Chapter 17 - Caloy and his Siblings

1635 Words
Halos hindi magalaw ni Abigail ang sariling pagkain habang nakamasid sa kaniyang mga kasama. Hindi magkamayaw sa pagkain ang magkakapatid na halatang gutom na gutom at excited dahil sa unang pagkakataon, nakapasok ito sa isang tanyag na fast food. Lumulundag-lundag pa habang pumapalakpak ang dalawang nakababatang kapatid habang si Dahlia naman ay tipid lamang na nakangiti. Ang panganay naman na si Caloy, bagama't paminsan-minsang ngumingiti din ay mababanaag pa rin ang pananahimik at lungkot sa mga mata. They were all now settled at that long table while Idrish seems to be a caring guardian with the kids. Katulong niya ito sa pag-aasikaso sa mga bata habang isa-isang hinahanda ang may karamihang order nila. Narinig niya pa ang masuyong pagpapaalala sa mga ito na huwag magmadali at kumain ng maayos. Suddenly, her childhood memory with her father invaded her. Pumasok sa kaniyang balintataw ang mga sandali noong siya'y maliit pa lamang. When she was in her elementary grades, halos every weekend sila kung lumabas ng kaniyang ama para magkaroon ng father-daughter moment. Magsisimba sila sa umaga at buong araw na mamamasyal. Her dad would patiently play with her and would carefully take charge of her food lalo pa't may pagka-messy eater siya. Parang pumait ang kaniyang panlasa. Here are the kids that were deprived of life's privileges as well as being maltreated by their father. Nawalan na ng ina ang mga bata, nagagawa pang saktan at pabayaan ng tatay.  She felt a lump on her throat. Napasandal siya sa kaniyang kinauupuan at napatuwid ng tingin sa kaniyang harapan.  Where are you, dad? Nakakakain ka kaya ng maayos? Ang mga gamot mo, naiinom mo ba? Please, magparamdam naman po kayo sa'kin, dad.  "Ate Abby, hindi po ba kayo kakain?"  Isang masuyong ngiti ang kaniyang iginawad kay Dahlia. Ito at si Floyd ang kaniyang katabi habang nasa harapan naman nila sina Idirsh, Ansel at Caloy. Pinapagitnaan nila ni Dahlia si Floyd kung saan ay matiyagang pinapakain ng kaniyang ate ang bunsong kapatid. Nang malipat sa kaniyang katapat ang mga mata ng dalaga, halos pamulahan ito ng mukha dahil sa seryosong mga titig ng binata.  Mabilis niyang ibinalik kay Dahlia ang tingin. Pinilit niyang ngumiti ng may sigla sa kabila ng lungkot na kaniyang nararamdaman para sa magkakapatid. Mabuti na lamang at kahit mga palaboy ang mga ito, nagagawa pa ring maging malinis sa katawan ng apat dahil na rin sa kaniyang mga itinuturo.   "Kain lang ng kain, Dahlia, huwag mo'ng intindihin ang Ate Abby." She lightly patted her head before she glanced at the boy who is busy munching a chicken leg. Pinasadahan niya rin ng tingin si Caloy na katulad ni Dahlia ay abala din sa pagpapakain sa isa pang kapatid na si Ansel.  "Kailangan mo ring alagaan ang iyong sarili. Kumain ka muna ng maayos at ako na'ng bahala muna sa kanila." Malumanay na sabi ni Idrish. Bahagya siyang naninibago sa lalaki. Simula ng isakay nila ang mga bata sa kotse nito hanggang sa makarating sila sa kasalukuyang pinagkakainan, mukhang naging malambot ang awra ng binata. _____________ Narito sila ngayon sa isang public park kung saan ay masayang naglalaro ang mga bata. nakaupo si Abigail sa damuhan kung saan kanina ay mabilis na nilatagan ni Caloy ng isang  malinis na puting tuwalya. Abigail was amazed on how the boy was quick to offer the gesture at hindi niya maunawaan kung bakit nang itinuro ng batang si Idrish daw ang nagsabin gawin iyon, hindi niya naiwasang mangiti. Gentleman din pala ang taong 'to.  "So, matagal mo na silang kilala?" Napatingin siya sa nagsalita. Katulad niya'y nakasalampak din ng upo si Idrish sa kaniyang tabi, making them shared the not so wide towel. Halos magdikit na ang kanilang mga braso and it's making her a little bit uncomfortable. Uncomfortable dahil sa sobrang bango ng binata at dahil na rin sa malalagkit na titig ng mga babaeng dumadaan sa kanilang puwesto. Idagdag pa ang tuwalyang kung ano-ano na ang naisip ng dalaga ng mga oras na iyon. Kamuntikan na niyang masampal ang sarili nang dumaan sa kaniyang imahinasyon ang larawan ng lalaking nakahubad at tanging ang tuwalyang kinauupuan ang nakabalot sa pang-ibaba nito. nakaramdam siya ng pang-iinit ng mukha.  Stop it. Nakakahiya ka, Abigail.  Tila nahalata naman ito ni Idrish. Narinig niyang tumikhim ito kasabay ng isang apologetic na ngiti bago bahagyang umusog papalayo sa kaniya. Tuloy, sa damuhan na ito deretsong nakasalampak ng upo.  "I'm sorry." "N-No, okay lang. Share na tayo dito sa t-towel mo." Natawa na rin si Abigail sa isiping may pagka-boy scout din pala ang lalaki. Sigurado siyang hindi sa kaniya iyon at mas lalo namang hindi sa magkapatid.  Muling sumulyap sa kaniya si Idrish na tila ba nagtatanong kung sigurado siyang okay lang na tumabi ito sa kaniya kaya naman magaan niya itong nginitian.  "I always bring overnight stuff in my car. Huwag kang mag-alala, malinis 'yan, hindi ko pa nagagamit." "Mukha nga," itinawa na lamang ni Abigail ang awkwardness na nararamdaman.  "Papaano nga pa lang nandoon ka kanina?" Ayaw man niyang isiping sinundan siya ng lalaki'y mukhang iyon lamang ang posibleng nangyari kung bakit naroon ito kanina. Siguro, kung hindi ito dumating, baka nasaktan talaga siya ng tatay ng mga bata. "I followed you to ask an apology for the things that I've done." Napalingon si Abigail sa lalaki at doo'y kita niya kung gaano ito kaseryoso sa sinabi. Ramdam niya ang katotohanan sa mga sinabi nito at kahit pa nga sa mga sinabi din nito sa tatay ng mga bata kanina, mukhang bawing-bawi na nga ito. "You don't point to her like that. Huwag na huwag ko lang malalamang sinasaktan mo ang mga anak mo at ang babaeng kaharap mo, kung ayaw mong sa ilog Pasig pulutin." Nagsalubong ang dalawang kilay ni Idrish habang nasa harapan ang tingin. "I know that you're different and you should be treated with respect. You do have a kind heart for these children na hindi mo kaanu-ano." "Bakit hindi kung alam kong meron akong magagawa para sa mga tulad nila? I am blessed so why can't I share it with them kung puwede naman." Saglit na namayani sa kanilang dalawa ang katahimikan. Both of them just stared to the kids na halata ang sigla at saya sa mga mukha, maliban kay Caloy na tahimik lamang na nakamasid sa mga nakababatang kapatid habang nakaupo.  "I've heard their mother passed away. Bukod sa kanilang ama, meron pa ba silang guardian na puwedeng makasama?" Mapait na umiling ang dalaga, "Wala na. At nakakalungkot isiping ni hindi man lang sila magawang alagaan ng natitira nilang magulang. I've known them for almost a year at nakita kong tanging ang nanay lang naman nila ang nagtataguyod sa kanila. H-Hindi ko sila nadalaw nitong nakaraang mga linggo kaya hindi ko alam na wala na ang nanay nila." Halata sa mukha ng dalaga ang guilt na agad namang sinaway ni Idrish.  "Don't even blame yourself, Entice. You know how important these children to you at may sarili ka ring suliranin na kinakaharap. Now, let's talk what's your plan to help them out dahil hindi ko man mabasa ang tumatakbo sa isipan mo ngayon, alam ko kung gaano mo kagustong matulungan ang mga bata." "What do you mean hindi mo mabasa ang tumatakbo sa isipan ko?" Nangunot-noo ang dalaga. She knows it might be just a figure of speech pero bakit parang literal ang pagkakasabi ng kausap? Natawa si Idrish kasabay ng pag-iwas ng tingin. Tila bahagyang nagulat din ito sa sinabi. "It's just figurative, just don't mind it. Gusto kong tumulong sa kanilang magkakapatid." Tipid na napatango na lang ang dalaga. Hindi na niya pinansin ang sinab nito kanina pati na rin ang pasimpleng pagsulyap sa kaniya ni Idrish. He's trying to see kung may nahalata ang babae sa kaniyang sinabi kanina kaya naman bahagya itong nakahinga ng maluwag nang makitang bumaling na naman sa mga bata ang pansin ng kausap. "About earlier, nagawa ko yun dahil ayokong pinag-iisipan ka ng masama." Nangunot-noo si Abigail. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni Idrish. "It's like," tila nag-aalangang sabi ng lalaki, halata sa mukha nito ang frustration. "It's like I can read minds, Entice." "What? May special ability ka?" hindi makapaniwalang tanong ng babae. "Paanong nangyari iyon?" takang-takang tanong ng dalaga hanggang sa nanlaki ang mga mata nito sa naalala. "Nababasa mo ang nasa isipan ko?" Napatanga sa kaniya si Idrish. "N-not all, well I mean, aside from you." "Papaanong marunong kang bumasa ng isip ng ibang tao? Napag aaralan ba 'yan?" "Let's say parang in-born ability? At kaya ko nagawa iyon kanina ay dahil doon sa Alden na kasamahan mo sa trabaho. He has a lustful desire for you, Entice. And I wont just stand in there nang hindi siya nababalaan." Nanindig ang nga balahibo ng dlaaga, "ppero mukha naman siyang mabait, Idrish isa pa hindi naman ako pabaya, kaya ko namang ingatan ang sarili ko." "Hindi talaga maaasahan ang mga tao, Entice. Huwag na huwag kang nagtitiwala ng basta-basta. Hindi ibig sabihin na mabait sa'yo, hindi ka na sasaktan."  Napakuyom ng kaniyang mga kamay si Idrish. Nagbalik-tanaw na naman siya sa nangyari sa kaniyang kapatid.  Natahimik si Abby bago ito napatingin sa kaniya, tila malalim ang iniisip.  "Parang sa'yo? Do I need to trust this friendship?" "Friendship...is that what we have, baby?" Huminga ng malalim si Abby. "Why do you keep calling me that endearment? Baka mamaya, lusubin na lang ako ng girlfriend mo." Nagkunwaring may tinitingnan sa cell phone ang dalaga habang si Idrish naman ay wala sa sariling nangiti.  "Pag-usapan na lang muna natin ang tungkol sa mga bata." He said, covering his hand into her cell phone para mawala ang atensiyon niya dito. "Tutulungan kita sa magkakapatid. Kailangan nating kausapin si Caloy at ang mga kapatid nito para hindi na sila magawang saktan pa ng kanilang ama."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD