TYRION LANNISTER Pagkadating namin sa bayan ay tila may dumaan na isang makapal na sakuna. Maraming tao ang nasa sahig. Hindi namin matukoy kung tulog lang ang mga ito o wala na itong buhay. Gano'n pa man, tumingin ako sa direksiyon ni Rhea pagkatapos kong pagmasdan ang mga katawan ng tao sa lupa. "Rhea, maaari mo ba kong tulungan para tingnan kung ayos lang sila?" Tinuro ko ang mga tao na nasa lupa. Tumango sa akin si Rhea at agad siyang lumipad sa direksiyon nila. Pagkatapos ay muli siyang tumingin sa direksiyon ko dahil parang may nais pa siyang sabihin sa akin. "Tyrion, huwag mo na munang gamitin ang kapangyarihan mo sa ngayon. Ako na ang bahala sa kanila. Ang mabuti pa ay umalis na kayo ni Harold para makapagsimula na kayong maghanap sa mga kasamahan mo." Ngumiti sa akin si R

