ABBY
"Puwede ba'ng dumaan muna tayo sa bahay namin sa Bulacan?" Sa wakas ay nasabi ko din sa kasama ko.
Hanggang ngayon kasi ay nag-aalinlangan talaga akong isama siya sa problema ko. The fact na kakakilala pa lamang namin at wala pa iyong isang buwan ay isa nang valid na dahilan kung bakit hindi ako komportableng i-drag ang lalaki sa issue ng pagkawala ng tatay ko. Pangalawa, pinsan siya ng boss ko at ang pakay ng kaniyang pagpunta dito sa PIlipinas ay upang matuto, hindi mag-hunting adventure. Pangatlo, ay ang katayuan nya sa lipunan. Sa nalaman ko kay Felpe na ang tahanan nito sa Ireland ay isang palasyo na hindi bababa sa dalawampu ang silid, hindi talaga puwedeng abalahain ko ang taong ito sa sa personal kong problema sa buhay.
"T-Teka, sandali lang, Idrish." Kamuntikan ko na siyang mahawakan kung hindi ng alang singbilis ng kisap-mata ang ginawa nitong pagkilos.
"I really think you should not be involved with my problem. Hindi pa tayo lubos na magkakilala."
Nakita ko siyang natigilan sa pagbubukas ng pinto ng driver's seat. Sa pangamba kong ma-oftened siya sa sinabi ko, dali-dali kong binuksan ang pinto ng kaniyang shotgun seat at pumasok sa loob ng kaniyang kotse para makaiwas.
"Ibig sabihin, wala kang twala sa akin." Pagak niyang tanong nang hindi nakatingin sa akin. Kasalukuyan niyang ikinakait ang kaniyang seatbelt.
"Buckle up, lady." Ani niya pa na agad kong sinunod. Meron sa kaniyang boses na hindi ko maipaliwanag at agad niya akong napapasunod.
Tahimik lamang siyang nakaupo at deretsong nakatanaw sa manibela. Til hinihintay niya lang na matapos ako bago siya huminga ng malalim at lumingon sa akin. His face is so serious.
"Alam mo ba kung bakit Entice ang tawag ko sa'yo?"
Kagat-kagat ko ang labi ko nang mahina akong napailing. It was indeed a question in my mind kung bakit ang second name ko ang pinili at nakasanayan na niyang tawagin sa akin simula pa lamang noong una.
"I can't almost remember my childhood. At sa uri ng aming pamumuhay," he hissed while smirking, "sa kakaibang uri ng aming pamumuhay believe me, Entice, madalas ay iiwanan mo na lamang ang isang nakaraan nang hindi kailangan lingunin. We're too different compared to how you people live."
As I've said, there is a part of my childhood that I can't even remember, aside from that baby girl in my memory na may mga mata ng isang tulad ng diamante."
"Diamanteng mata? Meron ba'ng ganoon dito sa mundo?"
Titig na titig sa akin ang lalaki bago umiling at napatango ng marahan.
"I guess she's not true, pero alam mo ba kung ano'ng natulasan ko? You have the same name, Entice."
Napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.
"Kung hindi siya totoo, paano mo nalaman ang kaniyang pangalan?"
"She used to visit me in my dream. Mukha lamang ng sanggol ang nakikita ko sa aking panaginip but pero naririnig ko ang pangalan na sinasambit ng mga tao sa aking paligid. They call her Entice. And when I met you and heard your last name, I decided to call you that name."
"Níl a fhios agam fiú an fáth, ach oireann sé go mór duit."
Napasimangot ang mukha ko nang hindi ko maunawaan ang huli niyang sinabi. He smiled, and for the first time, I know it's genuine.
Napanganga ako at tila naparalisa. Biglang parang may sumipa sa aking dibdib. Kung nakakabighani ang mukha niyang palaging nakasimangot at suplado, it is trippled now that he is smiling. He chuckled habang ako naman ay nag-iinit ang mukha sa hiya. Nagmamadali akong tumalikod sa kaniya at pilit na itinatago ang mukha.
"A-Ano, bumalik na nga tayo sa pinag-uusapan natin kanina." Kunwa'y nagtaray ako para malihis ang awkward moment namin.
"I understand your hesitation with my help but aside from me, do you know somebody who could possibly help you fly to Ireland?"
Napapikit ako sa kaniyang tanong. Matay ko man kasing isipin ay wala din ang maisasagot ko sa kaniya dahil bukod sa wala akong contact sa side ng momy ko n aisang Irish, ang lalaking 'to lang talaga ang kilala kong taal na tagaroon. Besides, mabilis niyang nauunawaan an mga misteryosong salita na maya't-maya'y pumapasok sa aking imahinasyon.
'Wala." I sighed in great disappointment.
"The reason why I wanted to extend my help to you. Bukod sa nakiusap sa akin ang pinsan kong tulungan kita, I really wanted to help you find your dad. We both know that Tim can pull some strings for you to get to Ireland pero bakit pa kung puwede namang ako ang gumawa noon? He's going to be a dad anyway at gugustuhin mo naman sigurong nasa kaibigan mo ang kaniyang atensyon, di ba?"
"Listen. Just let me help you with this, okay? We need to find your father before it's too late."
"Ano'ng ibig mong sabihing before it's too late?"
Pero hind niya na ako pinansin. Biglang naagaw ng tunog ng kaniyang cell phone ang aming pansin. Tinunghayan niya ang device at sumenyas sa aking lalabas muna ng sasakyan para tanggapin ang tawag. Tipid na lang akon ngumiti at napatango.
--------------------------------------
"We need to find your father before it's too late."
Mahinang napamura sa sarili ang binata. It was too late when he realized what he just said. Mabuti na lamang at mabilis niya ring naiparating kay Felipe ang utos na tumawag ito sa kaniyang cell phone para mawala ang atensiyon nila ng babae sa kasalukuyang pinag-uusapan. At nang marinig nga ng dalaga ang tawag, tipid lamang itong ngumiti at inilayo na sa kaniya ang tingin para mabigyan siya ng pagkakataong sagutin ang tawag.
"Lord Idrish, mangyari po'y pumarito da po muna kayo sa utos ni Master Audric. Isang mahalagang imporasyon po ang tangan ng inyong ama."
Wala pang dalawang oras ay nasa kanilang bahay na sa Bulacan ang dalaga. Katulad sa kaibigang mortal, isinugo ni Idrish na basbasan ng orasyon an nasabing lugar upang hindi malapitan ng mga Xegnons. Nang masigurong maaari nang iwanan ang mortal, mabilis na siyang nagpaalam dito upang agad na makausap ang amang naghihintay.
Sa kabilang banda, agad na nakaramdam ng pagkahilo ang dalaga pagkapasok na pagkapasok nito loob ng kanilang bahay. Umikot ang kaniyang paningin ni Abigail at bago pa man siya tuluyang bumagsak sa sahig, dalawang kamay ang masuyong umagapay sa kaniya.
Halos bumulwak an mga luha sa mga mata ng dalaga nang makita kung sino ang nagmamay-ari niyon.
"D-dad? Dad! Nandito na po kayo! Nakauwi na po kayo!" Mabilis niyang dinamba ang ama na noo'y nakangiti lang sa kaniyang nakayakap. Iyak ng iyak si Abigail hanggang sa masuyo siyang tinapik-tapik sa ulo ng ama.
She really missed him. Losing him from her sight for the past two weeks could almost make her weak and surrender at mabuti na lamang at hindi niya ginawa.
"Dad, where have you been? Bakit po bigla kayong nawala?! O-okay lang po ba kayo? Hindi po ba kayo nasaktan?" Sunod-sunod ang kaniyang mga tanong habang isa-isang iniinspeksyon ang mga braso, ulo at katawan ng matandang doktor.
"Anak, okay lang ang daddy. Pasensiya ka na kung talagang pinag-alala kita." Halata sa boses ng kaniyang daddy ang lungkot bagama't nakangiti itong nakatunghay sa anak.
"Okay lang po dad, ang importnate, tapos na po, Nandito na po kayo at nakabalik sa akin. Hinding-hindi na po ako makakapayag na mahiwalay kayo sa aking paningin. Masayang-masaya po ako, dad!"
Nakangiti habang patuloy sa pagluha ang dalaga, all Dr. Salcedo could do is painfully look at her beloved daughter hanggang sa tila nahalata na rin nito ang nangyayari. Kumunot ang noo ng dalaga at biglang napalinga sa kaniyang paligid nang may mapansin.
"D-Dad, nasaan po tayo? Hindi po ito ang bahay natin!"
"Anak, huminahon ka. Wala nga tayo sa bahay dahil nandito tayo sa tahanan ng iyong ina."
Nanlalaki ang mga matang napatitig si Abigail sa kaniyang daddy. How could it happen? Nananaginip ba siya? Is she hallucinating?
"Dad-,"
"Anak, totoo ang lahat ng nangyayari ngayon at hindi ka nananaginip. Panahon na para malaman mo ang nakatagong parte ng iyong pagkatao. And I'm sorry, my baby, kung bigla na lang akong nawala. Just wait for me, anak. Magpakatatag ka lang. Babalikan din kita, sa tamang panahon. Basta't magtiwala ka lamang sa puso mo."