Chapter 4

1015 Words
TYRION LANNISTER Nangibabaw ang malakas na t***k na puso ko kaysa ang mga yapak na ginagawa ng maliit na tao na nakita ko. May kamukha nga siya na sikat sa mundo ng mundo na pinagmulan ko e. Ano nga ba ang tawag doon? Alam ko na! Elf. Mukha siyang elf! Anyway, tinakpan ko na rin ang bibig ko dahil maging ang paghinga ko ay sa tingin ko maririnig na rin niya. Pinagpawisan na ko ng malagkit nang dumaan na siya sa puno na pinagtataguan ko. Tiyak na narinig niya ang pagtunog ng tiyan ko kanina. Ang tahimik kasi ng lugar na 'to at bukod pa roon ay may mga kapangyarihan ang mga tao rito. Malay ko ba kung may kakayahan ang tao na 'to na marinig kahit ang pinaka mahinang huni ng ibon. Nakita ko ang paglinga-linga ng elf sa paligid na parang siya ay may hinahanap. Ang hawak niyang bagay ay biglang umilaw nang matapat ito sa direksiyon ko. Para lang itong isang baston kaya hindi ko akalain na bigla itong mag-iilaw. Nanlaki ang mata ko nang maglakad na siya patungo sa direksiyon ko. Hindi ko na malaman ang aking gagawin. Kung may kapangyarihan lang din sana ako katulad nila, pero mukhang malabong mangyari ang bagay na 'yon dahil hindi naman ako nagmula sa mundong ito. Pinikit ko na lang ang aking mata at pansamantalang pinakiramdaman ang aking paligid. Bago pa ko pumikit ay may nahagip ang mata ko na isang tao na nakasuot na itim na cloak. Mukha siyang kontrabida sa anime na pinapanood ko at mas lalo akong kinabahan dahil doon. Nakalutang lang siya sa ere at mapagkakamalan ko siyang black lady kung wala lang ako ngayon sa mundong ito. Isa pa ay may araw pa. Kaya malabo talagang magkaroon ng black lady na ganitong maaga pa, pero mas kapani-paniwala ang black lady kaysa ang mapunta sa mundong ito. Habang tumatagal ay mas lalo kong nakikita ang itsura ni Kamatayan sa taong nakalutang sa ere. Kinumpas niya ang kaniyang kamay sa ere habang nakaharap siya sa direksiyon ko. Hindi ko na lang pinikit ang mata ko dahil baka mas lalo lang akong mapahamak. Hinintay ko na lang kung ano ang sunod na mangyayari. Nang malapit na ang elf sa direksiyon ko ay biglang nagliwanag ang orasan na hawak ko at bumilis din ang takbo ng mga kamay nito. Pabilis ito ng pabilis hanggang sa nasilaw na rin ako sa liwanag nito. Napapikit ako at nang muli kong dinilat ang aking mata ay nasa ibang lugar na ko. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid dahil baka namamalikmata lang ako at nang makasiguro na ko ay halos tumalon na ko sa tuwa dahil sa wakas ay nakaalis na rin ako sa loob ng palasyo. Nakahinga ako ng maluwag. Muntikan na ko makita ng elf. Buti na lang at parang tinulungan ako ngayon ng orasan na hawak ko. Bukod sa elf ay natatakot din akong makita nang tao na nakita kong nakalutang sa ere. Parang nakita na nga yata niya ko. Buti na lang at nakaalis na ko sa lugar na 'yon bago pa siya may magawang hindi maganda sa 'kin. Samantala, hindi ko maalis ang mata ko sa paligid. Maraming mga nagtitinda sa gilid at mga taong namimili. May iba na kasama pa ang kanilang pamilya. May iba na nag-uusap lang habang naglalakad. Pinagmasdan ko ang mga tinitinda nila. May ibang pagkain na ngayon ko lang nakita. Ang ibang paninda naman ay mga bagay na sa tingin ko ay ginagamit nila para sa kanilang kapangyarihan. Marahil ay nagamit ang mga naninirahan sa mundong ito ng bagay na magagamit nila para sa kanilang kapangyarihan. Napasimangot na lang ako nang makakita ako ng isang tindero na grabe kung magyaya ng customer. Nilalapitan niya isa-isa ang mga tao at pagkatapos ay malakas ang boses niya itong kakausapin. Iniwasan ko itong daanan dahil baka mabingi pa ko sa sobrang lakas ng boses niya. Habang naglalakad ako ay may isang bagay akong napansin. Mukha naman maganda ang pamumuhay ng mga tao rito, pero bakit parang hindi sila masaya? Wala man lang akong nakitang mga bata na masayang naglalaro. Pati ang mga tao ay parang pilit lang ang pamumuhay sa mundo dahil lahat sila ay nakasimangot. Sa kakatingin ko sa aking paligid ay may hindi sinasadya akong nabangga. Pareho kaming napaupo sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabangga namin. Kahit masakit pa ang puwet ko dahil sa pagkakaupo ay agad akong tumayo at tinulungan kong makatayo ang nabangga kong babae. "Pasensiya ka na. Nasaktan ka ba ng husto?" nag-aalala ko siyang tinitigan. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka bigla na lang akong gamitan ng kapangyarihan nito dahil binangga ko siya. Nakahinga lang ako ng maluwag nang ngumiti sa akin 'yong babae. "Ayos lang ako. Pasensiya na rin." Napakamot ako sa aking batok dahil sa ganda ng ngiti niya. Parang nawala tuloy bigla sa isipan ko na nasa ibang mundo nga pala ako. Hindi ko alam kung anong sunod na sasabihin ko sa kaniya dahil inunahan ako ng aking hiya ko. Mukhang wala naman problema ang mga tao rito para maging malungkot base sa pakikitungo sa akin ngayon ng babae. "Pasensiya kana ha." Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa pagtataka dahil hindi ko naintindihan ang sinabi ng babae. Bakit siya pa ang humihingi ng tawad? Para saan? Ngumiti ulit ang babae sa akin. Sa kakatitig ko sa kaniya ay hindi ko na napansin ang muling pag-ikot ng mabilis ng hawak kong orasan. Biglang hinawakan ng babae ang kamay ko kaya mas lalo akong nagtaka. Hinila niya ko bigla. Hindi ako nagpumiglas sa kaniya dahil baka masaktan ko siya. Biglang nagbalik sa aking alaala ang ginawang pagsisinungaling sa akin ng Reyna. Hala! Baka kasamahan siya ng Reyna! Sinubukan kong kumawala sa babae, pero biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Hey, bitiwan mo ko! Hindi ako sasama sa 'yo!" Nakaramdam na ko ng inis dahil mas malakas pa sa akin ang babae ngayon. "Kailangan mong sumama sa amin." Patuloy akong nagpumiglas sa kaniya, pero bigla akong nakaramdam ng antok nang may binulong siya. Hanggang sa unti-onti na kong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD