Chapter 27 - Master Audric and Lady Aurora

1393 Words
Humigit-kumulang nasa dalawang oras ang kanilang biyahe at sa durason na iyon ay tahimik lamang na nakikiramdam si Idrish sa katabi. They're seated at the back passenger side of the Cadillac kung saan, pansin ng babae na ang nagmamaneho ng kotse ay parang may lahing filipino. Pansin din nitong merong dalawang itim na kotse ang nakasunod sa kanilang likuran habang may isang nauna sa kanila na ngayo'y papasok na sa isang napakalaking gate na bakal. Doon sa naunang sasakyan sumabay si Mardox na hindi matanggal-tanggal ang mga patagong ngiting-nanunukso sa amo. Mula doo'y tanging mga puno lamang ng spruce ang kaniyang nakikitang magkakahilera at magkakatapat. Ang likuran ng magkabilang panig ay tila gubat habang ang mismong dinaraanan nila ay isang sementadong kalsada na ang nasa pinakadulo niyon, unti-unti na niyang nakikita ang mukhang isang medieval castle. Abigail gasped in astonishment dahil sa napakagandang lugar na iyon. Pero kapansin-pansing mula nang pumasok sila sa napakalaking gate, walang patak ng mga niyebe siyang nakikita. It looks like it was isolated, the place, dahil parang may sariling panahon doon. Nang mga oras na iyon ay maliwanag pa ang paligid pero kapansin-pansin ang malaking buwan sa likurang bahagi ng kastilyo. Gusto sana niyang lingunin ang kasama at tanungin ngunit naalala niyang naiinis pala siya dito. Sa isip niya'y kakausapin niya ito ng masinsinan at paaaminin sa mga kakaibang bagay na kaniyang napapansin. She returned her gaze to the huge castle. Halatang sobrang luma na nito pero hindi maitatatwa ang malinis at maayos na pagme-maintain ng nasabing imprastraktura. Napalilibutan din ito ng iba't-ibang naggagandahang bulaklak. Halos inabot sila ng isang oras bago sila tuluyang huminto sa tapat nito. Hindi niya rin alam kung papaano pero pakiramdam niya't malapit lamang ito sa b****a ng malaking gate pero ang tagal nila bago nahinto sa mismong tapat ng kastilyo. Agad niyang nakita ang isang matipuno at guwapong lalaki habang katabi nito ang isang napakagandang babaeng kahawig ng sikat na artistang si Catherine Zeta Jones. Both of them were smiling while looking at the tinted car they are riding. Nauna nang bumaba ang kanilang chaffeur. Si Idrish ay tahinik lamang na nagmamasid sa reaksyon ng dalaga. "D-Dito ka nakatira?" Tanong ng dalaga habang nanatiling nakatutok sa labas, partikular sa dalawang nakatayo at naghihintay sa kanilang paglabas. "This is my parent's where I was born and raised, but I have my own place on the other side. Pupunta din tayo doon." Malumanay na sagot ng lalaki. Napalingon ang babae sa kaniyang katabi. Tila ba nagpapaliwanag ito sa kaniya at ipinagpapasalamat na tinanong niya iyon, sanhi ng pagkakapansin niya dito. Mukha kasing kanina pa siya hinihintay nitong mamansin. "Have I offended you earlier? Because if I did, I..err.." Umangat ang isang kilay ni Abigail at kitang-kita iyon ni Idrish. His jaw clenched when he realized how affected he is by the lady's mood. Mukha ngang iba ang babaeng ito, naisip ni Idrish. "What I was trying to say is that I'm sorry kung may nasabi akong hindi mo nagustuhan kanina." Pilit ang ngiting sumagot ang dalaga, "Hindi lang maganda ang gising ko kanina, pasensiya na kung medyo nagtaray ako, but I'm not in the position to behave like that in the first place. Ikaw na nga'ng tumutulong sa'kin." Though sasabihin niya lang sana iyon para matapos na ang tanong nito, na-realize din ng babaeng mukhang hindi nga tamang tarayan niya ang lalaki. So, what if kung sinabi ni Idrish na huwag siyang tawaging "my lady" dahil may ibang nababagay sa ganoong titulo? Wala siyang karapatang maghinanakit mas lalo na ang magalit dahil kasama niya lang ang lalaki ngayon para sa kaniya ay tumulong. "Puwede bang sabihin mo sa'kin ang nilalaman ng iyong isipan?" He sounded quite frustrated while staring at her saka mabilis na itiningala nito ang ulo sa head rest ng sandalan. Idrish closed his eyes while his jaw is still clenching. Hindi agad nakapagsalita si Abigail. Nabigla siya sa sinabi nito at napaisip. Why would you like to know my thoughts now? Parang paasa ka naman. "Damn. Why does it really frustrates me that whilst I can hear and read other's minds, bakit sa'yo hindi? Bakit hindi ko magawang basahin kung ano'ng nasa isipan mo?" Pakiramdam ni Abigail ay umakyat yata ang puso niya sa kaniyang lalamunan. Biglang pumasok sa kaniyang alaala na ang mga bampira ay mayroon daw kakayahan na mabasa at malaman ang iniisip ng isang tao. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Bakit ba imbes na mangamba ako kung totoo nga ang hinala ko sa kaniya, bakit parang mas natatakot pa'kong masaktan dahil sa aming pagkakaiba? God, huwag naman po sana'ng nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. Kung hindi pa pinagbuksan ng kanilang chaffeur ang pinto sa kaniyang puwesto at humarap sa kaniya ang nakangiting mukha ng babae at lalaking nag-aantay sa kanila kanina pa, parang ayaw niya pang umalis sa tabi ng lalaki. "Oh Darling, welcome to our humble abode." Nagagalak na inilahad ng babaeng kamukha ni Catherine Zeta Jones ang mga kamay nito ay siya'y niyakap. "Darling, I can almost hear your heartbeat. Believe me, we mean no harm. Narito ka sa ligtas na mga kamay." Bulong nito sa kaniya bago ito lumayo ng bahagya at nakangiting tumitig sa kaniya. Nanlalaki naman ang mga mata ni Abigail sa napagtanto. Marunong itong magtagalog! "Ako si Aurora, ang ina ni Idrish. At ito naman ang aking kabiyak na si Audric. Of course, Idrish father." Dama ng dalaga ang sinseridad sa boses nito. "Fáilte go Caisleán Constantine, Abby. (Welcome to Castle Constantine, Abby.) Masaya kami't pumayag kang dito manatili pansamantala." Ani ng lalaking sa malapitan ay halos hindi naman nalalayo ang edad sa anak nito. Narinig niya pang bahagya itong natawa kung saan ay nahuli niyang siniko ito ng asawa sanhi para matigil ito. Nangyari iyon dahil sa hindi sinasadyang nabasa ni Master Audric ang nasa isipan ng babae kung saan agad namang pinag-isipan ng kabiyak na tigilan. Agad namang tumalima ang pinuno ng Evrox sa utos ng asawa. Maliban sa hindi nito maaaring suwayin si Aurora, isang mahigpit na utos sa kanilang lahi ang respeto sa bawat nilalang kalahi man o hindi, at kasama na doon ang hindi basta-bastang panghihimasok sa isipan. Sabay pa silang tatlo na napalingon sa tunog ng pagsara ng pinto ng sasakyan. It was Idrish na agad lumambot ang mukha nang makita ang ina. "My filius. Akala ko ay hindi mo na ako dadalawin." Masuyong ngumiti ang lalaki bago niyakap ang ina. Hindi naiwasan ni Abigail ang mangiti nang makita niya kung papaano lumambot ang anyo ng lalaki sa presensiya ng ina. "You know that would not happen, amica mea." Amica Mea is a Latin term for my love. "Ach an mise do amica mea fós? (But am I still your amica mea?)" Panunudyo ng ina nito at kahit pa hindi maunawaan ni Abigail ang ibig itong sabihin, sa reaksyon ni Idrish na tila ba umiiwas at pamumula ng tenga nito hanggang leeg, mukhang nakuha ng dalagang tinutukso nga ito ng sariling ina. Napayuko na lamang ang dalaga nang magtama ang mga mata nito at ni Master Audirc na noo'y mukhang matatawa. "This is Abigail Entice Salcedo. Entice, they are my parents. As you can see, my mother is a filipina just like you, and my father, he's a pure Irish pero nakakaunawa siya ng tagalog." Bubuka na sana ang bibig ng dalaga para bumati at magpasalamat nang maalala niyang hindi niya alam kung papaanong i-address ang mga magulang ng lalaki. Pasimple siyang tumabi dito at sumenyas na bahagyang yumuko para marinig ang kaniyang sasabihin. Hindi naman nakaligtas kay Abigail ang tila nanunudyong ngiti ng mag-asawa kahit pa gusto na lamang niyang matunaw. "Your highness na lang ba? Ano'ng itatawag ko sa kanila? Idrish?" "Just call us Mr. and Mrs. Constantine, Abby." "Huh." Parang hindi naman bagay. Isa pa, dugong bughaw ang mga ito, hindi ba? "Master Audric and Lady Aurora, iyan ang tawag sa amin dito. Pero mukhang malapit ka naman sa aming anak-" Abigail quickly smiled and stopped the next words "Kung gayun po'y maraming salamat sa pagtanggap ninyo sa aking pansamantalang pagtigil dito para mahanap ang aking ama, Master Audric and Lay Aurora." "No Abby, it will be our pleasure dahil sa wakas, magkakakukay na rin ang buhay ng anak kong-," Hibdi na naituloy ng ina ni Idrish ang sasabihin. Suolado itong umalis sa kanilang lupon at deretsong pumasok ng kastilyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD