"Nababalot ng mga misteryo ang buhay dito sa mundo, Entice."
"Hindi na ako magtataka kung ang mismong nangyayari ngayon ay isa na roon dahil sa epekto mo sa akin." Mahinang sinabi ni Idrish ang huling pangungusap na hindi naman narinig ng babae.
"Okay ka lang?"
Naputol ang iniisip ng dalaga sa biglang tanong ni Idrish. Then she realized, nakatitig pala siya sa guwapong mukha ng lalaki.
"Entice?" Mababa ang boses ni Idrish nang binanggit nito ang kaniyang pangalan. Halata na sa mukha nito na tila ba nag-iisip din ng malalim.
"I, ah, o-oo naman, okay lang ako." Abigail smiled while staring at him, "Iniisip ko lang kung papaano kaya kung hindi kita nakilala? Makakapunta kaya ako ng Ireland ng ganiti kabilis?" Pinilit niyang ngumiti ng kaswal saka nag-iwas ng tingin. Halos hindi niya makaya ang kakaibang titig sa kaniya ng lalaki.
Sa kabilang banda nama'y ayaw maniwala ni Idrish na okay lang ang mortal na babae. Ramdam niya ang biglang pagbabago ng nararamdaman nito pati na rin ang hilaw na pagkakangiti. Batid niya ring matinding pagtataka na ang nararamdaman ni Abigail ilang beses na ring pagdidikit ng kanilang balat. Halos hindi na humiwalay sa kamay at brao niya ang mga titig nito.
"Salamat ha? Malakas ang kutob kong may makikita tayong clue sa pagpunta natin sa lugar ni Mommy."
Tila may humaplos sa puso ng lalaki nang marinig niya ang sinabi ng dalaga. Kanina niya pa ito sinusungitan dahil sa bukod sa naiinis siya sa sarili dahil sa kakatwang mga nararamdaman niya dito, he's also having a hard time na pigilan ang sariling haklitin ang babae at halikan.
"Just rest dahil mahaba pa ang byahe natin."
Hindi na umimik si Abigail. Tahimik lamang itong napatango hanggang sa isandal din nito ang sarili sa komportableng upuan.
May dalawang oras na yata silang tahimik pero damang-dama nila ang gising na presensiya ng isa't-isa. Si Abigail ay kung ilang beses nang nagpapalit-palit ng puwesto. Halatang iniiwasan nito ang madikit sa lalaki and for some reason, her stillness and that obvious avoidance she is creating, brings him frustration kaya mas nanaisin niya pang tarayan siya nito sa sasabihin.
"I saw your birthmark when I unclothed you."
Nag-init ang magkabilang pisngi ng dalaga. Muling nanumbalik sa kaniyang imahinasyon ang posibleng naging reaksyon ng lalaki nang palitan siya nito ng suot na damit. Pero bago pa man makaangal si Abigail, the man was able to realize what he just said, kaya mabilis din itong nagpaliwanag."Believe me though, it's only the birthmark that I got the chance to see. Besides, I have seen a lot of naked women."
Gustong maiyak ni Abigail, her birthmark is just two inches below her right boob pero kung inaakala niyong naiiyak siya dahil sa embarrasmment, nagkakamali kayo doon.
So kung marami nang hubad na katawang nakita, wala lang dito 'yung sa kaniya?
"And yours is the most beautiful so far."
"Pinaglololoko mo ba ako?" Biglang umakyat ang dugo sa kaniyang ulo at hahampasin niya sana ang lalaki nang bigla niyang inurong ang kamay. Makahulugan silang nagkatinginan ni Idrish bago naunang ibinaba ng babae ang tingin.
"I'm saying the truth, baby."
And again, muli na naman siyang kinilig. Mukhang may sira na nga yata ang ulo niya. 'Andami na niyang iniisip pero heto pa siya't may oras pang kiligin.
Does he feel the same with her? Pero sino ba'ng lolokohin niya?
"It is weird dahil mula noong bata pa ako ay may pagkakataong sumasakit ito pero hindi kagaya nito mga huling linggo. It's painfully like burning. Sabi ni Daddy, magkapareho daw kami ni Mommy ng birthmark."
"Did you got the chance to meet your mother's family side?"
"Hmm, hindi. Ni hindi ko nga rin matandaan ang mga alala sa'kin ni Mommy. Kung wala 'yung mga video na iniwan niya sakin, baka hindi ko na siya nakilala. Ang mga 'yon lang ang nagbibigay sa akin ng alaala kung papaano siyang naging ina sa akin noong nabubuhay pa ito."
"Entice. Let's try to look for some answers sa lugar ng mommy mo."
Tumango bilang pagsang-ayon ang dalaga. Hindi niya rin lubusang malaman kung papaanong may lumitaw na lamang na mapa ng lugar sa kalagitnaan ng kanilang paghahanap sa ama. Sinabi din nito kay Idrish ang naaalala na niyang tila panaganip noon kung saan ay nakita niyang buhay ag kaniyag daddy at nasa tahanan sila ng kaniya ina.
Nang magtama ang kanilang mga mata'y kitang-kita ng dlaga kung papaano titigan ni Idrish ang kaniyang labi. Tuloy ay bigla nitong naalala ang ginawang panghahalik sa kaniya ng lalaki.
Bumangon ang inis kay sa dalaga. Pakiramdam kasi nito'y parang wala lang sa lalaki ang ginawa nito sa kaniya.
"B-Bakit mo nga pala ako hinalikan noong isang araw? At saka b-bakit ang lamig ng balat mo? May sakit ka ba?"
Nakita ni Abigail kung papaano'ng saglit na natigilan ang lalaki sa kaniyang tanong.
"Puwede ba kitang mahawakan ulit ngayon?"
Nag-angat ng tingin si Idrish at nang magtama ang mga mata nila ng babae, he can clearly saw her innocence behind that beautiful eyes.
"What if I'm gonna prove to you that mystery in this world we were talking about is true, mauunawaan mo pa rin kaya?" Idrish asked Abigail. Nagkatitigan sila ng mariin sa isa't-isa bago napasinghap si Abigail sa naramdaman.
Mismong si Idrish na ang gumagap sa kamay ng dalaga. And right there, she had felt how cold his hand is. He's really cold and at that point, halos hindi na makahinga sa sobrang takot ang babae.
"A-Ang lamig ng kamay mo."
"It is, but does it matter?"
"Does it matter to what?" Kinakabahang tanong ni Abigail sa lalaki habang dahan-dahang lumalapit sa kaniya ang guwapog nitong mukha. Halos hindi makahinga ang babae nang muli nitong malahangap ang mabango at mainit na hininga ni Idrish.
Ang lamig ng kaniyang balat pero bakit parang kay init ng kaniyang hininga?
"Are you afraid of me now, Entice?"
He was so close hanggang sa mapapikit na ang dalaga. Lalong lumakas ang t***k ng puso nito at hindi na niya maitatawa ng mga oras na iyon, kung kinasasabikan niyang matikmang muli ang labi ng lalaki o natatakot siyang malaman ang susunod nitong sasabihin.
Pero ilang segundong naghintay si Abigail habang nakapikit pero walang halik siyang naramdaman. She opened her eyes and there she can clearly saw a pair of red eyes. Titig na titig ito sa kaniya habang hawak-hawak ng malamig nitong kamay ang kaniyang mukha. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga nang unti-unti'y umiwas ang ulo nito para ibaon ang mukha sa kaniyang leeg.
Napasinghap si Abigail. Halos manigas na siya sa takot pero hindi niya magawang gumalaw. She can feel his lips now brushing into her neck at damang-dama niya ang kakaibang sensasyong dulot niyon.
"Hmm, I have been dreaming of tasting this sweet, Entice."
Ang mga sumunod na nangyari ay hindi na niya matandaan. Nawalan na siya ng malay at nang magising ay tahimik lang na nakahimlay ang kaniyang ulo sa dibdib ng lalaki. He's peacefully sleeping while embracing her as nobody can touch her.