Chapter 29 - The True Idrish Constantine

1157 Words
Nasaan ako? Iyon ang unang pumasok sa isipan ng dalaga nang sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay kakatwang nasa gitna na siya ng isang makipot na daad. Pinagigitnaan iyon ng tila mga bahay na gawa sa bato kung saan ay may mangilan-ngilang mga tao din ang nakikita niyang naglalakad at abala sa kani-kanilang mga ginagawa.  Inilinga ni Abigail ang kaniyang paningin sa paligid. Para siyang nasa isang sinaunang panahon at kung hind siya nagkakamali, ang ibang kababaihan na kaniyang natatanaw ay nakasuot ng corset! Meron siyang namataang ilang kalalakihang naglalakad na tila ba napanood na niya sa pelikulang Robinhood ang costume ng mga ito.  She looks like trapped in a medieval era at kahit saan niya tingnan, mukhang nananaginip lamang siya.  Mabilis niyang tinapik-tapik ang kaniyang mukha, hoping she could wake up. Pilit niyang pinatatag ang kaniyang sarili at pinaniniwalang siya'y nasa isang panaginip lamang.  "But this is real, my lady." "Ay, butiki!" Napalundag sa gulat si Abigail nang isang boses ng lalaki ang biglang nagsalita sa kaniyang likuran. Nang lingunin niya ito ay isang matangkad na lalaking may kahabaan ang buhok ang bumungad sa kaniyang harapan. He's just behind her but not looking at her. Instead, the man is looking to the place like he's showing it to her. "Masasabi kong nasa mismong reyalidad ka, my lady. At sa katunayan, mukhang alam na rin nia." "A-Ano? A-Ano ba'ng sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. At bakit marunong kang magtagalog?" Gulong-gulo ang dalaga dahil sa ang mukha at postura ng lalaki'y halata namang hindi isang pinoy.  Pero hindi siya nito pinansin. Kunot-noo itong nakatitig lamang sa isang direksyon, partikular sa dalawang itim na kotseng huminto may ilang metro ang layo sa kanilang kinatatayuan.  "They're here. We need to go." Kasabay noo'y biglang hinawakan ng lalaki sa kaniyang pulupulsuhan si Abigail at hinila papalayo sa kanilang kinatatayuan. Napaawang ang bibig ng dalaga sa ginawa nito. Sa bilis ng pangyayari at dahil na rin sa laki nito, halos makaladkad siya ng estranghero.  "Sandali! Bitiwan mo 'ko!" "Patawad po, my lady pero hindi po maaari. Kailangan niyo pong makalayo dito sa lalong madaling panahon."  Kung ilang beses na pilit hinihila ng dalaga ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki ngunit sadyang malakas ito at desidido talaga siyang ilayo sa mga bagong dating. Hindi man nito sabihin sa kaniya, sigurado siyang ang mga lalaking nagsipagbabaan ng sasakyan ang tinutukoy nito. Pero bakit? Ano'ng kinalaman niya sa mga iyon at papaano siya nasadlak sa medieval era?!  Hindi niya talaga alam kung papaano siya nakarating sa lugar na iyon basta't ang naaalala lamang niya ay nakatulog siya matapos ang pagmumukmok sa kuwartong inilaan sa kaniya sa kastilyo.  This can't be.  Nawawala ang kaniyang ama at simung mangyari iyon ay nagsipagsulputan na ang iba't-ibang kababalghan sa kaniyang buhay. Mula sa biglang pagiging involve ni Idrish sa kaniyang problema sa ama hanggang sa kaniyang mga hinala sa pagkatao niyo. Tapos, eto na naman?   Papaano'ng nakarating ako dito? Takang-taka siya sa kaniyang sarili gayung ang huling naaalala niya ay ang mapait niyang kapalaran sa misteryosong lalaki na kanyang nakilala dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan.  Halo masubsob sa likuran ng lalaki ang dalaga nang bigla'y huminto ito mula sa mabilis nitog pagtakbo. Agad siya nitong itinago sa likuran na tila ba pinoproteksyonan.Nang silipin ni Abigail ang nasa unahan, agad niyang nakita ang hindi bababa sa sampung kalalakihan. Lahat ay pawang namumula ang mga mata at walang kasing-bagsik ang mga titig.  "Mukhang nagmamadali kayo, kaibigan." Ani ng isang lalaking tila pinuno ng mga ito. Unti-unti itong humahakbang papalapit sa kanila habang siya namang tago sa kaniya ng estrangero sa likuran nito.  "Hindi taga-dito ang binibining iyong kasama, kapatid. Maaari ba namin siyang makilala?" Nakangising saad nito. Ngayo'y nasa kaniya na nakatuon ang mga mata ng lahat ng nasa kanilang harapan.  "S-Sino ang mga 'yan? Huwag mo'ng sabihing a-ako ang kanilang pakay?" "Huwag kang magsasalita kung gusto mo pang mabuhay." Pabulong nitong sagot sa kaniya bago nagmamatigas na humarap muli sa mga nakaabang.  "Paraanin niyo kami. Ang babaeng kasama ko ay taal na taga-rito ngunit dahil sa tagal niyang namayani sa ibang bansa, kaya siya'y tila naiiba sa mga naririto."  Sabay na napatingin sa tila lider ng grupo sina Abigail at ang lalaki nang bigla itong humalakhak.  "Isa ka talagang traydor, Juancho. Pagsisisihan mo ang araw na ito. Ibigay mo sa amin ang babaeng 'yan, traydor ka sa lahi ng mga Xegnons!" "Pasensiyahan na pero hindi maaari. Umalis na kayo dito habang may oras pa kayo." "Pinaglololoko mo ba kami? Ano ang ipinagmamalaki mo gayung isang hamak ka lamang na suwail na miyembro ng lupon!" Tila hudyat ang huling salitang sinabi nito bago sabay-sabay na nagsipaglabasan ang mga pangil nito.  Mga bampira! "Umalis ka sa tapat ng babaeng 'yan, Juancho, kung ayaw mo pang mamatay!"  Pero hindi natinag ang lalaki. Bagkus ay pumuwesto pa ito ng palaban, tila naghahamon pang lumapit ang mga kalaban.  "A-Ano'ng ginagawa mo? Mga bampira sila at wala tayong laban diyan! Oh my -," Hindi na naituloy pa ni Abigail ang sasabiin ng isang  mabilis na  anino ang biglang dumating sa kanilang harapan. Mabilis na naging malinaw ang aura nito hanggang sa makilala niya ang bagong dating. "Idrish?" Halos manigas siya at hindi makahinga nang makita niya kung papaano'ng namula ang mga mata ng lalaki kasabay ng paglabas ng mga pangil nito. Parang isa itong itim na usok sa bilis ng kilos. Walang panama ang nasa kinseng nilalang sa bawat suntok at sipa nito hanggang sa maubos nito ang lahat maliban sa lider.  Mabilis na inabot ni Idrish ang braso ng lalaki saka patalikod na pinilipit. Ngayo'y ipit-ipit na nito ang leeg ng lalaki na halos hindi na makahing sa pagkakakasal ni Idrish.  "Pinapili kayo noon ng pagkakataong mamuhay ng tahimik. Ang iba'y kinupkop namin habang ang karamihan ay nanatilng tahinik sa mga kagubatan ng iba't-ibang basa.  Nanunuyang ngumisi ang lalaki. "W-ala na kayong laban dahil oras na tuluyang mabuhay ang aming pinuno, lahat kayo ay mawawala. At ang b-babaeng 'yan, siya ang magiging kasagutan sa matagal na n-naming pinapangarap." At umamba itong sasakmalin ang dalaga pero mabilis itong napigilan ni Idrish. "Don't. you. dare.to touch her." Pagkasabi noo'y isang malakas na pagbali sa leeg ang ginawa ni Irish sanhi para mahiwalay ang ulo sa leeg nito.  Huwag mong itago ang nararamdaman mo sa kaniya, Idrish. "That's not gonna happen." "Hindi mo maitatago ang nararamdaman mo, Idrish. Kailangan mo na'ng harapin 'yan hangga't hindi ka pa nagsisisi." "Ako? Magsisisi? Athair, higit kaninuman ay alam niyo ang nararamdaman ko sa mga tao. Sila ang dahilan kung bakit namatay si Erina. Kinasusuklaman ko ang mga mortal." Malungkot ang mga matang tinitigan ni Idrish ang blangkong mukha ni Abby. Ngayong tumambad na dito ang buong katotohanan sa kaniyang pagkatao, magiging madali na rin para sa kaniya ang iwasan ito. Malamang sa nasaksihan nito, mag-iiba na rin ang pakikitungo nito sa kaniya. At kapag nangyari iyon, sisiguraduhin niyang makakamit pa rin niya ang tagumpay ng kaniyang misyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD