Nakatulala lang at pilit na pinoproseso ng dalaga sa kamalayan nito ang nasaksihan. Nasa harapan pa rin niya ang mga nilalang na may mga pangil pero ngayon ay nakabulagta na. Lasog-lasog ang mga katawan nito habang ang iba'y nakahiwalay pa ang mga ulo. Kung kanina ay halos mawalan na siya ng pag-asang mabuhay dahil sa mga nilalang na noon niya lang nakita, mukhang ngayon ay mas nakakatakot pang tingnan ang may gawa ng pagpaslang sa mga ito.
Pero bakit? Bakit nagawang patayin ni Idrish ang mga kauri nito? Habang tinitingnan niya ang lalaki ng mga oras na iyon ay hindi siya makapaniwalang ganoon ito kabangis at parang sanay na ito sa ginawang pagpaslang?
Napalundag sa gulat si Abigail nang maramdaman ang isang mahinang tapik sa kaniyang balikat. Paglingon niya'y ang nag-aalalang mukha noong Juancho ang kaniyang nakita. Kita din sa mukha nito ang isang nag-aalangang ngiti. Halatang inaalala nito ang kaniyang iniisip at nararamdaman ng mga oras na iyon?
"Ayos ka lang?"
Nanginginig man sa takot ay pinilit ng dalagang ngumiti sa lalaki matapos ang isang mahinang tango.
"Sila ang mga Xegnons. Ang uri ng bampira na talagang pumapatay ng tao pasa sa dugo."
Nanigas ang katawan ng dalaga. Kung hindi siya nagkakamali ng dinig kanina, sinabi ng isa sa mga kalaban na ang kasama niyang lalaki, ay isa ding Xegnon!
Mukhang nabasa naman ni Juancho ang kaniyang isipan. Magaan itong natawa at napailing.
"Oo, isa akong Xegnon. Pero hindi nila ako katulad na pumapatay ng tao. Well, depende. Kung mga kriminal naman at walang karapatang mabuhay, suwerte 'yon."
But Abigail knew the vampire guy is just joking. Ramdam niyang tila makakagaanan niya ito ng loob.
Tumayo si Abigail pero dahil sa matinding tensyon na nararamdaman ng g aoras na iyon, bahagyang nabuway ang kaniyang mga tuhod sanhi para awtomatiko itong napakapit sa braso ng kausap.
"Okay ka lang ba?"
Iyon ang tagpong naabutan ng mga mata ni Idrish. Nagtatagis ang panga nito hinaklit ang beywang ng dalaga para mailayo sa lalaki. Napasinghap ang dalaga sa gulat.
"Huwag mo siyang hahawakan. Iwan mo na kami."
Sa tigas ng boses ni Idrish, alam na ng dalagang galit ito. Napapikit si Abigail, pilit na sinusupil ang mga luhang gustong kumawala sa kaniyang mga mata, Inis, takot, pagkawala - samu't saring emosyon ang kasalukuyang bumabalot sa pagkatao ng dalaga.
Ano'ng kababalaghan itong nasaksihan niya? Totoo ang mga bampira at si Idrish, ang lalaking kasa-kasama niya ay isa sa mga 'yon!
"Bakit bigla kang nawala sa iyong silid?"
Pero hindi sumagot ang dalaga. Mas lalong nainis si Idrish. Sa tuwing hindi siya pinapansin ng babae, matinding pagkakainis talaga ang kaniyang nararamdaman.
Using both hands, Idrish cupped the woman's face to make an eye contact with him pero umiwas ng tingin ang dalaga. Mapait na ngumiti ang lalaki.
"Why? Tumingin ka sa'kin, Entice. Hindi ba't meron ka nang hinala sa tunay kong pagkatao? Ngayon, tingnan mo'ko at nang mapatunayan mong tama ka."
He doesn't know but he's really fuming mad. Ang takot na nararamdaman ni Idrish nang malamang nawawala ang dalaga sa silid nito ay hindi nito mailarawan. Kaya siya nagagalit at nanggigigil ay dahil sa sobrang pag-aalala nang malamang nawawala ito sa kastilyo. Ang pinaghalong takot at galit ay pinagsama nito at walang awang ibinunton sa mga kalabang nangahas na saktan ang babae kanina.
"Idrish, hindi mo kailangang gawin 'yan-"
"Sinabi ko nang iwan mo kami, Juancho." Mabagsik na inangilan nito ng pangil ni Idrish. Nagbabanta ang mga titig nito sanhi upang matahimik ang nagsalita. Laglag ang balikat nitong humugot ng isang malalim na paghinga bago ito atubiling humakbang papalayo sa dalawa.
Pumulupot sa pulupulsuhan ng dalaga ang malamig na kamay ni Idrish. Hinigit siya ng binatang bampira at bago pa man ito makapagreklamo, mabilis na siyang naibalik ng lalaki sa silid na tinutuluyan nito sa kastilyo. Gamit ang teleportation ay sa veranda ng silid sila humantong ng lalaki. Hawak-hawak pa rin siya nito at halos yakap na sa beywang pero hindi pa rin magawang tumingin ng babae kay Idrish.
Hindi niya alam pero sigurado ang dalaga, hindi siya natatakot kay Idrish. Ang tanging pangamba na namamayani sa kaniyang pagkatao ng mga oras na iyon ang isiping nasa paligid lamang ang ama at takot na takot siya para dito. Natatakot siya para sa kaniyang ama oras na mapadpad ito sa lugar kung saan may mga nilalang na may pangil at pumapatay ng tao.
"Bitiw." Mariing sabi ni Abigail nang nakatungo.
"Damn it, look at me, Entice!"
"Huwag mo 'kong sigawan." Malumanay ang boses ng dalaga pero ramdam doon ang kakaibang sama ng loob na tumagos kaiy Idrish. Bigla'y napalunok ito at hindi nakapagsalita. Tumalikod siya sa babae at pilit na kinakalma ang sarili.
Kani-kanina lang ay sobrang takot ang kaniyang nadama. Gusto niyang magsisi dahil sa pagtataas niya ng boses sa mortal pero wala siyang nagawa dahil aminado siyang ganoon ang kaniyang reaksyon sa tuwing siya'y nagagalit. At iyon ang kaniyang naramdaman kasama ng matinding pag-aalala nang malamang wala sa silid nito ang dalaga at nawawala.
"You're a vampire." Lumapit sa kaniya ang dalaga. Dama niya ang malakas na t***k ng puso nito na alam niyang dulot ng takot sa natuklasan nito sa kaniyang pagkatao.
"Idrish, p-puwede ka bang humarap sa akin?"
Pumikit si Idrish at sandaling nag-atubiling sumunod sa sinabi ng babae bago dahan-dahang sinunod ang sinabi nito. Kitang-kita niya kung papaanong titigan ng kaharap ang kaniyang mga matang alam niyang hanggang sa mga oras na iyon ay nanatiling kulay pula. Ilang saglit iyong huminto doon para tumitig bago bumaba sa kaniyang bibig ang tingin nito.
Dahan-dahang umangat ang isang kamay ng dalaga. Muling napapikit ang lalaki nang masuyong dumampi sa labi nito ang malalambot nitong daliri. Bumigat ang paghinga ni Idrish dahil sa kakaibang enerhiyang bumalot sa pagkatao nito dulot ng simpleng paglapat ng mga daliri ni Abigail.
"Please. Stop it, baby." Animo'y nahihirapang sambit ng lalaki.
"Why? Sasaktan mo'ko?" Pabulong na sagot ng dalaga. Hindi pa ito nakuntento. Unti-unti nitong inilapit ang sarili sa lalaki saka masuyong isinandal ang kanang pisngi sa matipuno nitong dibdib.
"I can never hurt you, baby." Namamaos ang boses na sagot nito. From red eyes, it turned into blue. Ganoon ang nangyayari sa tuwing takot, pagdududa at kapayapaan ang nasa kalooban ni Idrish.
Napasinghap si Abby sa nakita. Naitakip ng wala sa loob ang kamay sa kaniyang bibig.
"Kailan mo balak sabihin sa'kin? Hanggang kailan mo'ko balak na lokohin?"
__________________________________
ABBY
"Kailan mo balak sabihin sa'kin? Hanggang kailan mo'ko balak na lokohin?"
I felt him freeze. Pumagitna sa amin ang katahimikan at nang mga sandaling iyon, hindi ko alam kung bakit imbes na takot ang aking maramdaman, ang bumalik sa aking alaala ay ang mga bagay na sinabi niya tungkol sa kaniyang misyon.
Ngayo'y naniniwala na nga akong hindi lang ang mundo ang puno ng kababalaghan pero pati pala ang damdamin ng tao. I am here, stuck in a world of vampires with the man whom I just saw one of them, and yet, mukhang ang pagkakahulog ng loob ko sa lalaking ito ang mas nagpapahirap sa akin.
Nagtatagis ang bagang niyang humiwalay sa akin. Sa tulong ng maliwanag na sinag ng buwan kitang-kita ko ang namumula niyang mga mata at matatalim na pangil.
"You doubted my trust and belief in you."
"Hindi mo alam ang sinasabi mo, babaeng mortal.Bulag ka ba? Hindi ako tao. Isa akong nilalang na kahit baligtarin man ang mundo, dugo ang bumubuhay sa akin. Dapat lang na matakot ka sa'kin!"
Pagak akong natawa sa kaniyang sinabi. "Wow! Parang kani-kanina lang ay narinig kong tinawag mo pa akong "baby" tapos ngayon babaeng mortal na. Alam mo, paasa ka din. Hindi ako na-informed na kahit pala kayong mga bampira ay ganiyan - paasa."
Imbes na sumagot ay bigla pa siyang lumapit sa akin at mas lalong tinaliman ang mga titig. He towered over me, and I get that he's trying to intimidate me, pero wala talaga akong takot na maramdaman.
