"Why do you need to do this, Idrish? Alam mo sa sarili mong iba si Abigail, she doesn't need to be afflicted on this hatred of yours sa mga tao."
"Bakit, ano ba ang pinagkaiba niya sa mga kalahi niya, Athair? For all we know, his father ran away para hindi na tapusin ang ipinangako niyang antidote."
"Hindi iyan totoo, Idrish. Oscar is a good man and a good friend. May isang salita si Dr. Salcedo. Kung nagawa man niyang magtago sa ngayon, o umalis, hindi natin alam ang tunay na dahilan pero naniniwala akong meron siyang eksplenasyon dito."
Pero hindi pa rin kumbinsido si Idrish. "The hell I care, Athair. Ngayong kumpirmadong hindi mga xegnons ang dahilan ng kaniyang pagkawala, mas dapat kong paniwalaan na tinalikuran na niya ang pangako niya sa ating lahi."
"Patawad, Athair. Kailangan ko munang pumunta ng Europa. Nangangailangan ng ating tulong ang gobyerno ng Milan. Bukas, bago sumilay ang bukang-liwayway, nandito na po ako." And then Idrish disappeared. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Audric.
Malakas ang kutob ko, si Abigail, ang anak ni Oscar, siya ang itinakda.
Lingid sa kaalaman ng lahat, sa isang lugar kung saan itim ang kulay ng mga buhangin sa pangpang ng dagat, nandoon ang mortal na doktor. It was the land in between life and death. Doon niya natagpuan ang asawang si Eleanor, isang purong lamenshka.
Mabilis lamang ang panahong tumigil doon ang doktor ngunit para sa mundo ng mga tao, ang isang segundong pagkakatigil sa lugar na iyon ay katumbas ng isang oras.
"Kailangan mong gawin ito, Oscar. Nangako ka sa kanilang lahi."
"Pero hindi ko kaya. Katumbas nito ay ang buhay ng ating anak."
Ngumiti si Eleanor. "Alam ko, at katulad mo, mahal na mahal ko ang anak natin. Ngunit kahit siya, sa pagdating ng takdang panahon, mauunawaan niyang tama ang landas na pinili natin para sa kaniya. Siya pa rin ang magsasabi kung ano ang tama at mali, Oscar.
------------------------
ABBYS
Hindi ko naiwasang maitagilid ang ulo ko nang sa paghakbang ko papuntang entrance ng EON, kitang-kita ko kung papaanong makipaglandian ang isa naming babaeng modelo kay Idrish. The man on the other hand is just plainly smiling while wearing his black aviator. The way his arms rest on his sides and how he angles his head bring a scene that every woman would definitely swoon.
Bumagal ang kanina'y nagmamadali kong paglalakad. Sa hindi ko malamang dahilan, nakaramdam ako ng konting inis. Mabilis ko iyong pinalis saka kinastigo ang sarili.
What's wrong? Hindi niyan maiiwasang hindi malapitan ng mga babae dahil bulag na nga lang talaga ang hindi mapapatingin sa kaniya!
Napaguso ako kasabay ng marahas kong pagsuklay sa may kahabaan kong buhok. I castigated myself for I have this suspicion na nagkakaroon yata ako ng crush sa dugong-bughaw na ito. He's the perfect epitome of a handsome and dangerous man na sa bawat pagsulyap ko sa kaniya, palagay ko'y may misteryo sa kaniyang pagkatao. His stares are very intimidating and cold and sometimes, I can see the bluish eyes I have seen before. Pero imposible namang siya iyon dahil hanggang ngayon nga'y hindi ko pa rin mapagtanto kung totooo ngang nangyari ang gabing iyon. That night, I knew it wasn't normal. Hindi ko maliwanag na nakita ang mukha ng nilalang na iyon at para sa akin, isa lang talagang panaginip ang nangyari.
Ilang hakbang na lamang at papasok na ako sa glass door ng building. Malayo pa lang ay ngumiti na sa akin si Mang Rene, ang may katandaang security guard na halos hindi na rin naiiba sa amin ni Pam. Mang Rene isa like a father to everyone, even to Boss Tim. Mabait naman kasi ang amo namin kahit noon, madalas itong masungit. Mabuti nga ngayon, medyo nabawasan na. Thanks to my dear friend.
Speaking of her, naalala kong may dalawang linggo pa nga pala bago kami muling magkita. Wala na kasi itong nagawa nang iuwi siya ng boss namin sa mismong lalawigan nito sa Bacolod. Thinking how the man is very eager na magkaayos si Pam at ang mga magulang nito, I couldn't ask for more dahil alam kong mahal talaga siya nito.
"Good morning, Abby." Masiglang bati sa akin ni Mang Rene pagkatapos ay nakita ko siyang tinanaw ang sasakyan kong ipinarada ko sa dati kong puwesto sa parking lot. Ngumiti ako pabalik dito bilang pagbat. Hindi nakaligtas sa gilid ng aking mga mata ang paglingon ng lalaking abala sa pakikipagkaibigan. I didn't glance at him though.
"Good morning din po, Mang Rene."
"Aba'y mabuti naman at mukhang maayos na din ang sasakyan mo. Aba'y sa susunod, Anak, mag-iingat kang mbuti, hane?"
Nangiti ako ng may kasamang maliit na pagtawa. Naa-amuse kasi ako sa paraan ng pagsasalita ng matandang guwardiya. Batangueño si Mang Rene at sa tuwinang uuwi ito sa kanilang lugar, asahan mong may dala itong kapeng barako bilang pasalubong sa amin sa pagbabalik ng Maynila.
