Lunes ng umaga habang nagro-roll call si Sergeant Pascual, inanunsyo nito na magkakaroon sila ng operasyon. “Pagkatapos ng holiday season, magtatalaga tayo ng tao natin sa isang pawnshop na nasa kahabaan ng Recto Avenue at Sta. Lucia Street. Mag-a-undercover sina Gallardo, Luancin, Chua at Custodio. Kailangan na mai-video natin ang lahat ng customer na pumapasok sa pawnshop para magsanla. Sa ngayon kasi ay tumataas na ang bilang ng panloloob sa mga pawnshop kaya kailangan nating matyagan ang lahat ng kahina-hinala para mabilis natin mahuli ang mga kawatan na iyan. Siguradong isasanla rin naman nila ʼyong mga ninakaw nila dahil mas kailangan nila ang pera.” May ilang napangiti sa sinabi ni Sergeant Pascual. Muli itong nagpatuloy sa pagsasalita. “Bukod doon sa nabanggit kong apat na detect

