ABBY
Hmm, I have been dreaming of tasting this sweet, my lady.
I am sure it was real pero biglang nagising ako sa isang tila panaginip nang isang masuyong haplos sa aking mukha ang naramdaman ko. My eyes met with his but it wasn't red. Sobrang lapit niya sa'kin at halos malanghap ko na ang mainit niyang hininga.
At ang kaniyang haplos...
Biglang napabalikwas ako ng bangon nang mapagtanto ko ang nangyayari. Our lips could almost touch. Titig na titig siya sa'kin sanhi para maramdaman ko ang kakaibang puwersang bumabalot na nagmumula sa kaniyang mga mata.
Mabilis kong inilayo ang aking sarili at kinastigo ang aking kahinaan sa saglit kong pagkawala sa reyalidad.
"You're awake now." Ang sabi niya pero nanatili lamang akong nakayuko at hinahagilap ang sarili.
If he's a vampire, hindi naman siguro ganiyan kabango ang kaniyang hininga, at bakit mainit ang kaniyang palad? At bakit ganito siya kung makitungo sa'kin? He should have attacked me sa ilang beses na naming pagkakasama.
"We're here. Ayoko pa sana'ng gisingin ka kaya lang, kanina pa tayo nakalapag. Welcome to Ireland."
"N-Nandito na tayo?" Kunwa'y tanong ko bilang pag-iwas. Ayokong mahalata niya 'ko. In my research, kung totoo nga ang mga bampira, sinasabing nagagawa daw nilang basahin ang nasa isip ng isang tao.
"Yes, at kailangan mo na ring magpalit ng damit. It's approaching winter here, lalamigin ka sa paglabas mo. Entice, is there something wrong?"
Hindi ko alam pero sa tingin ko ay bahagya siyang nakangiti at napayuko pa nga bago siya muling nag-angat ng tingin at nakipagtitigan sa'kin. Bigla naman akong na-concious. Mabilis kong hinawi ang buhok kong nawala na pala sa pagkakapusod. Pinasadahan ko din ng kamay ko ang mukha ko pati na ang bibig ko. Nakakahiya kasi at baka tumulo na pala ang laway ko habang natutulog. Pansin ko ding meron na akong makapal na kumot na nakatakip sa aking katawan.
"I wonder what were you contemplating while asleep. Para kasing kinakapos ka sa paghinga. You were also half-smiling."
Half-smiling? Ako? Kung alam mo lang na ikaw ang panaginip ko at ang mga kakatwang napapansin ko. Halos sabihin ko ang mga salitang iyon pero napangiti na lang ako ng pilit.
"Ahm, ilang oras ba akong nakatulog?"
"Almost the entire flight. Nine hours."
Ang haba pala ng tulog ko. Pero in fairness, ang bilis ng kaniyang eroplano dahil nasa fourteen hours ang commercial travel time.
I gathered myself and smiled a bit. Pinapakiramdaman ko ang aking sarili. I can say I felt scared as I have drawn with the thoughts of suspicion pero bakit ganito? Bakit parang hindi ko magawang tuluyang matakot sa kaniya?
At bakit parang nagugustuhan ko na ang bawat sandaling kasama ko ang lalaking ito?
Patayo na'ko nang mabilis niya akong alalayan habang hawak-hawak pa rin ang aking kamay. Pasimple ko iyong kinukuha pero mukhang ayaw niyang bitawan. Agad kong naramdaman ang pang-iinit ng mukha ko nang masulyapan kong tila kakaiba ang mga titig noong Mardox partikular sa pagkakahawak ng kaniyang amo sa akin. Parang tinatago lang nito ang mangiti, iyong klase ng nanunukso.
And then he turned to me and did a quick vow while smiling before he greeted me.
"My lady, mukhang napasarap po kayo ng tulog. I'm glad na naging kumportable po ang inyong byahe. Here, gamitin niyo po ito dahil malamig po ang panahon ngayon dito sa Ireland." He then extended a woman's winter overall coat at aabutin ko na sana nang bigla na lamang akong inunahan ni Idrish.
"I'll take it, Mardox. And just call here Miss Abby, not my lady." May diin ang pagkakasabi ni Idrish sa huling salita at hindi ko alam kung bakit parang may kumirot sa aking dibdib nang marinig iyon. Nawala ang pilyong ngiti sa labi ni Mardox at napalitan ng pag-aalinlangan. Malala na yata ako.
"Yes, My Lord. Forgive me." At yumuko ito kay Idrish while the latter clenching his fist.
I am here because of my father, hindi para maghanap ng love life. Besides, not the likes of me will capture his attention. He's royal blood, remember? It became the start of my mantra dahil mukhang nagugulo na ang isip at puso ko.
Pinilit kong bawiin ang kamay ko mula sa kaniyang pagkakahawak.Nakita ko pa ang pangungunot ng kaniyang noo sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin. indi puwedeng ganito. Hindi puwedeng parang mag-MU kami at lalong hindi puwedeng bigyan ko ng malisya ang kaniyang mga kilos.
Dali-dali akong humakbang papunta sa direksyon ng banyo matapos kong bitbitin ang overnight bag kong nasa tabi lamang niya . Mabuti na lamang at naituro iyon ni Mardox kanina.
"Entice, saan ka pupunta."
"CR lang. I need to freshen up." I can almost taste the bitterness in my tone. Nakakahiya iyon kaya hindi ko siya tiningnan.
"Samahan na kita."
Mabilis ang ginawa kong paglingon sa kaniya ng may pagtataka. Kitang-kita ko naman kung papaano'ng namula ang kaniyang mukha at leeg kasabay ng mabilis niyang pagyuko at pag-iwas ng tingin.
"I m-mean, go straight that direction. I'll wait for you here." Pasuplado naman niyang sagot.
Hindi ko na siya sinagot pero sa isip ko, kailangan ko nang rendahan itong kakatwang nararamdaman ko.
---------------------------------------
Isang tikhim ang pumukaw sa pansin ni Idrish. Ibinaling nito ang tingin kay Mardox na noo'y seryosong nakatingin sa kaniya.
"Lord Idrish, nagdududa na po si Miss Abby."
Ang kaninang inis na nararamdaman ng binata kay Mardox ay mabilis na napalitan ng pagkabahala dahil sa narinig. Hindi rin nito napigilan ang makadama ng frustration dahil sa bukod tanging siya lamang ang hindi nakakabasa ng iniisip ng dalaga.
"Ano'ng ibig mong sabihin na nagdududa siya?" His voice is dangerous bagama't mas nangingibabaw ang pagkabahalang nararamdaman ng lalaki.
Mardox and Felipe had approval from Idrish that they can visit the woman's thoughts once in a while. Gagawin lamang ng dalawa 'yon kung kailan niya sasabihin. Ayaw mang gawin ni Idrish ang bagay na iyon sa dalaga noong una pero katwiran niya'y bakit hindi kung ito ang paraan para malaman niya kung mayroon ba itong balita sa nawawalang ama pati na rin sa kung mayroon itong mga bagay na nararanasan bilang parte ng natuklasan nilang posibilidad sa pagkatao nito.
"That police chief fed her mind of our existence. Apparently, mukhang nagkaroon ng vampire experience si Inspector. She had concluded of this when he explained the mystery of his father's disappearance."
Naningkit ang mga mata ni Idrish kasabay ng biglang pamumula nito. Mukhang hindi nito nagugustuhan ang pakikitungo ng pulis na iyon sa dalaga.
"May gusto ba siya sa mortal na babae?"
"Mukhang meron, Idrish."
"I felt sorry for him, but definitely he'll not succeed." He smirked, tila may nilulutong plano sa pulis. Sa isip ay kaniya itong babalikan kapag nakabalik sila ng dalaga sa Pilipinas. Napailing na lamang si Mardox. Mukhang nababasa niya mula sa pagngisi ng amo kung ano'ng maaaring mangyari doon sa pulis.
"So when did she started to doubt my identity?"
Mardox tsked and said, "When you two, uhm..noong-"
Iritableng kumunot ang noo ni Idrish sa pambibitin ni Mardox. Bakas sa mukha nito ang pag-aalangan sa sasabihin at bahagya pa itong napakamot sa batok nito bago pinipilit na itago ang ngiti.
"Huwag mo'ng aksayahin ang oras ko sa pagtuklas kung ano'ng gusto mong sabihin, Mardox."
Sila kasing mga bampira ay magkakaroon lamang ng pagkakataong malaman ang iniisip ng isang nilalang kung kinakailangan. Hindi rin maaaring basta na lamang basahin ng isa bampira ang isip ng kalahi nito ng walang pahintulot.
"Napapansin na niyang malamig ang iyong balat at napatunayan niya iyon noong panahon na hinalikan mo siya."
Hindi kaagad nakapagsalita ang binata. Blangko itong napatitig kay Mardox bago ibinaling ang tingin sa direksyong tinungo ng dalaga. Napatiim-bagang ang lalaki habang nanatili ang titig nito doon.
Bakit sa kabila ng kaniyang natuklasan dito, bakit hindi niya magawang pigilan ang sarili sa kaniya? Kung kelan unti-unti nang nabubuo ang palaisipan nila sa nawawalang doktor, bakit kailangan pa niyang matuklasan ang mas nakagigimbal na sikreto sa pagkatao ng babae?
"Idrish," tawag ni Mardox at kapag ganoon na ang tawag nito sa kaniya, he knows he is talking to a confidante, an elder brother to be exact. Mardox, being his father's ever-loyal servant, is also his considered older brother hindi man niya ito kadugo.
"You found her." Katulad ng kaniyang ama'y sinambit din nito ang mga salitang iyon.
"Hindi ko alam kung ano'ng sinasabi niyo ng aking ama, Mardox."
"Are you? Alam mo'ng siya ang babaeng itinakda sa'yo at nararamdaman mo 'yan."
Natatawang tinapik ni Idrish ang kausap. Iyong klase ng tawa na alam mong walang saysay.
"The last time I check, I don't trust humans. Isa pa, imposible 'yang mangyari dahil hindi puwede. Alam nating siya din ang itinakdang.."
"Hindi pa natin napapatunayan 'yan at huwag kang magsasalita ng tapos. Don't lose hope."
Mabilis na nilingon ni Idrish ang kausap at nakakalokong nginisihan.
"Me? Losing hope for what? Hindi kita maunawaan, Mardox."
"Talaga lang, ha? E kulang na lang e patayin mo'ko sa katatawag ko ng my lady sa Entice mo. At talagang may sariling tawag ka talaga sa mortal? Sino'ng denial ngayon, my Lord."
"Shut your mouth up, marinig ka ng mortal at baka kung ano pa'ng isipin." Kung hindi lang talaga malapit sa kaniya ang kausap ay baka nasakal niya na ito.
"Yeah, right. Kaya nga nag-iba ang mood kanina e, dahil narinig niya'ng sinabi mo, just call here Miss Abby, not my lady. Iba ang pagkakaunawa kaya ayun, ang dating yata sa kaniya e parang ipinagdidikdikan ang sarili sa'yo, mukhang sumama ang loob."
"Damn! Of course, that's not what I mean!" Frustrated na napasuklay sa kaniyang buhok si Idrish at akmang pupuntahan sana ang dalaga nang makita na niya itong naglalakad pabalik sa kanilang puwesto.
For a moment, he froze as he saw how she's radiantly beautiful and elegant from what she's wearing. Ibinugkos lang naman ni Abigail ang buhok nito in a messy bun, habang ang suot na damit ay napalitan na rin into a winter sweatshirt na pinatungan na ng overall coat, iyong iniaabot ni Mardox na siya na ang kumuha dahil ayaw niyang may ibang gagawa noon para sa mortal na babae. Nakasuot na din ito ng boots at ang suot nitong pantalon ay napalitan na rin kung saan ay mas naging mukhang modelo pa ito ngayon. She'd put her sunglass above her head at ang mukha nitong mataray ngayon ay hindi rin nakatulong.
She's amazingly hot and beautiful.
Awtomatikong lalapitan sana ni Idrish ang babae nang marinig nito ang mensaheng ipinarating ni Mardox. Sinasabi nito sa kaniyang bad trip pa rin ang babae at hayaan muna sa ngayon.
At halos malaglag ang balikat ni Idrish nang bigla na lang, lumingon si Abigail kay Mardox at doon ngumiti ng matamis at nakiusap.
"Mardox, patulong naman sa mga gamit ko, puwede ba?"
Alanganing napasulyap ito kay Idrish bago napipilitang ngumiti.
"My pleasure, Miss Abigail. Hayaan niyo pong tulungan ko kayo."
Hindi na umimik si Idrish. Sa isip niya'y pilit na kinakastigo din ang sarili kung bakit hinahayaan niya ang sariling maapektuhan sa presensiya ng babae.
Namamangha namang minamasdan lamang ng dalaga ang bawat tanawing kanilang nadaraanan. Ngayong nandito na sila sa Ireland, sa bansa kung saan isinilang at nakalakhan ng ina, kakaibang saya sa puso ang kaniyang naramdaman. Hindi man niya naabutang buhay ang kaniyang ina, parang nasa paligid lamang niya ito nang mga oras na iyon at nadadama ang pagmamahal nito.
She smiled at the thought when her father shared with her how her parent's love story. She remembered him saying it's a love blossomed in Claddagh Quay at iyon ang isa sa gusto niyang mapuntahan. Kitang-kita ni Abigail sa labas ng Cadillac na kanilang sinasakyan ang nagsisipaghulugang snow. Isa iyon sa kaniyang pangarap, ang makakita ng snow.
Malungkot siyang nangiti pagkuwa'y napapikit. Kung sana'y kasama lamang niya ang ama ng mga oras na iyon.
Mom, I'm home with you. Please help me find Dad.
Walang naglakas-loob na magsalita sa loob ng sasakyan. Maging si Mardox na sadyang masiyahin at nagbabalak bumangka ng kuwento, hindi nagawang magsimula dahil sa nagbababalang mga titig ng binatang bampira. For all he knows, denial king na pala ang susunod na pinuno ng evrox sa babaeng iniibig.