Isang baritonong pagtikhim ang umagaw sa aming pansin. Mabilis na akong nagpaalam kay Mang Rene bago kaswal na hinarap ang lalaking halatang tinatawag ang aking pansin. Nakita ko pa kung paano umikot ang mga mata ng babaeng kausap niya kani-kanina lamang. Nanatili itong nakatayo sa harapan ng lalaki, na tila na naghihintay na lingunin ulit ng huli.
"Hi, ahm-..," I made a poker face na para bang pinag-iisipan ko kung tatawagin ko siya sa kaniyang first name o hindi. Umangat ang kaniyang kilay na tila ba nagbababala bago ako natatawang nagsalita.
"Hi, Idrish. Magandang umaga!"
"Good morning, Entice." Pinanliitan niya ako ng tingin bago guwapong napangiti. Parang gusto kong kurutin ang sarili ko dahil sa biglang pag-iinit ng mukha ko. Lucky me, dahil nakasuot pa ako ng sunglass ko, I could have hide at least.
But I doubt it.
Napasinghap ang babaeng modelo na hanggang ngayo'y wala pa rin yatang umalis sa harapan ng lalaki. I know her, she's Laviña Peralta. Isa sa mga highest paid in-house model ng EON. She's a beauty, of course. At alam ko namang wala akong panama sa babaeng ito kaya naman halos matawa ako sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Lalo na nang marinig ko itong nagsalita.
"So, your name is Idrish? Oh my, I knew it! You're Tim's cousin." Then she extended her right hand. "My name is Laviña. Laviña Peralta. Can I call you Idrish, too? Kanina pa tayo dito nag-uusap pero hindi mo pa sinasabi sa'kin ang pangalan mo."
Mabilis siyang napasulyap sa akin na tila ba hindi alam ang gagawin. Mula sa nakangiting mukha niya kanina'y napalitan iyon ng tila isang pormal na awra. Pareho kami ni Laviña na kamuntikan nang mahulog ang panga nang siya'y magsalita.
"No. You can call me Mr. Constantine." Pagkatapos noo'y bumaling ito sa sakin sabay abot sa suot-suot kong laptop bag na nasa aking balikat. Nakita ko pa ang pag-transform ng mukha ni Laviña. Biglang nanlisik ang mga mata nitong tumingin sa akin bago mabilis na umikot para iwan kami.
"Let's go." Nagpatiuna itong naglakad papuntang elevator habang hawak-hawak sa kanang kamay ang bagong modelo ng mansanas na cell phone. On his left shoulder is my laptop bag and I just can't help to smile while looking at this man.
"Why did you do that?"
"I did what?" Taas ang isang kilay niya akong nilingon.
"That," ikinumpas ko ang aking kamay sa aming pinanggalingan. "The girl is obviously admiring you, pero sinungitan mo."
"She's not admiring me, she's flirting with me. There's a difference, baby."
I blushed again when I heard him say baby. My heart leaped an inch.
I sighed. Shall I reprimand him again not to call me that endearment? Dahil mukhang nagugustuhan ko na.
"Naaksidente ka? Ano ang nangyari?"
I stared at him when I heard him ask and he looked so damn serious now.
"Oo, nitong nakaraang buwan lang. But I'm good, hindi naman ako napuruhan. Nagmamaneho ako ng gabing iyon nang biglang may tumawid and I swear it was realy fast. Nabangga ko ang sasakyan ko sa isang puno. Luckily, I'm still alive."
"Yeah, pero parang okay lang sa'yo, ano?" Does he sound pissed?
"You should take care a lot. Kaskasera ka sigurong magdala ng sasakyan."
"No, I am not" protesta ni Abigail.
"Maingat akong magdala ng sasakyan. I guess I was just mesmerized by the beauty of the full moon that night. I'm heading home to Bulacan that time, nanggaling ako ng Laguna.
"Saan ka banda naaksidente noon?"
"Palabas na ng Calamba. Sa may malaking akasya doon."
Hindi nakasagot si Idrish. He's trying to collect her thoughts para maipasa kay Mardox. May kutob siyang may kinalaman ang full moon na binanggit nito sa nangyari nitong aksidente.
"Nagtataka na ako, eh. Every time there is a full moon, sumasakit ang birthmark ko."
"What birthmark?"
"It's like an hourglass. Pinatingnan ko na ito sa doktor, they said wala namang danger sa birth mark ko pero sobrang sakit talaga sa tuwing susumpungin ito."
Napatiimbagang si Idrish. Kagabi'y nalaman niya sa kaniyang ama na ang isang itinakda at may palatandaang konektado sa buwan. Hindi niya alam pero biglang sumagi iyon sa kaniyang isipan habang nag-uusap sila ng dalaga. Looks like she's having the first sign.
Remember to gather all the facts, Mardox . Balitaan mo'ko. He communicated to him thru his mind.
Nang biglang tumunog ang cell phone ni Abby. Nasa loob na sila ng lift kasama ang dalawa pang empleyado na hindi rin maitago ang paninitig sa kay Idrish. As usual, walang kangiti-ngiti ito at tanging nasa dalaga lamang ang atensyon nang mga oras na iyon.
"Inspector Faegane, good morning."
Tiimbagang na nakinig si Idrish sa usapan ng dalawa. He can always do that kung gugustuhin niya pero nang mga sandaling iyon, bahagya siyang nakokonsensiya.
But damn, he has to do it. Para matapos na rin itong panloloko niya sa babae. Araw-araw ay tila nahihirapan siyang harapin ito dahil sa sarili niya's alam niyang ginagamit lang naman niya ang pakikipaglapit dito para sa kapakanan ng kanilang lahi.
"I called in to inform you that I have received your message last night together with the photo you have attached."