Chapter 20 - The Locket Necklace

1647 Words
ABBY Nasa loob na kami ng lift kasama ang dalawa pang empleyado na hindi rin maitago ang paninitig sa aking kasama. Hindi na rin lingid sa kanilang magpinsan si Idrish at ang boss namin kaya naman maliban sa mga female models na halatang nagpapapansin ky Idrish, all EON employees pay respect to him as the cousin of the company owner. Narinig kong tumunog ang aking cell phone. Nagmamadali ko itong dinukot sa aking bag at tiningnn kung sino ang caller. I immediately answered the call when I saw who it is. "Inspector Faegane, good morning po."  "Good morning, Miss Salcedo. Pasensiya na at ngayon lang ako nakatawag. May operation kasi kagabi. I called in to inform you that I have received your message last night together with the photo you have attached." Napahinga ako ng malalim. Kagabi kasi bago ako matulog, napansin ko ang papel na nakaipit sa dog tag ng alaga kong aso. It was unusual and when I had a hold of it to check what it was, biglang parang may nagflash sa aking imahinasyon. It was just like less than five seconds pero ang natatandaan ko'y asul na kulay. "My men never left your place, Miss Salcedo. Wala silang nakitang kakaiba sa unit mo when the had the CCTV inspected kaya we're digging further on this." Wala sa sariling napahawak ako sa aking leeg. Coinnigh an theriac - iyon ang nakasulat sa papel na nasa dog tag ni Willow. When I did research on what does it mean, doon ko nalaman ang kahulugan nito - Keep the Theriac.  Hanggang sa natapos ang usapan namin ni Inspector Faegane, hindi ko na namalayang nakalabas na pala kami ng elevator. Mabilis ang pagkabog ng dibdib ko at nang mga oras na iyon, parang biglang may bumulong sa akin. Fan amach leis na súile gorma.. And that moment, maliwanag kong naunawaan ang ibig sabihin ng mga banyagang salit.  It says, Stay away with the blue eyes... "Are you okay?" Napatitig ako sa seryosong mukha ni Idrish. He's now towering on me habang ako'y hanggang dibdib lamang niya. Parang bigla akong bumalik sa kasalukuyan mula sa panandaliang pagkakahipnotismo. I can almost hear my fast-beating heart literally. Naramdaman ko ding sumakit ang birth mark ko sanhi para mahawakan ko iyon ng wala sa sarili.  "Entice, are okay?" This time his voice is void of emotion, I couldn't comprehend kung bakit parang nag-iba ang kaniyang mood. Mabilis akong tumango habang pilit na winawala ang mga nangyari. I smiled at him before I answered.  "Y-yeah, I'm okay. May s-sinabi ka ba kanina?" Nagtatakang umiling lamang ito at saglit na natigilan. Huminga naman ako ng malalim.  Sigurado ako kanina sa nangyari. This is not the first time it happened na may parang bumulong sa akin and it is now giving me goosebumps. "Lead the way to your clinic first, Entice." "Why? Masama ba ang pakiramdam mo?" Mabilis akong napalingon sa kaniya but he just looked at me with no expression. "Hindi ako kundi ikaw. You're burning like fire, at kailangan mong magamot ngayon din." At bago pa man ako makapagsalitang muli, umikot na ang buo kong paningin. I was totally covered with darkness.  I woke up inside the four white walls. Pilit kong inaaalala ang nangyari pro sumakit lang ang ulo ko. Mabilis akong napabangon kasabay nag pagkahilo kong nagbalik sa aking pagkakahiga. Nilalampasan mo na ang pagkain mo at wastong pahinga. You need to recharge kung gusto mongmakita ang iyong ana Entice. He is there staring at me intently. "I will help you find your dad basta dapat mo ding alagaan ang sarili mo." His jaw is clenching, halata nang galit.       Tahimik lamang akong nagmamasid sa aking harapan. Ilang beses kong pinigilan ang sarili kong irolyo ang aking mga mata at halos lisanin ko na rin ang silid na iyon kung hindi lang sana sa pakiusap ng boss ko. He personally reminded me again kaninang umaga na huwag ko daw hahayaang malayo sa paningin ko ang kaniyang pinsan. He needs to make sure na matututo ito sa pagkuha ng magagandang anggulo and I must say, he's really doing good.  Parang mas magaling pa nga itong kumuha ng mga anggulo kesa sa'kin. At ngayon nga'y si Idrish ang nakatokang photographer para sa final session ng lingerie collection ng tanyag na Barely. Kasama ito sa top 5 most famous lingerie brand sa buong mundo at suwerteng nakuha ng EON ang kontrata nito sa loob ng limang taon.  Right now, hindi bababa sa sampung female international models ang nagpo-pose para sa billboard na gagamitin worldwide bukod sa runway event na idadaos three months from now. Mukhang tuwang-tuwa pa ang mga loka dahil sa kanilang photographer. They obviously look like salivating to the man in from of them while seductively doing their poses clothed only by daring underwear. Sa kabilang dako, ngingiti-ngiti naman ang lalaki na sa tingin ko'y mukhang tuwang-tuwa pa sa ginagawa. Napahugot na lamang ako ng malalim na paghinga.  Kung alam niyo lang na isang royal blood 'yang kaharap niyo, baka himatayin pa kayo.  I just decided to divert my thoughts. Tapos na rin ako sa aking trabaho at gustuhin ko mang umalis ay hindi rin maaari. Pagkatapos kasi ng session, sasamahan ako ni Idrish na magpunt ng Quezon.  Naalala ko ang nangyari sa'kin two days ago, and within that time, naging klaro sa akin ang pinakamalapit na posibilidad kung ano ang totoong sanhi ng pagkawala ni Daddy.  Nang magising ako'y nasa clinic bed na'ko at nag-iisa sa silid na iyon. I remembered then, nawalan ako ng malay. Hindi nagtagal at naulinigan kong may mga nag-uusap sa labas ng pinto at maya-maya pa'y bumukas na nga iyon. Sumungaw ang ulo ni Idrish at hindi ako sigurado kung tipid na ngiti ba ang nakita ko sa kaniyang mukha. Mukha na naman kasi itong seryoso at mukhang nasasanay na rin ako.  I smiled at him the reason why napilitan na rin itong ngumiti. "I'm glad you're awake now. Kumusta na'ng pakiramdam mo?" Nakatayo lamang siya sa gilid ng kama habang nakapamulsa sa harapan ang dalawa nitong kamay. "I feel okay, Idrish. Siguro'y kulang lamang ako sa tulog these past few days." He clenched his jaw and released a sigh. "Which you should not be doing lalo pa't kailangan mo'ng makita ang daddy mo. You haven't mentioned na nawawala pala siya?" I stared at him for seconds. I want to say it's too personal, kakakilala lang namin at wala talaga akong planong ipagsabi ang pagkawala ni Daddy. I thought he knew it dahil nag-offer pa nga siyang ihatid ako noon sa taong kakausapin ko. I now realised, wala pala siyang alam not until now. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Paano'ng nalaman niya na ngayon? Tila nauunawaan naman niya ang aking reaksiyon, saglit siyang tumikhim bago nagsalita. "You were sleeping when I heard your phone ringing. It seems the call is important because of the consistent ringing kaya I looked for it and saw a certain Insp. Faegane calling with eleven missed calls. I, ah, I'm sorry kung pinakailaman ko na ang gamit mo." "No. no it's okay. Nagkausap ba kayo?" Natataranta kong hinagilap sa aking bag ang cell phone ko. I have a feeling it's very important kaya kailangan ko itong makausap.  'He's actually outside, mukhang may mahalagang sasabihin. I just thought that you'd like to talk to him a soon as you wake up at willing naman daw maghintay." Ani niyang tila nananantiya. I nodded and thank him before he offered to call the officer. "Inspector, magandang hapon po." agad kong bati sa pulis nang ito'y makapasok. Pormal itong ngumiti sa akin bago mabilis na sumulyap kay Idrish at tumang dito.  "Miss Salcedo, magandang hapon din," he greeted back to me pagkuwa'y bumaling siya kay Idrish. "Mr. Constantine." "I'm sorry to come here to your office lalo pa't medyo hindi pala maayos ang iyong kalagayan, Miss Salcedo. But I think you really need to know what we have discovered with your father's disappearance." Hindi ako makasagot sa sobrang kaba noon. Tinitigan ako ni Idrish at huli na nang marealize kong hinahawakan na pala niya ang kamay ko. Bahagya niya pang pinisil iyon na tila ba sinasabing tatagan ko ang aking loob. "Remember the last report I have told you na nakita sa isang liblib ba sityo ang abandonadong sasakyan ni Dr. Salcedo? Guess what we have found out." Seryoso ang mukha ng pulis at umiiling -iling pa ito.  "Dalawang bata ang nakakita nang gabing huminto ang sasakyan ng iyong ama kung saan doon din mismong nakita itong abandonado. They thought the old man will just pee but when they saw him walking towards the bushes, naisipan nila itong sundan. Hindi pa man daw sila tuluyang nakakalapit nang isang liwanag ang biglang lumabas and it took for some seconds before it vanished. Binalikan namin ang lugar na iyon and look what we have recovered." Iniabot niya sa akin ang isang plastic kung saan ay nagsisilbing selyo ng bagay na kanilang narecover. It was an antique locket necklace na tila libro. Mabilis ko itong inilabas sa sisidlang plastic and when I tried opening the locket, muli kong naramdaman ang kirot sa aking birthmark.  "Entice," humakbang papalapit sa akin si Idrish ng may pag-aalala sa kaniyang mukha pero hindi nakaligtas sa akin ang pagtiimbagang ng kaniyang panga.  "Okay lang ako, Idrish." Bigla akong namaos dahil sa puwersang tila bumalot sa aking pagkatao simula nang mahawakan ko ang misteryosong kuwintas. I opened the locket, and there I saw a foreign wording. sí an té a roghnaíodh, a stór. I knotted my head and before I could realize the meaning of it, Idrish said the words in a deadly voice.  "She who is the chosen one, my beloved. Iyan ang ibig sabihin ng mga salitang 'yan. It's a Celtic Irish language noong sinaunang panahon, way back human civilization existed." "Hindi nawawala ang iyong ama. He left intentionally, Miss Salcedo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD