Nakarating na sila sa 4th floor ng campus building A.
"Girls?". tawag ni reviron.
"Andito na sila" sabi ni naivelyn binuksan niya ang pinto, kita sa mga mukha nila ang bakas ng pagod lalong lalo na sa mga damit nila na may mga dugo halatang matindi ang pinag daanan ng mga lalakeng ito.
Lumapit si maam sa kanila at binati,
"Boys, Natutuwa ako sa pag babalik niyo, buo ba kayo?". Tanong ni maam.
"Naiwan po ang iba doon para mag bantay". Sabi ni boco.
"Magaling kung ganun". sabi ni maam.
"Kumain na kayo nag dala kami ng mga pagkain". sabi ni cyrel. nag dala sila ng mga pagkain para dahil dalawang araw ng walang kain ang mga babae,.
"Kamusta kayo okey lang ba kayo?". Tanong ni richelle.
"Okey naman kami may mga ilan kaming nakita at tinulongan mejo marami-rami na tayo guys". sabi ni ingo. "Mabuti naman at tumutulong din kayo sa iba". Sabi ni maam sa kanila.
"Syempre po maam kami pa ba". sabi ni boco.
Lumapit si thea kay cyrel,. "Kamusta ka cyrel?". tanong nito. "Ok naman ako hehehe". sagot nito pero hindi niya ganoon pinansin si thea parang nag bago siya pero bakit? Hindi na lamang pinansin ni thea at kumain na lamang siya sa kawalan habang nakatingin sa labas ng bentana. Lumapit sa kanya si reviron at kinausap siya.
"Thea?". tawag nito.
"Uyy rev, bkit?". tanong ni thea sa kanya.
"Kamusta ka naman nitong dalawang araw na nag daan di kaba nakaramdam ng kahit ano?". tanong ni reviron sa kanya.
"Wala naman, wala naman akong narandaman, kayo kamusta kayo? rev bat ganun si cyrel?". tanong nito kay reviron.
"A-ah thea kasi". ikwenento ni reviron sa kanya lahat.
{Thea's Pov}
..............
"Ah-AHAHAHA nakakaloka, kaya pala hindi niyako kinakausap yon pala hindi niya nako kilala, sakit grabe". sabi ko kay reviron na mejo mangiyak ngiyak.
"Oo thea kaya ganun ka nalang niya kausapin,". sabi ni reviron lumapit si cyrel sa amin at nagtanong.
"Hi thea kamusta ka?". sabi ni cyrel, Gusto ko siyang yakapin at hawakan pero diko magawa di ako makagalaw walang lumalabas sa bibig ko.
"Ay pre ok naman daw siya wala naman siyang naging problema sa dalawang araw na nakalipas". sagot ni reviron kay cyrel.
"Ah mabuti naman". umalis na siya agad.
"Silly girl, sinong nag sabi nagkaamesya ako at nakalimutan kita nag papanggap lang ako, para malaman ko na kung gusto mo ba ako". sabi ni cyrel sa kanyang isip at napangiti.
Kahit sino walang nakakalam na nag papanggap lang si cyrel na nawalan ng siya ng alaala matapos mauntog nang madisgrasiya siya.
"Ah ganun pala ang nangyari kay cyrel, kaya pala nag tataka kami ng di niya pinapansin si thea,". sabi ni naivelyn nanlaki naman ang mata ni aubrey ng malaman iyon.
"So may pag-asa nako kay cyrel HAHAHAHA". sabi ni aubrey.
All "Huh?". nagulat lahat ng marining nila ang sinabi ni aubrey.
"Mag gagabi na at kailangan niyo nang mag handa dahil lilipat na tayo sa building B. Kung saan andoon ang iba nating classmate at andoon ang pinaka malaking classroom at andoon na din ang mga pagkain natin sa araw araw". Boco.
"Teka lang hindi ba natin hahanapin si jenica?". Tanong ko sa kanila.
"Hayaan muna siya thea siya ang nagkusang umalis at iwan tayo". sabi ni erich.
