Chapter 24 - First Suspicion

1132 Words
Hindi matigil sa kalilinga sa loob ng eroplano ang dalaga. Nang malaman niyang isang dugong-bughaw ang binata, inasahan na niyang napakayaman nito pero hindi pala, dahil sa sobrang yaman talaga! Mula sa limousine na kanilang sinakyan kanina, hanggang sa pribadong paliparan nito na nang kanilang marating ay agad na niyang nakita ang hindi bababa sa beinteng kalalakihan na nakahilera sa magkabilang panig habang dumaraan sila ng binata sa gitna ng mga ito paakyat ng private plane. Puro nakaitim na t-shirt ang mga suot nito at halos pare-pareho ang tindig. They don't look like men in black though, rather they looked like rugged men in their plain shirts and jeans. She's surrounded by gorgeous men at halatang-halata naman kung sino ang namumukod-tanging abanse sa lahat. Siyempre, wala nang iba kundi ang amo. Napa-aray ang dalaga. Bigla kasi siyang bumangga sa matigas na dibdib ng lalaking sinusundan nang bigla itong huminto at pumihit para siya'y lingunin. Halata ang aburido sa mukha nito kahit pa nga natatabunan ng mamahalin nitong sunglass ang mga mata. "Stop staring at them or else, bubulagta 'yang mg a 'yan." Supladong sabi ni Idrish. May kalakasan iyon kaya naman batid ng dalagang narinig ng mga ito ang sinabi ng kasama. O, hindi? Dahil pansin niya ring mukhang mga banyaga ang mga ito. Pero siyempre, hindi siya aamin. "Staring ka diyan?! Magkagayunman, masama ba? Humahanga lang e," napahimas sa kaniyang noo ang babae. She was blushing too. Ang totoo'y mas higit ang kaniyang amazement seeing there were guys like those. Parang pare-pareho ang mga mukha. Hindi siya pinansin ni Idrish. Bagkus ay bigla siya nitong tinalikuran at tila isa-isang pinagtitinginan ang mga naroroon. At kahit hindi makita ni Abigail ang kasalukuyang mukha nito, may palagay siyang mukhang sinamaan ng tingin ng amo ang mga ito nang sabay-sabay na nagsipagtunguan. Nakita din ni Abby kung papaano siya iniiwasang titigan ng mga ito nang magpatuloy na sila sa paglalakad. She can truly feel the respect those men is giving with their lord. Pagdating nila sa taas ay naroroon naman ang isang lalaking noon niya lang din nakita. Unlike the others, he is wearing a gray long-sleeve shirt na sadyang inihalilis lang nito sa magkabilang siko. "Welcome aboard, Lord Idrish, my Lady." "She's not your lady, Mardox." Iritableng ani ng lalaki na bahagyang ikinagulat noong Mardox. Nagkatinginan pa silang dalawa ng bumati, tila nagtataka sa inasal ng binata. Again, Idrish felt it but just ignored it. Kanina pa kasi ito naiinis at hindi kumportable. All he wants to do is to arrive at their destination at nang mahiwalay siya sa mortal na babae. Tuloy-tuloy ito sa pagpasok ng aircraft habang naiwan namang nangingiti ang tapat na tauhan ng ama. Maginoong sinenyasan ni Mardox si Abigail na sumunod na sa binata hanggang sa narating ng mga ito ang executive cabin ng eroplano. Nakamamangha talaga ang ganda noon dahil meron itong magkatabing couch na pwede na ring gawing kama sa laki at komportable. "Wow, tayo lang ang sasakay dito?" "Bakit, meron ka pa bang nakikitang kasama natin." "E, di 'yung mga tauhan mo kanina -" "Can you just please sit down and put your seatbelt on. The captain is about to take off." Angil sa kaniya ng kasama. Kita niya pa kung papaano itong tila mangigil sa pag-upo. Marahas nitong sinuklay ang buhok bago napasandal blangkong napatitig lamang sa harapan nito. "Ba't ba ang sungit mo?" Tila bulong sa sariling nasabi ni Abigail pero lingid sa kaalaman nito'y narinig iyon ng binata. Nagkibit-balikat lamang ito at binuksan ang laptop na dinampot nito mula sa lamesang nasa harapan. Lihim nitong kinastigo ang sarili dahil sa inaasta niya sa dalaga. Nang patago niya itong sulyapan, tila may humaplos sa kaniyang puso nang makita niyang hawak-hawak ni Abigail ang locket necklase habang malungkot na nakangiti. "Alam mo ba'ng isa sa mga nasa bucket list namin ni Daddy ay ang makapunta ng Ireland, sa lugar ni Mommy? I've never imagined it will be soon that time and well, I'm about to see my mother's country, unfortunately, para hanapin naman si Dad." "Don't lose hope, makikita din natin siya." "I never believe at first sa mga sinabi ni Insp. Faegane, but then, hindi ko din lubos na maisip kung bakit may mga sumusulpot lamang na clue." Totoo iyon dahil nang bumaba si Abigail sa basement ng ama noong isang gabi'y nakita na lamang niya ang isang mapa na nakalatag sa working table ng ama. Naka-highlight doon ang isang lugas kung saan a matatagpuan sa Ireland. Sa tabi noo'y isang kakaibang susi na may nakasulat pang "sa takdang panahon". Itinago niya ang susi at hindi binanggit sa binata. Nagsimula nang umandar ang eroplano at maya'maya'y naramdaman na nila ang pagtake-off nito. Wala sa sariling napahawak sa armrest si Abigail. Meron kasi siyang fear of heights idagdag pang tila hinahalukay ang kaniyang tiyan dahil sa pag-akyat sa ere ng sinasakyan. On her impulse, Abigail reached Idrish's arms to hold for support. Kapwa sila napaigtad dahil doon. Si Abigail, dahil sa naramdaman na naman niya ang malamig na balat ni idrish at ang huli, dahil sa kakaibang enerhiyang bumabalot dito sa tuwing magdidikit ang balat nila ng mortal na babae. Mabilis na tinanggal ng dalaga ang kaniyang mula sa pagkakahawak sa braso. This is not really normal, Abigail. Malamig talaga ang balat niya and you know something is not right. "I'm a man of science before but was challenged when I saw that creature one night, Miss Salcedo." "A-Ano pong creature, Inspector?" "Vampires. They are real, Miss Salcedo. And this might also breach something confidential but our government already knew they do exist. As a matter of fact, the whole world does know they exist but only within classified government agencies and power. Hindi na rin ako magtataka kung malalaman na lang natin isang araw na meron na tayong nakaharap. They were scattered silently, especially that kind na hindi naman nambibiktima ng mga tao. Instead, they have trained themselves to be fed with animal blood or you know, from the drained corpse." "You'll know if you have met one dahil kakaiba ang kanilang temperatura kumpara sa ating mga tao. They're cold and their eyes, nagiging pula ang mga ito sa tuwing nasa panganib o sa tuwing gugustuhin nilang magbagong anyo." "Do you also believe what Insp. Faegane said with his thoughts about my father's disappearance? I haven't witnessed such mystery but I'd like to believe as long as makikita kong buhay si Daddy." His eyes, they're not red, pero bakit ang lamig niya? Mula nang mabanggit sa kaniya ng police inspector ang mga bagay na iyon, hindi na natahimik si Abigail. She even made some research at nakita niya rin sa basement kung saan naglalagi ang kaniyang ama, ang ilang libro tungkol sa nasabing nilalang.  Could it be Idrish is one of them?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD