa higaan ni reviron,
"Bakit mo siya tinulak?". Tanong ni cyrel habang hawak nito ang kwelyo ni paolo.
"Ayuko nang may lumalapit na babae sa akin!!". sagot ni paolo habang nakatingin sa bentana. Lumapit na din ang ibang boys na kateam namin.
"Alam mo ba ang pwedeng mangyrai sayo kapag sinaktan mo ang isa sa mga babaeng andito?, saad ni ingo. "Tssk, ano bang kaya niyong gawin?" Sabi ni paolo.
"Hinahamon mo ba kaming ilaglag ka dyan sa bentana?". Sabi ni christian, Tumahimik nalamang si paolo. "Binabalaan ka namin Mr. Alvisor, sa oras na saktan mo uli ang kahit isa sa mga babaeng nandito hindi kami magdadalawang isip na ilaglag ka sa bentana, lalong lalo na ang babaeng iyon". sabi ni reviron at tumakbo na para habulin si thea,.
Si thea na napahiya sa crush niya ay sobrang galit sa kanyang sarili,.
"Sana nakinig nalang ako sa dalawang kupal na iyon tama nga sila panget ang ugali nang paolo na iyon, antanga mo kasi thea bat kapa lumapit doon," sabi ni thea sa kanyang isip habang galit na galit sa sarili.
"Silly girl, anong nag tulak sayo para lumapit sa kanya?". atnong ni reviron kay thea, nagulat naman si thea nang marining ito.
"A-aha, gusto ko lang naman siyang kausapin, pero diko naman alam na itutulak niya ako". sagot ko sa kanya.
"Diba sinabihan na kita at baka nga sinabihan kana din ni cyrel na wag na wag kang lalapit sa kanya kasi hindi mo kilala ang pagkatao niya." sabi ni reviron habang nakatitig sa mata ko.
"Haysst". bugtong hininga ko..
"Wag munang gagawin yon uli, okey". sabi ni reviron habang nakayakap sa akin.
Hindi na sumunod si cyrel kasi alam niya namang andoon si reviron.
Matapos ang buong araw, nagtipon tipon kami para mag usap kung paano pupuntahan si jenica, para dalhin dito dahil wala pa siyang kain kain,. Pag labas ko tumingin ako sa bentana pero hindi kuna nakikitang nagpapaapoy si jenica baka wala na siya doon,. Napatingin ako kay paolo na nakatingin sa akin, lumapit ito sa akin at may sinabi. "Sorry sa nangyari kanina, dilang ako sanay na merong lumalapit sa akin na babae". sabi nito sa akin.
"Wala yon, wag munang isipin yon". Sabi ko sa kanya sabay naglakad kapunta kay reviron,.
"Anong sinabi niya sa iyo?". Ang tsismong kupal.
"Humingi siya nang-sorry sakin". sabi ko.
"Dapat lang". sabi ni rev.
"So guys tingin niyo ba ay buhay pa si maam?". tanong ni christian.
"Hindi ko alam, pero pahihas silang wala pang kain ni jenica". sabi ni tan.
"Oo nga, ang pagtulog kaya nila ay ayos din?". sabi ni jericko.
"Sino ang gustong sumama sa akin para hanapin sila?" Tanong ni christian.
All boys, "AKO".
tumingin ako kay rev, hinawakan niya ang aking kamay at ngumiti lang...
tumingin sa amin si cyrel, sabay sabing. "Hindi ako sasama ako ang mag babantay sa kanila, baka mag karoon na naman nang pag tatalo". sabi niya.
Tumingin sa kanya si reviron na parang galit na tegree pero hindi siya nag salita.
[SANA PO AY MAGUSTOHAN NIYO]