"Ano ba'ng gusto mong marinig sa'kin? Na natatakot ako sa'yo? Oo, inaamin ko, noong panahong naghihinala ako sa'yo, may takot akong naramdaman pero hindi iyon naging sapat para husgahan at layuan kita. Bakit ako matatakot sa'yo gayung tinutulungan mo akong hanapin ang nawawala kong ama at ikaw ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon? Dito sa lugar kung saan ay posible kong makita si Daddy."
Hindi ko siya maunawaan. Wari ba'y gusto niyang layuan ko siya? E bakit pa pala ako nito tinutulungan?!
"Huwag kang pasisiguro sa nakikita mo dahil hindi ako mabuting nilalang katulad ng iniisip mo."
"Idrish, dama kong hindi ka masamang uring nilalang. Ang mga magulang mo, sina Felipe at Mardox. Nararamdaman kong hindi kayo masasama."
"Paano kung sabihin ko sa'yong ginagamit lang kita dahil sa iyong ama? Paano kung sabihin ko sayo'ng ang ama mo, si Dr. Salcedo, ang tanging mortal na kailangan namin para sa kapakanan ng aming lahi? Siya at ang theriac ang kailangan namin para makapamuhay kami ng maayos sa mundo ng mga tao. Maliban doon, wala na'kong pakiaalam sa mga mortal na katulad mo."
Ang mga luhang kani-kanina lang ay nakakaya ko pang pigilan ay tuluyan nang humalagpos. Ramdam ko ang hapdi sa aking puso dahil sa mga huling salita na kaniyang sinabi.
He stepped closer. Closer, that only air can make its way in between. Walang emosyon ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin. Malalamig, kasing-lamig ng kanyang balat na ngayo'y hindi na niya kailangan pang iiwas sa akin.
"Tinutulungan kita dahil sa theriac, Abby. Kung anuman 'yang nararamdaman mo sa'kin, itigil no na 'yan dahil ngayon pa lang, sinasabi ko na sa'yong walang patutunguhan iyan. Kinasusuklaman ko ang mga tao at isa ka na dun. Dapat ay matakot ka sa akin."
"Hindi ako takot sa'yo! Isaksak mo 'yan sa baga mo." Nanggigigil kong hinampas ang dibdib niya.
Ang sakit. Parang hiniwa ang puso ko sa kaniyang mga sinabi.
"Huwag mo siyang hahawakan. Iwan mo na kami."
"Bakit bigla kang nawala sa iyong silid?"
Using both hands, Idrish cupped the woman's face to make eye contact with him. Mapait na ngumiti ang lalaki.
"Why? Tumingin ka sa'kin, Entice. Hindi ba't meron ka nang hinala sa tunay kong pagkatao? Ngayon, tingnan mo'ko at nang mapatunayan mong tama ka."
"Idrish, hindi mo kailangang gawin 'yan-"
"Sinabi ko nang iwan mo kami, Juancho."
So, ano pala 'yung kanina? I thought na sa sobrang pag-alala niya sa'kin at selos nang makita niya akong may ibang kasama. But I was wrong. Paasa lang pala siya.
Suddenly, there was a dream that flashed into my mind.
I was in front of the fridge when suddenly I felt eerie. Sumunod ang isang malakas na pagkalabog na tila ba may marahas na nagbukas ng pintuan at bumangga ito ng malakas sa pader. Nagsipagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa gulat kasabay ng malakas na pagkalabog ng puso ko.
I stopped breathing. Damang-dama kong may mga matang nakamasid sa aking likuran. When I forced myself to turn around, bigla ko na lamang nabitiwan ang hawak kong baso nang tubig. Nagsipagtalsikan ang mga bubog nito sa aking paa pero hindi ko na naramdaman ang hapding dulot nito dahil sa aking nakita.
I saw a man, standing sturdy and dangerous while staring at me. May kalayuan siya sa akin kaya hindi ko maaninag ng maayos ang buo niyang mukha. Natatakpan ng hood ang ulo nito pero kitang-kita ko nang umilaw ng asul ang mga mata nito!
Nanigas ako at pinanlamigan ang buo kong katawan. Unti-unti siyang humahakbang papalapit sa akin. Before I could move, nanghina na lang akong bigla at hindi ko na naalala pa ang mga sumunod pang nangyari.
"Ikaw ang lalaking may asul na mata. Ang lalaking pumasok sa bahay namin..."
"Oo, ako nga, Abigail Entice. Ngayong alam mo na'ng isa akong...Damn this s*it." Frustrated na napasuklay siya sa sarili nitong buhok bago nakapameywang na tumalikod sa akin.
How can I be so stupid to let myself think this way?
"That's the truth. I only came close to you para malaman ko kung nasaan ang ama mo."
Tahimik lamang akong napaiyak. Yumuko ako't huminga ng malalim. Then I braced my self.
"Well then, let's help each other. Hanapin natin ang daddy ko at nang matapos na ito."
At walang lingon-likod kong nilisan ang lugar na iyon.