Chapter 28 - Just a Mission

1437 Words
IDRISH Tahimik lamang akong nakasunod sa kanilang likuran. My mother seemed to be fascinated with her while she, I can see she had a genuine smile flashing on her face. Mukhang nagkakamabutihan sila ng loob ng aking ina and it somehow made me want to smile too, pero mas pinili kong kontrahin ang aking sarili.  "Finally, we've met her. Mukhang gustong-gusto siya ng iyong ina." Hindi ako kaagad sumagot. I couldn't disagree with what my father just said kaya naman tipid lamang akong tumango. My father knows how I despise humans at alam ko ding pilit niyang ipinapaunawa sa akin ang posibleng nararamdaman ko sa babae.  "She's radiantly beautiful and I can see that your mother has started liking her. She has a beautiful heart, a kind, and a gentle spirit.  Iyon nga lang, mukhang nag-uumpisa na siyang maghinala s aiyong pagkatao. "Huwag niyo pong sabihing binasa niyo ang nasa isipan niya? Ama, hindi po iyan maaari. Hindi ko po iyan pinahihintulutan."  Nahinto ako sa paglalakad at mabilis siyang hinarap. Hindi ko maiwasan talaga ang mainis sa tuwing maaalala kong ako lamang ang bukod-tanging hindi magawa iyon.  Mahinang tapik sa aking balikat ang nagpaalala sa aking tila hindi tama ang ginawi ko. He is the Evrox leader, and I should have not rant like the way I did dahil natural lamang na gawin ni Ama ang bagay na iyon sa mortal na nakakapunta sa aming mundo. "I'm sorry, please forgive me, father. You have all the rights to do that sa tuwing may bagong salta dito sa ating mundo. "  "On the second thought, nauunawaan kita, Idrish. Huwag kang mag-alala dahil napagdaanan ko na iyan. Most of the time, we tend to deny our true feelings lalo pa't may pangamba tayo sa maaring kahinatnan ng pag-amin nating 'yon. But you see, kailangan nating maging tapat sa ating sarili dahil doon lamang natin mabibigyan ng totoong kaligayahan ang ating sarili. We may be not humans, but we do also have emotions and probably, a heart that could tell what love is. Hindi tayo magiging Evrox, matapos na tumiwalag ang ating mga ninuno, para irespeto ang buhay ng mga tao, kung sa una palang ay wala tayong damdamin." It was the first time my father open up like that and I can say that I was really amazed by the depth of his wisdom.  "I haven't told you this but now, let me tell you that your mother, she's a mortal too before she became one of us." "She is? But how come wala kaming alam ni Erina?" I intently stared at him for seconds and he just nodded.  "Alam niya, Idrish. Maging ikaw ay alam mo not until I needed to rub out in your memory dahil sa sobrang galit mo sa mga tao. Ang ina mo mismo ang nakiusap na gawin ko sa'yo iyon dahil sa hinagpis mong nararamdaman sa pagkawala ng iyong kapatid."  Napatiimbagang ako sa narinig. Now that my hibernated memory was touched by the sudden confession of my father, muling sumariwa sa akin ang sakit ng pagkawala ng nag-iisa kong kapatid.  Masisisi ba nila ako kung mismong sa harapan ko ay hinayaan nilang makita ko kung papaano'ng  namatay ang kaisa-isa kong kapatid? They are so cruel. Halos wala silang pinagkaiba sa mga Xegnons.  "Alam mo bang katulad mo'y hindi ko din mabasa ang kaniyang niloloob ng mga panahong iyon? Iyan ay isa sa mga signos upang malaman natin kung sino ang inilaan sa atin." "That's not gonna happen." "Hindi mo maitatago ang nararamdaman mo, Idrish. Kailangan mo na'ng harapin 'yan hangga't hindi ka pa nagsisisi." Ako? Magsisisi?  "Ama, higit kaninuman ay alam niyo ang nararamdaman ko sa mga tao. Sila ang dahilan kung bakit namatay si Erina. Kinasusuklaman ko ang mga mortal." Ramdam kong humaba ang mga pangil ko dahil sa matinding emosyon na nararamdaman ko. I despise human at tanging ina ko lamang at si Tim na itinuring ko nang kapatid ang labas doon.  "Magdaramdam ang iyong ina kapag narinig ka sa iyong sinabi, Idrish pero alam kong nauunawaan niya ang iyong damdamin. Pero huwag mo sanang alagaan ang galit diyan sa iyong puso. Paano si Abigail?" "Ano'ng paano siya, ama? Alam nating isang misyon lamang ang lahat kung bakit ko siya nilalapitan at oras na mahanap na natin ang kaniyang ama at makuha ang antidote, hindi na'ko mag-aaksaya pa sa kaniya ng panahon. Patawarin niyo po ako sa aking kapangahasang ito, ama, pero kahit kailan, hindi ako iibig sa isang tao lalong-lalo na sa kagaya ni Miss Salcedo. I'm taking my leave, Master Audric." Nakita ko pa ang natitigilang mukha ng aking ama bago siya tumango sa akin. Mabilis na'kong tumalikod para magtungo sa santuaryo ng aking kapatid ngunit agad kong napansin ang aninong tahimik lamang na nakatayo sa isang gilid hindi kalayuan sa aking kinatatayuan.  And when our eyes met, nakita ko pa kung papaano siya nagpumilit na ngumiti bago siya mabilis na tumalikod at umalis. Napapikit ako't napakuyom ang dalawang kamay. Something pained in my chest at nagsisimula na akong manghina dahil mismong sa sarili ko, alam kong kakaiba siya sa ibang tao.  Now face your decision, Idrish. She's just a pace.  _________________________________ Napakaganda niya talaga at napakabait. Damang-dama ko ang  katotohanan sa mga salitang kaniyan binibitawan. Iyon ang halos laman ng isipan ni Abigail habang pinagmamasdan ang masayang mukha ni Lady Aurora. Nalaman niya ding nagmula sa norteng bahagi ng Pilipinas ang ina ni Idrish pero ni hindi niya ma-establish sa kaniyang isipan kung saang banda niya maaaring makita ang pagiging imortal nito.  Hanggang sa nakaramdam ang dalaga ng pamimigat ng kaniyang pantog. She needed to pee at nang makapagpaalam siya't sinamahan ng isang tauhan nito, mabilis na niyang tinahak ang direksyon ng banyo.  "That't not gonna happen. Ama, higit kaninuman kayo ang mas nakakaalam ni Ina sa kung ano ang totoong nararamdaman ko sa mga tao. Sila ang dahilan kung bakit namatay si Erina. Kinasusuklaman ko ang mga mortal."  Kunot-noo siyang natulos sa kaniyang kinatatayuan habang makahulugang nakatitig lang sa kaniya ang lady servant ng kastilyo.  "Magdaramdam ang iyong ina kapag narinig ka sa iyong sinabi, Idrish pero alam kong nauunawaan niya ang iyong damdamin. Pero huwag mo sanang alagaan ang galit diyan sa iyong puso. Paano si Abigail?"  Agad siyang napatakip sa kaniyang bibig nang marinig ang kaniya pangalan.  Bakit siya nasali sa usapan?  "Ano'ng paano siya, ama? Alam nating isang misyon lamang ang lahat kung bakit ko siya nilalapitan at oras na mahanap na natin ang kaniyang ama at makuha ang antidote, hindi na'ko mag-aaksaya pa sa kaniya ng panahon. Patawarin niyo po ako sa aking kapangahasang ito, ama, pero kahit kailan, hindi ako iibig sa isang tao lalong-lalo na sa kagaya ni Miss Salcedo. I'm taking my leave, Master Audric." Nanlamig ako sa aking narinig kasabay ng isang tila paghiwa sa aking puso.  Misyon. Antidote. Ang daddy niya. Iyon lamang siya sa mga panahong biglang sumulpot ito sa kaniyang buhay hanggang ngayon na kaniyang kasama.  "My lady, are you okay?" But my stares just linger to his red eyes na nang mga oras na iyon ay titig na titig sa akin. Saglit na bumadha ang pagkagulat sa kaniyang mukha bago naging kulay pula ang kaniyang mga mata. Mukhang kailangan na nga nating mag-usap at liwanagin ang lahat, Idrish.  Yeah, she's just a mission. Isinusumpa niyang makita niya lang ang kaniyang ama at maiuwi ito, she'll surely get a distance to this creature.  "Abigail, iha. So ano ang trabaho mo?" "P-Photographer po and before, part-time model." "Magdaramdam ang iyong ina kapag narinig ka sa iyong sinabi, Idrish pero alam kong nauunawaan niya ang iyong damdamin. Pero huwag mo sanang alagaan ang galit diyan sa iyong puso. Paano si Abigail?" "Ano'ng paano siya, ama?  She blinked an eye and stared at Idrish who is quietly seating in front of her. Hindi maalis sa kaniyang isipan ang mga sinabi nito.  "Abby, are you okay? Your pacing out." "A-Ah, Okay lang po."  "So nag eenjoy ka din ba sa ginagawa mo?" "Oo naman po. Mula pagkabata mahilig na po talaga ako sa pagkuha ng mga litrato." "Talaga?" Bakas sa mukha ni Lady Aurora ang saya, "Baka pwede mo naman akong kunan ng magandang anggulo, Abby. Para mai-portrait ko din sa aming silid na mag-asawa." "Sige po, wala naman pong problema." Nakangiti niyang sagot. Nakakatuwa kasi kung papaano'ng makipag-usap sa kaniya ang ina ni Idrish. Mabait talaga ito katulad ng ama. Only Idrish, hindi niya maunawaan kung minsan. At mas lalo pa ngayong napagtanto niyang isa lang pala siyang misyon. Kung ano ang ibig nitong sabihin ay hindi niya alam. Only one this she is sure. Nasasaktan siya sa nalaman. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD