Chapter 15 - The Street Children

1715 Words
"My car's in that direction." Hindi pa rin siya nakatiis. Kung kanina, Idrish chose to part his way from the mortal, napapamura siyang bumalik dito at mahinahong kinausap.  "Come on, Miss Salcedo. I said, nandoon ang kotse ko." See? Mahinahon nga ang boses niya pero namimilit naman ang context.  "And who said, I'll ride with you, Lord Idrish? Mag-isa kang sumakay sa kotse mo!" Umangat ang isang kilay ng lalaki. Ngayo'y mukhang tuluyan na ngang napikon sa kaniya ang dalaga at kitang-kita niya iyon ngayon sa maamo nitong mukha. "Okay," tila pinapakalma ni Abigail ang sarili. Inilayo nito ang paningin kay Idrish saka pumikit ng ilang segundo. She needs to calm down so that she could collect her self. Samantalang ang isa nama'y tahimik lang na nakamasid dito. Mukhang nawala na rin ang ngisi sa guwapo nitong mukha na ngayo'y walang ibang gustong gawin si Abigail kundi supalpalin. So conceited... "Now, we're back into that formal address again. I already said to you, just call me by my first name. Idrish." "Fine. Let me enlighten your mind. Dahil kung hindi niyo po napapansin, kamahalaan, you are crossing some boundaries. We're just acquaintances at 'yung mga ginawa mo kanina sa office? It should not happen." "How about last night, when I was about to kiss you, does that includes, too?" Tila inosente nitong tanong na tuluyan nang ikina-buwisit ni Abigail. Hindi niya na kasi dapat ipinaalala pa iyon.  Mabilis niyang pinaghahablot ang kaniyang mga gamit na hawak nito na agad namang napigilan ng lalaki.  "Ibigay mo sa'kin ang mga gamit ko, kamahalan." Sobrang seryoso na ang mukha ng dalaga kaya naman sumeryoso na rin si Idrish.  "Okay, I'm sorry. I admit I've acted too much." Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa mga gamit ni Abigail pero hindi pa rin niya nagawang pigilan ito. He wasn't able to move when in a single swift, malakas na hinatak ni Abigail ang mga gamit nitong hawak. "Kung sa akala niyo po ay madadala niyo ako sa mga paganiyan-ganiyan niyong paglalandi, Mr. Constantine, then think it again, dahil hindi ako pareho ng ibang babaeng madaling mauto." Saka binirahan nito ng alis. Ilang beses niya pa itong tinawag pero hindi man lang lumingon ang dalaga. "Now, you really pissed her, sucker." Bulong niya sa sarili ng may inis. Mabilis siyang sumakay ng kaniyang kotse at sinundan ang babae. Ilang araw pa lang silang nagkakasama ng babar pero ang laki laki na nagging epekto niyo s akaniya. Hindi niya alam kung bakit sobra siyag nagagalit kung may ibang lalaking nagpapapnsin dito. ------------------------------- IDRISH "My car's in that direction."  I snapped earlier. Maikli ang pasensiya ko idagdag pang narealize kong nagpapaliwanag ako sa mortal na dalagang ito. Hindi ko gawain iyon pero bakit pa ba ako bumalik sa kaniya para siya'y suyuin? Pero ang tigas talaga niya. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na ginawa ko 'yon parte ng pagbababala ko sa kasamahan niyang lalaki.  "Okay," inilayo niya ang kaniyang tingin sa akin saka pumikit ng ilang segundo. I saw her trying to calm herself and I felt the urge to just embrace her kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Iyon ang isa kong ipinagtataka, dahil wala naman siyang ginagawang effort para mapansin ko siya pero bakit parang hinihigop niyo 'ko? I really need to finish this mission. Kailangan ko nang makita ang doktor at makuha ang theriac. This is distracting me.  "Now, we're back into that formal address again. I already said to you, just call me by my first name. Idrish." "Fine. Let me enlighten your mind. Dahil kung hindi niyo po napapansin, kamahalaan, you are crossing some boundaries. We're just acquaintances at 'yung mga ginawa mo kanina sa office? It should not happen." "Kung sa akala niyo po ay madadala niyo ako sa mga paganiyan-ganiyan niyong paglalandi, Mr. Constantine, then think it again, dahil hindi ako pareho ng ibang babaeng madaling mauto." I groaned in annoyance. Hindi ako sanay na tinatalikuran, lalo na ng isang babae, never it happened before. Pero sa ginawa ng mortal na iyon, imbes na magalit ako ay sa sarili ko pa ako nainis. She is a human, hindi dapat mapalagay ang loob ko sa kaniya. Hindi siya dapat pagkatiwalaan. Kahit gusto ko mang paniwalaan ang aking ama na hindi lahat ng tao ay mapagsamantala, I just can't accept it. I saw it with my two eyes how those mortals just whipped the final order to exterminate everything kahit pa nandoon si Erina. I begged to them, humingi ako ng karagdagang pagkakataon para pasukin sa building na iyon ang nag-iisa kong kapatid para iligtas, pero naging bingi sila ng may pang-uusig. "We don't have much time for this, Mr. Constantine." "My sister is still inside! Please, let me get her!" "We're very sorry, but we will take over now, Mr. Constantine, and finish all the vampires in that premises right now!" Nag-iisa kong kapatid si Erina. I'm three decades older than her but it doesn't matter dahil kung titingnan kami, parang nasa tatlo o apat na taon lamang ang agwat namin sa mundo ng mga tao. She is strong-willed and brave despite her appearance. She's small-built at kung titingnan ay parang hindi makabasag-pinggan pero kabaligtaran iyon. She may not be too good on a battlefield for a hand-to-hand combat engagement yet her forte is rare for our race. She can invade one's mind at napapasunod niya ito sa bagay na gusto niyang ipagawa dito. That fateful day, my sister was included in that resolution. Over seventy xegnons were inside the property including the newborns at hindi iyon nagawang talunin ng kapatid ko kasama na ang grupo ng mga militar. I went haywire at halos mapatay ko ang lahat ng militar na nagbigay-utos sa ginawa nilang desisyon kung hindi lang dumating ang aking ama at pumagitna.  