TYRION LANNISTER Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na rin sa normal ang lahat at hindi na ko nakakaramdam ng pagkahilo. Sinubukan kong tumayo ng dumiretso. Med'yo nanginginig pa ang tuhod ko, pero kaya ko ng makapaglakad. Lumingon ako sa direksiyon ni Harold at ngumiti ako sa kaniya. "Ayos ka lang ba, kamahalan? Nais mo ba na huminto na muna tayo sa paglalakad para makapagpahinga ka ulit?" Umiling ako sa tanong ni Harold. Natatawa ako sa tanong niya. Parang kagigising ko lang kasi kanina at hindi pa naman ako gumagamit ng kapangyarihan, pero gusto na naman niya kong pagpahingahin. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko para pigilan ang pagnanais kong tumawa kanina pa. "Hindi na kailangan, Harold. Ipagpatuloy na lang na 'tin ang paghahanap sa mga kasama ko." Tu