"Huh, kaya pala diko nakikita si jenica". sabi ni reviron.
"Hayaan niyona kapag nagkafree time hahanapin natin siya pero tignan tignan niyo sa bentana kung isa na ba siya sa mga zombie". sabi ni ingo. tumango nalang kami.
Nag hahanda na ako para sa gagawin naming pag labas, kailangan ko ng tulong sa pag tali ng armor sa likod ko,.
"Tulongan na kita thea". natigilan ako kilala ko ang boses na iyon napapaiyak ako, lumingon ako at tinignan siya si cyrel nga,. Tumango lang ako tinatali niya na ang armor ko,. "Yan ok na be careful always lalo na sa pag labas natin". sabi nito sa akin, halos tumulo ang luha ko ng marinig iyon naalala ko nong unang beses na sinubukan naming lumabas ng classroom, HUHUHUHU.
"Thea". Tawag ni reviron sakin, napalingon kaming dalawa ni cyrel,. "Tara na thea". Umalis ako at pumunta kay reviron. "Salamat cyrel". sabi ko sa kanya.
Nang ready na ang lahat nakita ko si aubrey na humawak sa braso ni cyrel, napaismid ako hinawalan ni reviron ang kamay ko sabay sabing,.
"Don't mind them" tumango ako sa kanya at pinisil niya ang pisngi ko,.
"Ready na ba lahat?" tanong ni boco.
All "Oo tara na, nagugutom nako uli". sabi ni naivelyn.
"Tara na". sabi ni boco.
(.....................,)
Ligtas kaming lahat na nakapunta sa building B.
nang makarating kami sa classroom wenilcome kami ng mga taon andoon, nagulat ako ng makita ko ang pamilyar na mukha "Paolo?". bulong ko napatingin si cyrel at reviron sa akin, tinignan ko silang dalawa, Nag kakaroon ng tensyon na diko mawari. Inaayos ko ang aking sarili at pati ang akin buhok, lalong nag karoon ng tensyon tinignan nila si paolo na parang papatayin na nila ito.
"Ehemm" sabi ni cyrel napatingin kami ni reviron sa kanya at bigla siyang umiwas ng tingin napangi si reviron ng kaunti ng makita niya ang reaksyon ni cyrel.
Tinanggal kuna ang mga pampabigat sa aking katawan, mejo may kabigatan talaga ang mga armor samahan mo pa ng mga gear umupo ako malapit kay paolo, kasi doon lang talaga ang merong bakanteng upoan at gusto ko na talaga mag pahinga dahil sobrang pagod ako ngayong araw, kakapikit ko lang ng mata ko ng may bilang bumulong sa akin,.
"Tumayo ka dyan". napamulat ako ng mata ko at nakita ko si reviron.
"Anong problema Mr. Agarrado?". pag tatanong ko kay reviron. "Doon ka humiga sa higaan ko at sa lapag nalang ako matutulog". Sabi nito sa akin.
"Wag na tinatamad na din ako maglakad,". sabi ko sa kanya sabay pikit ko sa aking mata,
nagulat ako ng maramdaman ko na parang may bumubuhat sa akin kaya minulat ko uli ang aking mata at nakit ko si reviron na binubuhat ako papunta sa higan niya,. "Please lang ayuko maissue rev, ibaba muna ako.". Sabi ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig tuloy tuloy pa din siya sa paglalakad tapos ibinagsak niya ako sa higaan niya,.
"ang bigat ko. Matulog kana". sabi niya sa akin, ang walang hiyang lalakeng iyon.
Kina-umagahan, nagising ako sa sikat ng araw, ang nakita kasi nilang classroom ay sobrang laki ang mga higaan sa clinic ng aming school ay pinagkukuha nila kaya nman meron kaming pwedeng higaan, napatingin ako sa sa rooftop ng building A. At nakita ko si jenica doon nakaupo, Agad akong lumabas at sumigaw.
"Si jenica buhay siya tigniyo ang rooftop ng building A andoon siya nakaupo, Nakita nga nila si jenica lahat masaya maliban lang kay erich mae.