Chapter 6

1015 Words
TYRION LANNISTER Napakagat na lang ako sa aking ibabang labi ng maramdaman ko ang paghapdi ng aking paa. Kanina pa ko natakbo. Hindi ko sigurado kung nasunod ba sila sa akin dahil wala naman akong naririnig na ingay mula sa likuran ko. Kanina pa ko natakbo, pero hindi ko pa rin nakikita kung saan ang labasan sa gubat na 'to. Mas dumagdag pa sa takot ko ang sobrang tahimik ng paligid. Kahit ingay ng mga hayop ay wala akong naririnig. "Tsk. Sana magising na ko kung panaginip lang 'to." Huminto na ko sa pagtakbo dahil sa kinakapos na rin ako sa paghinga. Med'yo makapal na ang mga puno na napuntahan ko kaya hindi na rin ako nakakakuha ng hangin. Isa pa, sobrang dilim na rin ng kinalalagyan ko. Kinapa ko ang aking bulsa para alamin kung nasa akin pa ba ang cellphone na hawak ko nang nasa mundo pa ko na pinagmulan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makapa ko 'yon sa bulsa. Binuksan ko ang aking cellphone. Napawi ang panandalian Kong kasiyahan nang makita kong malapit na itong malowbat. Binuksan ko na lang ang flash light niya kahit malapit na siyang ma-lowbat. Kaysa naman wala akong magamit na p'wede kong pang-ilaw. Naging alerto ako bigla nang makarinig ako ng kaluskos nang buksan ko ang flash light ng aking cellphone. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Nangangatog na rin ako sa lamig. Dapat pala ay kinabukasan na lang ako tumakas sa kanila. Bukod sa wala pa kong kain ay parang magkakasakit pa ko dahil sa mga nangyayari sa paligid ko. Bumuntong hininga ako ng malalim. Wala rin akong kasiguraduhan kung bukas pa ko aalis sa puder nila. Baka nga habang natutulog ako ay dalhin na nila ko sa palasyo nang wala akong alam. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Paika-ika na ko at hindi na ko tumakbo dahil nararamdaman ko na rin ang pamamanhid ng aking dalawang paa. Habang naglalakad ako ay narinig ko na naman ang kaluskos sa paligid ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Inilawan ko ang aking paligid. Umikot pa ko, pero wala naman akong nakita na sumusunod sa akin. Hindi kaya palihim na pala kong sinundan ng mga tao na 'yon? Hindi naman sila nakasuot ng katulad ng mga kawal sa palasyo, pero para makasiguro ay kailangan ko pa rin lumayo sa kanila. Lalo na at wala naman akong kilala na maaari kong pagkatiwalaan sa mundong ito. Med'yo binilisan ko na ang aking paglalakad dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko tungkol sa kaluskos na naririnig ko kanina pa. Kahit sobrang sakit na ng aking paa ay kinagat ko na lang ang aking labi at kinuyom ang aking kamao para tiisin ang sakit na nararamdaman ko. Nasaan na ba kasi ang labas ng kagubatan na ito? Bakit parang wala ng katapusan ang tinatakbuhan at nilalakaran ko? Huminga ako ng malalim dahil nagsisimula na namang maubos ang hangin na nasa paligid ko. Habang patuloy ako sa paglalakad ay parang mas lumalakas din ang mga kaluskos na naririnig ko. Hanggang sa biglaan kong tinutok ang hawak kong cellphone sa aking likuran. Nanginig ang buong katawan ko sa nakita. Muntikan ko pang mabitawan ang hawak kong cellphone kung hindi lang mahigpit ang pagkakahawak ko rito. Tiyak na mamamatay na yata ako. May tatlong malalaking tao na nakatayo sa harapan ko. Ang pangit ng mukha nila at para silang mga kapre kung nasa mundo pa ko ng ordinaryong tao. Nanlilisik ang mga mata nila habang nakatingin sila sa direksiyon ko. Saglit akong lumingon sa paligid ko. Nagbabakasakali na may makikita akong bagay na maaari kong magamit para makaligtas pa ko. Ang kaso lang ay nanghihina na ang katawan ko. Bukod sa wala pa kong kain ay pagod na rin ako sa kakatakbo at kakalakad. Nauubusan na rin ako ng oxygen dahil makapal pa rin ang mga puno na nasa paligid ko. Lalo akong nawalan ng pag-asa nang tuluyan nang namatay ang cellphone ko. Nalintikan na! Wala na kong makita. Naubusan na ko ng lakas at pag-asa na makakaalis pa ko sa kagubatan na 'to kaya umupo na lang ako sa lupa at hinintay ang mga nakita kong halimaw na lumapit sa direksiyon ko at kainin ako. Nakarinig ako ng mga yabag papunta sa direksiyon ko. Parang may biglang humawak sa buhok ko ngunit bigla ring humangin ng malakas at sa isang iglap ay nasa ere na ko kasama 'yong babaeng tinakbuhan ko kanina. Sa pagkakaalala ko ay Rem ang pangalan niya. May hawak siya na parang isang wand. Kinumpas niya ito habang nakaturo ang wand sa ibaba namin. Umilaw bigla ang wand at sa isang iglap ay nagkaroon ng liwanag ang paligid. Napahanga ako sa aking nakita. Nagawa niyang gamitin ang wand na walang inuusal na spell? Ang galing! Nakita ko sa baba ang iba pa niyang mga kasama. Nakikipaglaban ang mga ito sa halimaw na nakita ko kanina. "Rem! Ayos lang ba siya?" Sumigaw 'yong isang lalake na hindi ko pa nakikilala. Sumagot naman itong kasama ko. Napakapit pa ko sa bewang niya dahil nalula ako bigla sa sinasakyan namin. Nakaramdam ako ng pagkailang nang maalala kong babae nga pala ang kasama ko ngayon. Isa pa, babae ang nagligtas sa buhay ko. Tsk. "Ayos lang siya. Kayo na ang bahala sa mga Korin na 'yan. Gagamutin ko muna ang sugat niya sa kaniyang paa." Sabay-sabay na tumango ang kasamahan ni Rem sa kaniya. Pagkatapos ay tinuon na ulit nila ang kanilang paningin sa kaharap nilang halimaw. Ano ang tawag nila sa halimaw? Korin? Ang pangit naman ng bansag nila. Napahigpit ang hawak ko sa bewang ni Rem nang bigla making umandar at unti-onting bumaba. Pakiramdam ko ay nakasakay ako sa rides ngayon dahil sa nangyayari. Nang tuluyan na making nakaapak sa lupa ay dahan-dahan akong umupo at tiningnan ang lagay ng dalawa kong paa na puro na sugat. Tinapat ni Rem ang kamay niya sa paa ko. Bigla iyong umilaw at naramdaman ko ang mainit na emerhiya na dumadampi sa aking balat. Bakit kaya nila ko tinulungan kahit tinakasan ko sila? Napaisip tuloy ako bigla ng malalim. Hindi kaya totoo ang sinasabi nila sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD