TYRION LANNISTER Pagkamulat ko ng aking mata ay nasa ibang lugar na ko kaya sa sobrang saya ko ay napatalon na lang ako bigla. May mga tao sa paligid ko at para akong bumalik sa unang lugar na napuntahan ko nang makawala ako sa palasyo. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid para subukan kung makikita ko ba sina David at ang iba pa, pero nabigo lang ako. Isang malalim na buntong hininga ang aking napakawalan. Sa lawak ng mundong ito ay hindi ko alam kung saan banda ko ba sila hanapin. Nilabas ko na lang ang kuwintas na orasan na nasa aking bulsa at pinagmasdan ito. Sa ngayon ay normal pa ang takbo ng mga kamay nito kaya nasisiguro ko na walang kalaban sa paligid. Kama-kailan ko lang napansin na sa tuwing bumibilis ang kamay nito ay nangangahulugan na may kalaban sa paligid o na

