"Hi. Kanina ka pa?"
Mabilis na napalingon sa boses ni Abigail si Juancho. Kasabay ng pagsilay ng isang masiglang ngiti, pinagpag muna ng lalaki ang likuran ng pantalon nito mula sa pagkakaupo sa isang malaking ugat ng puno na nasa likurang bahagi ng hardin ng kastilyo.
"Hmm, medyo. Pero kung kasing ganda mo naman ang hihintayin ko, kahit ilang oras pa ay handa ako."
Natatawang napailing ang dalaga sa sinabi nito. Hindi niya talaga mawari pero ang gaan-gaan ng loob niya sa lalaking "bampira" simula nang makilala niya ito dalawang araw na ang nakakaraan. Matangkad ang lalaki. Matangos ang ilong nito at nakakatuwang pagmasdan ang "the boy next door" aura nito. Kung hindi niya nga lang siguro alam, malayong isipin niyang hindi ito tao. Halata ang umbok ng adam's apple nito. Isang bagay sa isang lalaki na madalas ay nauuna niyang punahin dahil attracted siya doon.
Pero hindi kasing sexy ng adam's apple ni Idrish. Ito na yata ang lalaking nakita niya na s aisang lunok pa lamang, parang minamagnet na ang mga babae.
Sumimangot si Abigail at kinatigo ang sarili. Mabilis niyang iniwaksi ang mukha ng lalaking halos laman na ng kaniyang isipan. Nakokonsensiya na nga siya dahil mukhang mas occupied pa yata nito ang kaniyang isipan kumpara sa ama niyang nawawala. At kagabi nga ay ipinasya niya na sa kaniyang sarili na hindi na ito pag-aaksayahan ng panahon. Hindi rin naman siya nito pinapansin. Nakikita niyang abala ito kasama ang ama nito, Mardox at Felipe at ilan pang miyembro ng konseho na kaniya na ring nakilala matapos siyang personal na ipinakkilala ng mag-asawang pinuno sa mga ito.
Noong araw na ipinakilala siya sa mga ito. pansin niyang titig na titig sa kaniya ang lahat ng miyembro ng konseho. Meron pa ngang nagsalita doon sa lennguwaaheng hindi niya maunawaan. Ang alam lamang niya ay mukhang hindi iyon nagustuhan ng mag-aswang Audric at Aurora dahil sa biglang namula ang mga mata nito at may nagbababalang mga tingin na pinukulan ang miyembro ng konseho. Ramdam niyang tila hindi nito nagustuhan ang kaniyang presensiya doon.
"Hangga't naririto ang mortal, ipinapakiusap kong walang sinuman ang maaaring magsalita sa ating lengguwahe bilang respeto sa ating panauhin. Miss Salcedo deserves to be treated with respect and kindness. " Ani ni Master Audric noong siya'y ipinakilala sa mga ito.
Nagtaas ng kamay ang lalaking seryoso lamang na nakatingin sa kaniya mula pa kanina. Sa bigat ng pagkakatitig nito, may pakiramdam ang babaeng hindi nito gusto ang kaniyang pamamalagi.
"Master Audric, Ladu Aurora, kung inyo lamang pong mararapatin, nais ko lamang pong itanong, alam na po ba ng ating panauhin ang kung bakit natin siya tutulungan sa paghahanap sa kaniyang nawawalang ama?"
"She knows, Quintero. At walang dapat ipangamba sa kaniya dahil hindi siya katulad ng inyong iniisip?"
Sa huli'y nalaman niyang Quintero pala ang pangalan noon.
Naalala niya ang sinabi ng kaniyang ama.
"Dad, what's wrong?"
"Hindi po ba kayo masaya na malapit niyo na pong mabuo ang antidote? And what's with the message? I will always proud of you, Dad."
Sa lahat ng kaniyang mga naging achievements at kontribusyon sa larangan ng medisina, isa lamang ang Dr. Oscar Salcedo. How much more no? Kung saan mas lalo pa ngayong naging matayog ang kaniyang adhikain. His will has surpassed beyond humanity's welfare.
That time, she knows that the antidote he is working on is different from the rest he had accomplished.
"Sometimes, we need to sacrifice just for the sake of everyone's welfare. It's a noble deed yet a very painful one for those who truly understand the reason." Hindi siya nakapagsalita noon. Hindi niya pa lubos na maunawaan ang ibig nitong sabihin but Abby trusted him, as always.
"I am a man of science but I believe that we're not alone living in this world. We are surrounded by others that can not be seen. Misteryoso ang mundong ginagalawan natin, Anak. At tayo, bilang mga tao, we need to embrace them too lalo pa't wala naman silang masamang hangarin para sa atin."
"You are strong, Abby. Ikaw ang pinakamalakas sa lahat at darating ang araw, mauunawaan mo din ang ibig kong sabihin."
"Promise me, Abigail. When the right comes, hindi ka susuko at paninindigan mo ang nakatadhana. Paninindigan mo kung ano ang tama."
Napakunot ang noo ni Abigail sa narinig. Ano ang maaaring isipin ng kaniyang mga kaharap ngayon sa kaniya? Wala siyang maisip na maaaring gawin niya na ikapapahamak ng mga ito. In fact, the day before they flew in Ireland, nakita niya ang isang kuwadernong naglalaman nga mga footnotes ng kaniyang ama tungkol sa theriac. Naroroon ang mga mahahalagang bagay tungkol sa antidote but only her father can truly understand it because of the written symbols. Nakita niya ang kuwaderno ng ama na nakabaon sa isang parisukat na tile sa sahig ng basement. Natunton niya iyon sa pamamagitan ng isang panaginip na parang totoo. Sa panaginip na iyon ay dinalaw siya ng kaniyang ama at may ibinulong.
Ten steps and you will face you and your mom's picture frame. Just below, kapag nakita mong umilaw ang locket ng iyong kuwintas, go and dig in.
Mabilis niya itong nakita at sa unang pahina pa lamang ng notebook, agad niyang nakita ang mensaheng sulat kamay ng ama.
Look within your heart. Hear her whisper of lullabies and embrace her. She is my home and yours, too. Go back where she had left us, Anak.
Nang mabasa niya iyon ay walang ibang pumasok sa kaniyang isipan kundi ang bansang pinanggalingan ng ina at kung saan dito ito nawalan ng hininga. Naguguluhan siya noon pero sa tulong ni Idrish, who had figured everyhting she guessed, naging maliwanag sa kaniya na ang susunod niyang hakbang ay puntahan ang lugar kung saan huminto ang huling hininga ng ina.
Doon niya din naunawaan kung gaano kahalaga ng antidote na ginagawa nito. At tama si Idrish, misyon nga lang siya para dito dahil nakasulat doon na ang theriac ang isang bagay na magbibigay kapayaan sa mga nilalang na gustong makihalubilo sa mundo ng mga tao.
"Miss Abby? Aalis na ba tayo?" Biglang inagaw ni Juancho ang malalim niyang pag-iisip.
"S-Sige, tayo na." Matapos mailibot ni Abigail ang paningin nito sa malawak na lupain s aharap ng kastilyo, nanghihinang napatango ito nang hindi man lamang nito nakita ang anino ni Idrish. Ayon sa ina nito, si Juancho na lamang daw muna ang inatasan ni Master Audric para siya'y samahan. Ngayong araw ay pupunta sila ng Cuvuerto - isang rural village kung saan ay sinasabing doon ipinanganak ang kaniyang ina.
"Nalulungkot ka ba dahil hindi natin siya makakasama?"
"H-Hindi a." Mabilis niyang tanggi. Tahimik lamang na tumango ang kaniyang kasama bago sila nagpatuloy sa paglalakad papunta sa isa sa mga sasakyan nakaparada. Pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan ng lalaki at pinaupo sa shotgun seat bago ito umikot at siyang sumakay sa driver's seat.
"Ikaw ang magmamaneho?"
"Oo naman. Bakit, mukha ba akong hindi marunong magmaneho?" Natatawang turan ni Juancho. halata sa boses nito ang sigla at ang intensyon nitong siya'y patawanin.
"It's not like that pero kasi, nang makita ko ang suot mo noong isang araw, para ka kasing isang village peasant s panahon ng medieval era."
"Uhum. At iniisip mo'ng makaluma ako, gaoon ba?"
Tila napapahiyang nangiti si Anigail. "I'm sorry, hindi naman sa ganoon. Nakakagulat lang kasi hindi ko inaakalang sa mundo niyo ay updated din pala katulad ng sa mga tao."
Truth to be told, mukhang hindi papahuli ang mundo ng mga Evrox at Xegnons. Magin ang mga sasakyang ginagamit ng mga ito at nga mga alagan niMaster Audric na kasalukuyang nakasunod sa kanila, makikitang sumusunod ito sa modernong mundo ng mga tao.
Nagtatakang napatingin si Abigail sa lalaki nang huminto ito sa gilid ng kalsada. Nakangiti pa rin ito nang siya'y nilingon at naglahad ng kamay. Sa isip ni Juancho ay pormal sana itong magpapakilala sa babae bagay na hindi nito nagawa sa uan nilang pagtatagpo.
Unti-unti namang itinaas ng dalaga ang kaniyang kamay para hawakan sana ang nakalahad na palad ng lalaki nang bigla na lamang ay sumulpot mula sa passenger seat si Idrish. kasabay noon ay malalim ang boses na nagsalita ang lalaki.
"Hindi ko maalalang binigyan kita ng pahintulot na umalis ng kastilyo, mortal na babae."
Makahulugang nagkatinginan ang dalawa bago pinili ni Abigail ang manahimik na lamang. tahimik na ibinaling ng dalaga ang tingin sa tanawin na nasa labas ng sasakyan habang tahimik ding nagmamaneho ng sasakyan ang katabi. kapwa nila narinig ang matunog na pag-ismid ng lalaking nasa likod.
"What? Hindi niyo ako nakikita dito?" Salubong ang dalawang kilay ni Idrish. Asar na asar ito nang mga oras na iyon dahil bukod sa nalamang niyang umalis ang dalaga nang hindi niya alam, mas lalong kumulo ang kaniyang dugo at gustong lumabas ng kaniyang mg apangil nang malamang si Juancho pala ang kasama nito.
So, siya na pala ang gusto nitong makasamang hanapin ang kaniyang ama?
Tumikhim si Juancho at mula sa rearview mirror ay sumulyap ito sa susunod na pinuno ng mga Evrox. Kitang-kita ng lalaki kung papaano'ng nagsasaluong ang makakapal na kilay ni Idrish, at ulang na lang ay sagpangin siya nito dahil sa tinitimping galit.
Tsk! 'Yan kasi at may pa-deny-deny pa ng damdamin.
"Man, ang iyong ina mismo ang nakiusap sa aking samahan ko na si Abby ngayong ara dahil alam naman namin kung gaano ka kaabala sa iyong misyon."
"Shut it, Juancho. At huwag mo akong tatawagin sa tawag na 'yan. Matuto kang gumalang. And oh, by the way, first name basis na kayo? I would prefer Entice still."
Pero imbes na magalit sa ang sinabihan ay may lalo lamang itong natawa. Paano'ng hindi dahil kilalang-kilala nito ang isang Lord Idrish. Si Juancho ang matalik na kaibigan nito sa kanilang mundo simula pa pagkabata. Magkaiba man ng lahing pinagmulan, hindi iyon naging hadlang sa dalawang lalaki. mas lalo pang tumibay ang kanilang samahan nang isang beses na kamuntikan nang mapatay ng kaniyang ama si Juancho, pero dumating si Idrish ay ipinagtanggol ito.
Si Juancho ang nag-iisang anak ni Agmuntus, ang pinuno ng mga Xegnons.
"Mas maganda pa rin ang Abby, man." natatawang sambit ni Juancho habang ang dalaga naman ay tahimik lamang na nakikinig sa dalawa. Sa isip naman nito'y gusto sanang lingunin ang lalaki na nasa kanilang likuran. Nakakairita kasi ang ginagawa nitong paggalaw-galaw ng dalawang paa na tila sinasadya naman nito para mkuha ang kaniyang pansin. Dahil sa hindi bababa sa six feet si Idrish, mahahaba ang biyas nito.
"Nah, I would still prefer Entice, and no one can call her that name but only me. "
Juancho chuckled, "O, e di ikaw lang. Wala namang umaagaw sa'yo. "
Kung anu-ano pa ang pinag-usapan ng dalawang lalaki at ung anu-ano pa'ng pagpapapansin ang ginawa ni Idrish pero hindi nito nagawang palingunin ang dalaga. Gustong-gusto na nitong abutin ang dalaga, hawakan at yakapin, pero malakas ang pagpipigil niyang ginagawa becaus eof his mantra that humans are all the same.
They are traitors and can not be trusted.
"Damn it!" Malakas na mura ni Idrish. Sa gulat ay biglang napalingon sa kaniya si Abigail, bakas sa mukha nito ang inis na tinitimpi. Natawa naman si Juancho at napailing. He knows what his best friend is doing.
Ngingiti na sana ng palihim si Idrish. Sa wakas ay nagawa na rin niyang kunin ang pansin ng dalaga nang bigla iyong nawala. Mabilis na bumalik kasi ang tingin ni Abby sa harapan nito. Mukhang pinaninindigan ng dalaga ang hindi pagpansin nito sa kaniya.
"Pakigising na lang ako, Juancho, kapag nasa village na tayo. Medyo masakit kasi ang ulo ko."
"Kung inaantok ka pa pala, bakit ka pa nagpumilit na umalis ng maaga?" Pero wala pa ring sagot. Tuluyan nang nainis si Idrish. Singbilis ng kidlat nitong binuhat ang dalaga mula sa kinauupuan nito at inilipat sa kaniyang kandungan. Napanganga si Abby nang makita ang kanilang ayos. Nagpupumiglas itong gustong kumawala sa yakap ng binata pero hindi nito nagawa.
"Bitiwan mo'ko, Lord Idrish. Hindi ako nagbibiro."
"Neither do I, Miss Salcedo. Matulog ka na at walang magagawa iyang pagwawala mo."