TYRION LANNISTER Lumingon ako sa direksiyon ni Harold na nakatingin na rin sa direksiyon ng tinitingnan ko kanina. Maging si Harold ay tila natigilan na rin dahil sa kaniyang nakita. "Harold, sa tingin mo ba ay illusion lang ang nasa harap na 'tin ngayon?" Hindi ako agad sinagot ni Harold sapagkat hindi pa rin siya nakakabawi mula sa pagkakabigla dahil sa kaniyang nakita, pero pagkalipas din ng ilang minuto ay nabaling sa akin ang paningin niya. Yumuko sa akin si Harold at pagkatapos ay nagsalita na rin siya sa wakas. "Hindi illusion ang nasa harapan mo, kamahalan. Sinubukan kong pakiramdaman ang nasa harapan na 'tin ngayon at totoo na may kaunting mahika akong nararamdaman mula sa kaniya na maaaring galing talaga sa kanila." Tumango na lang ako bilang tugon kay Harold. Pagkatapo