Damn those stupid and worthless men with no balls to what they have promised! Nakita ko siyang pumara ng taxi. Yes, I still decided to follow her. Hindi puwedeng hindi ako makalapit sa kaniya dahil kakailanganin kong makita ang kaniyang ama para sa napaka-importanteng antidote. Naniniwala akong walang kumuha kay Dr. Salcedo. Kusa itong umalis kung saan ay ilang hakbang na lamang ang kailangan at mabubuo na ang gamot na aming pinakahihintay. May kalahating-oras ko siyang sinundan habang lulan ng taxi. Tumigil ito sa isang mini-grocery store before I saw her going out of the cab. She was talking to the driver, and I knew, magpapahintay ito saglit kaya naman naghintay nga ang kaniyang service. Mangani-ngani kong babain ang sasakyan para puntahan ito at paalisin but I immediately thought o what would be her reaction kapag ako ang nakita. Mukhang nagalit talaga siya sa'kin. I just remained inside my Bentley and in less than 20 minutes, I saw her going out of the shop carrying four plastic bags. Agad niyang ipinasok sa likurang bahagi ng sasakyan ang mga ito bago sumunod. Wala pang sampung minuto, muling tumigil ang sinusundan ko sa isang park. I saw her went down carrying those plastic bags.  I immediately unbuckled my seatbelt and wear my eyeglass before going out of the car. She needs help with that stuff. Damn, she's just around 5"2 pero parang wala lang sa kaniya ang bigat ng kaniyang mga pinamili. My forehead knotted when I suddenly saw around five children running towards her with a big smile on their faces. Mukhang nasa pagitan ng tatlo hanggang sampung taon ang gulang ng mga bata na tila ba kilalang-kilala na nila si Entice. And I was right. The little girl that's around four years old screamed her name in excitement.  "Ate Abby!" Pagkatapos ay nangunyapit ito sa beywang ng dalaga kasama ang isa pang batang babae din na bahagyang nakatatanda dito. Napatingin ako sa kaniyang mukha and something, a very quick feeling, just had passed on me. Kakaiba ang kaniyang ngiti. It is so innocent that I can almost feel her heart's contentment in mine, with what she is doing with the street children at that moment.   "Caloy, eto, pagtulungan niyo ni Dahlia para sa mga kapatid niyo. May dala akong mga pagkain at ilang story book para maturuan niyong magbasa ang mga tsikiting na'to." I heard her said when they have reached one vacant concrete table. Hindi niya ako napapansin dahil abala siya sa pag-iisa-isa at paglalabas ng kaniyang mga pinamili. Nasa limang dipa ang layo ko sa kanila but I can clearly hear what they were talking.  "Eto, may mga vitamins din dito at gatas para kay Ansel at Floyd. 'Tsaka itong chocolate drink, sa inyo na'tong tatlo, para mas energetic kayo, okay? Nasaan nga pala ang nanay at tatay niyo, Caloy?"  "W-Wala na po si Nanay Ems, Ate Abby. Nagising na lang po kaming m-matigas na si Nanay at h-h-hindi na po humihinga. Noong isang araw lang po siya nailibing." Narinig kong sagot ni Caloy. Nagbago ang mukha ng bata at hindi na napigilang maiyak. Entice was left dumbfounded even me when I saw the children's suffering upon their mother's fate.  I cleared my throat. Bahagya akong nakaramdam ng awa para sa mga bata at the same time, tila hindi ko nagustuhan ang nakita kong pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. Entice is now embracing the little ones, habang papalit-palit niyang inaalo sa pamamagitan ng paghawak sa kani-kanilang mga pisngi ang dalawang nakatatandang kapatid.  "P-Pasensiya na hindi ko alam. Sobrang busy kasi ang Ate Abby niyo kaya hindi ko kayo nabisita ng halos isang buwas." Tuluyan nang nahulog ang mga luha sa pisngi ng babaeng mortal. For some reason, I clenched my jaw in dismay. I was about to step in para sila'y malapitan nang biglang isang boses ng lalaki ang umagaw sa aming pansin.  "Ikaw na naman?! Kaya hindi ko na mapakinabangan ang mga batang 'yan ay dahil sa mga pinag-gagagawa mo at kung anu-anong mga pinagsasasabi mo sa mga 'yan!" "Tay, huwag po.huwag niyo pong sasaktan si ate abby." Huwag na huwag na kayong didikit sa babaeng iyan kung ayaw niyong pagpapapaluin ko kayong apat." Mabilis na hinugot noong lalaki ang mga bata. "Hala magsipagtrabaho na kayo at nang may makain tayo. Mamalimos na kayo at ako'y nagugutom na." "Ang sama mong ama."  "S*it." Napahakbang ako papalapit sa kanila. I know what in this man's mind and I would certainly not let it happen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD